32. Church

21 1 0
                                    

(Clydle POV)

Isang linggo na lang before the 2nd semester. Konting rest na lang. nandito ako ngayon sa Church as usual lagi naman akong nandito. Mag-isa ko lang dito kapag ganitong oras dahil nagbabantay ako ng loob baka kasi may makapasok kaya ako na ang nag vovolunteer. Pumunta ako sa may harap ng replica ni mama Mary at nag tirik ng tatlong kandila.

Lumuhod ako at nagsimula ng mag sign of the cross, "In the name of the father and of the son and of the holy spirit,amen. Hail Mary full of grace the Lord if with you. Blessed are you am—" natigil ako sa pagdadasal ng marinig ko ang pagbubukas ng pinto ng simbahan kaya napatingin ako doon.

Dahan dahan itong bumubukas ng wala namang tao. Tumayo ako at dumeretso doon then naglinga linga sa paligid kung may tao pa pero wala akong nakita. Something's creepy pero nasa loob ako ng church. I close the door then bumalik na sa pagluhod.

Magsisimula na sana akong magdasal muli ng mamatay ang unang kadila sa harap ko. Wala naman masayadong hangin eh. Kinuha ko yun at sisindihan na sa sunod na kandila ng mamatay naman ang pangatlong kandila. Natigilan ako sa situation na ito.

I feel some presence of a black spirit around me. I feel so more nervous ng namatay na din ang isa pang kandila. Dahan dahan akong tumayo sa pagkakaluhod at nakita kong isa isang namamatay ang ilaw sa loob ng simbahan. Sumabay pa ang malamig na hanging bumabalot sa bawat sulok ng simbahang ito.

Ng matapos ang eksena na yon ay nagbukas ang maliwanag na ilaw mula sa may altar. At maynakita akong tila anino na naglalakad sa harap ng altar. Unti-unti akong napapaatras sa kinatatayuan ko ng hindi pa din naaalis ang tingin sa anino. Anino ng tila ba isang babae.

Ng unti-unti kong naaaninag ang mukha nito ay biglang lumakas ang hangin mula sa kanya . nakakakilabot ang dating ng isang ito. I get my rosary from my pocket and hold it. "Lord, save me from this evil. Don't get me into danger. God please save me, please" I close my eyes as I said those words.

Nakaramdam ako ng konting kapanatagan ng tumigil ang malakas na hangin. Ng buksan ko ang aking mata isa isang nagbubukasan ang ilaw sa paligid at ng mahagip ng mata ko ang tatlong kandila ay isa isa ding sumisindi. Now tell me, what kind of explanation you can give about what happened?

(Cheska POV)

Nasa kalagitnaan na ng gabi pero di pa din ako makatulog. Hindi ko makalimutan ang nangyari kaninang umaga. Mumo ba yun? Aswang? Engkanto? Baka naman shape shifter na nagiging tao. Ugh bakit ba kasi may doorbell kami tapos bakal pa yung gate? Kung wala yun di sana makakakatok yung anong yun.

Dahil di ako mapakali sa higaan ay tumayo ako at nagdiretso sa banyo para jumingle. Pagkatapos kong umihi naghugas ako ng kamay sa gripo at tiningnan ang reflection ko. Amanda please kailangan ko ng kausap.

I focus my mind and close my eyes. "May problema ba?" namulat ang mata ko ng marinig ko ang boses nya kaya binuksan ko aga ang mga mata ko at nagulat ako ng makita ko syang namumutla at parang hinang hina.

"A-ayos ka lang ba? May sakit ka?" sa tanong kong yun ay natawa lang sya tyaka ako tinitigan ng nakangiti pa din pero kita ko sa mata nya ang hirap.

"Ano ka ba? Ayos lang ako, medyo hina lang siguro wag kang mag-alala"

"Anyway, kanina pala—"

"Alam ko na yang sasabihin mo. Ang paliwanag dyan is nagsisimula na si Krystel sa mga actions nya. Tinatakot nya kayo, at shempre kung magpapatakot kayo matatalo kayo. Cheska kailangan nyo ng gumawa ng plan ngayon ng mga kaibigan mo kung hindi mauunahan kayo ni Krystel" sa tono ng pananalita nya biglang pumasok sa isip ko ang nangyayari. I forgot about Krystel. Oo nga dapat na kaming makagawa ng plano ASAP.

"Pero hindi namin kayang hanapin ang dalawang taong yun ng basta, basta. Ang daming tao sa mundo"

"Pero, malay mo nakilala na ng isa sa inyo ang isa sa mga taong hinahanap nyo" oo tama baka kilala lang namin ang mga taong yun. Bukas na bukas kakausapin ko sila Ey-ey at Clarisse.

I fake a yawn before I face to the mirror. "Matutulog na ko ha, thanks sa reminder sleep ka na din" I said before closing the door of the bathroom at humiga na ko ulit sa kamay habang nakatingin sa ceiling.

***

GOOD MORNING WOLRD

Gumising ako ng maaga at naligo then bihis ng damit. Nakasuot ako ng reap jeans, at

Off shoulder na white then nagsuot ng rubber shoes na white din. Nakalugay ang buhok ko at sinuklay ko ito then put some powder in my face then lip tint. Oks na ready to go. Kinuha ko ang sling bag ko then phone at dahan dahan binuksan ang pinto ng kwarto ko. Tinanaw ko muna kung nakaalis na sila mom and dad and nakita kong lumabas na sila ng pinto.

Dumeretso ako sa bintana ng kwarto ko at tiningnan kung nasaan na sila. Nakita kong umandar na ang car sa labas at umalis na. "GO" agad akong bumaba ng hagdan ng soundless at tiningnan si yaya sa kusina na kasalukuyang nagluluto ng breakfast ko. Binuksan ko ang pinto at ganun din ang gate ng bahay.

"Success" I took a deep breath before I walk through the side of the road. Maglalakad na lang siguro ako hanggang sa may entrance ng subdivision namin.

***

Contacting Ey-ey

Tinawagaan ko si Ey-ey habang naglalakad ako. Then after 6 rings sinagot nya ito.

"Hello, nagbago na ba isip mo?"

"Hindi, pwede ba tayong magkita. Tawagan mo na din si Clarisse magkita kita tayo sa may café malapit sa Mall"

"Ahhm, ok pero baka matagalan ako eh"

"Why?"

"Wala kasi ako sa bahay—"

"-ey ready na breakfast tayo ka na dyan"

Nagulat ako ng may marinig akong boses ng lalaki sa kabilang linya at kung di ako nagkakamali its Kayden. Hayysstt Ey-ey meron ka bang di sinasabi sa amin.

"S-sige na tatawagan ko pa si Clarisse bye"

"Wait ey—"

*toot, toot, toot

Langya naman oh. Binabaan ba naman ako ang telepono. Weird talaga nun. I get my earphones and listen some musics while walking. Mabuti na lang at di masyado mainit wala pa naman akong dalang payong.

//hello again so ekis na po si Finn sa story. Hahaha extra lang po yun// :D


The Haunted Catholic School (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon