12. Concern

29 1 0
                                    

(Cheska POV)

Di na ako nahatid ni Casper pauwi kasi nagpaalam syang baka hinihintay na sya ng lola nya kaya naman nag taxi na lang ako pauwi. Nakangiti akong pumasok sa loob ng bahay ng maabutan ko si Dad at mom sa sala habang hindi mapakaling lakad ng lakad si Mom.

"What's going on?" tanong ko kaya napansin nila ako.

"Cheska" sabi ni mom at binalingan ako ng mahigpit na yakap.

"Mom, a-ano pong meron?"

"We're waiting for you almost an hour tapos magtatanong ka ngayon" kumalas si mom sa pagkakayakap sa akin at nilapitan ako ni dad.

"Saan ka galing ha" nakakatakot ang tono ng pananalita ni dad kaya medyo kinakabahan na ko.

"Again, Cheska saan-ka-galing?" nagdiin na ng boses si dad kaya napalunok ako at sumagot.

"S-sa school po—"

"YOU'RE LYING!" nasigawan na ko ni dad this time at nangingilid na ang mga luha ko.

"Dominic take it easy" sabi ni mom kay dad at hinaplos sa balikat.

"Hindi Margaret, nagsisinungaling na tong anak mo eh. Bitawan mo ko" napabitaw na lang si mom sa braso ni dad at binalingan ako ni dad ng nakakatakot na tingin.

"Tell me the truth Cheska" sabi ni dad habang nakapa mewang.

Kaya napagdesisyunan ko ng sabihin ang totoo.

"I-I go to the Mall with my friend" sagot ko habang nakatungo at naiiyak pa din.

Napatalikod si dad sa akin at umupo sa sofa.

"I'm so disappointed to you dear. Hindi ka man lang nag text or tumawag man lang sa amin ng mom mo. Nag-aalala na kami sayo tapos nag Mall ka lang pala" sabi ni dad kaya medyo nahiya na ako.

"I-I'm sorry dad"

Tumayo si dad at tinalikuran kami ni mommy. Pumunta sya sa may garden para magpalamig.

"Anak,siguro hintayin mo munang humupa ang galit ng daddy mo ha. Sige na wag ka ng umiyak......" pinahid ni mom ang luha ko sa mukha ".......go, punta ka na sa room mo at magbihis maya maya kakain na tayo sweetheart ha" sabi ni mom kaya umakyat na ako.

*****

Kinabukasan ay maaga akong nagbihis at naghanda na sa pagpasok. Pagdating ko sa school ay wala ako sa mood ngayon. Maaga pa naman 6:30 a.m kaya medyo wala pang maraming tao sa campus.

Naisipan kong pumunta sa mga bench at hindi muna pumunta sa classroom. Naupo ako doon at nakinig ng music sa earphone.

"Hi Cheska" narinig ko ang isang boses at sigurado ako si Casper yun.

Umupo sya sa tabi ko at napatingin sa kin.

"Bat hindi ka pa pumapasok?" tanong nya sa akin at pinagmamasdan ang mukha ko.

Wala syang natanggap na sagot mula sa akin.

"May problema ba?" tanong nyang muli sa akin.

That time napagisipan kong sabihin sa kanya ang nangyari last night.

"Nagalit sa akin si Daddy" cold kong sagot sa kanya.

"Why? Dahil ba late ka ng nakauwi?" seryoso nyang tanong.

"Yah" tipid kong sagot sa kanya.

"I'm so—"

"Cheska " hindi na natapos ang sasabihin ni Casp ng lumapit sa akin sila Ey-ey at Clarisse.

The Haunted Catholic School (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon