Epilogue

25 5 0
                                    

(Cheska POV)

Ipipikit ko na sana ang mata ko ng bigla akong mabitawan ni Krystel. Napahawak ako sa leeg ko. May biglang lumapit sa akin. "Ayos ka lang ba?" wait that voice parang pamilyar. Iniangat ko ang tingin ko at nagulat ako sa nakita ko. Napalayo ako sa kanya.

"Sino ka?" natatakot kong tanong. Kamukha ko sya, mapupula ang mata, mahahaba ang kuko, bakat ang mga ugat sa braso.. pero ang putla nya. "I am Amanda" sabi nya. Hinawakan nya ang kamay ko at tinulungan akong tumayo. Nakita ko si Krystel na nakahawak sa tagiliran na may kung anong kulay itim na tumutulo.

"Kayo..... ah.. nandito kayo sa teritoryo ko" angil nya at halatang nahihirapan. Ito na ang pagkakataon ko dahan dahan akong lumapit sa kanya at medyo masakit pa din ang katawan ko. Minarkahan ko sya ng cross sa noo at nakikita ko ang pagkapaso nito.

"AHHH!" napasigaw sya dahil sa sakit nanararamdaman nya ngayon. "Ngayon, yan naman ang marking iiwan ko syo. Na hindi mo makakalimutan" tinakpan ko ng kamay ko ang mga mata nya. Huminga ako g malalim bago magsalita.

"En el nombre

Del padre

Y del sol

Y del espiritu holu amen.

Tu, el cuidador

De la entrada

Del infierno,

Tienes que sufrir

Hasta la muerte.

Libera el alma

De todos los humanos

Que reunes,

Dame la llave

Y vuelve a ser humano....." tiningnan ko sya.... "AHORA!". Unti unting lumakas ang hangin sa paligid.

"Paano ba yan Krystel, talo ka nanaman" rinig ko si Amanda mula sa likod ko. "AHHHHHHH!" sumigaw si Krystel at bigla parang sumaboog. Napapikit ako at natumba. Pagmulat ko ng mga mata ko ay nakita ko ang mga abong bumabagsak.

Inalalayan ako ni Amanda na tumayo at humarap sya sa akin. "Nanalo tayo" sabi nya kaya niyakap ko sya. Sobrang saya ko. Yung sayang di maipaliwanag, yung saying nagtagumpay..... sobra sobra.

Kumalas sya sa yakap naming at pinakatitigan nya ko sa mata. "Gumising ka na" sabi nya at tiningnan ang susi sa baba. "I think, it's goodbye na Cheska" hindi ko alam kung bakit pero naiiyak ako. tumulo na nga ang luhang kanina pang nagbabadyang kumawala mula sa mga mata ko.

"P-pero" humikbi ako kaya niyakap nya ulit ako. "Salamat kasi nakilala kita" hindi pa din ako tumitigil sa pag-iyak. Naaalala ko ang mga panahong kinakausap ko sya sa salamin. At yung araw din na pinagtanggol nya ko kay Carlota.

"Mamimiss kita Cheska" lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. "Ayaw ko pa" sabi ko at ramdam ko din ang pag-iyak nya. "Haha, ano k aba. Dapat masaya ka kasi wala ng mamamatay na inosente. Wala ng mapapahamak at di mo na din kailangang kabahan......." Pinutol nya ang sasabihin nya at kumalas sa yakap habang nakahawak sa mukha ko ang mga kamay nya "......... Malaya ka na Cheska"

Humagulgol nanaman ako ng iyak, ito naman kasing si Amanda pinapaiyak ako. binitawan na nya ko at tumalikod mula sa akin. Ako itong hindi makagalaw at pinapanod na lang sya sa pag-alis. Bawat hakbang nya ay parang isang saksak na din sa kin sa sobrang lungkot ng pakiramdam ko.

Akmang papasok na sya sa may lagusan ngunit bumaling muna sya ng tingin sa akin. "Paalam Cheska" sabi nya at tuluyan ng pumasok. Napaluhod ako sa sobrang iyak. Hindi ako makapaniwalang yung taong naging kaibigan ko, taong naging lakas ko, at taong pinakita sa akin kung ano ba talaga ako ay di ko na makikita...... di ko na makakausap......... sa salamin.

The Haunted Catholic School (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon