50. Ritual

26 1 0
                                    

(Cheska POV)

Nandito kami ngayon nila Ey-ey at Clarisse sa kwarto ko at nag kukwentuhan about sa ritual.

"Dapat mag focus na lang muna tayo sa sunod na tao. Baka kasi kakaisip natin kay Kelly nakalimutan na nating may isa pa" sabi ni Ey-ey at sumangayon naman kami.

"*May malakas na pananampalataya sa Diyos" pagbanggit ni Clarisse sa nabasa nya sa papel. Nagisip naman kaming tatlo at ilang Segundo lang ay nagkatinginan kami.

"CLYDLE!"

Nagdahan dahan kami sa pagbaba sa hagdan. Baka kasi biglang magising sila mom and dad pati yaya. And finally, nakalabas kami ng bahay ng buo. Hahaha....

****

Pumunta kami sa may simabahan dahil alam naming nandoon si Clydle. At tama nga ang hinala naming. Nakaluhod sya sa harap ng altar at nagdadasal. Dahan dahan kaming umupo malapit lang sa likod nya. At tumayo na sya at napaharap sa amin.

"Anong ginagawa nyo dito?" tanong nya kaya lumapit kami sa kanya. Si Clarisse hinawakan naman ang kamay ni Clydle, pero shempre no emotion pa din. "Ikaw, isa ka sa mga kailangan namin" sabi ni Clarisse in low tone at parang nabigla naman si Clydle.

"A-ako?" nauutal pa sya ng sinasabi nya yun. Tumango kami sa kanya ng nakangiti. "So what's the plan?" tanong nya sa amin nagkatinginan kaming tatlo. "Convince Kelly" sabi ko. "So what are we waiting for?"Ey-ey. Nagmadali kaming lumabas ng simbahan.

Sumakay kami sa service ko n nagdala din sa min dito. Sinabi ko na lang na wag syang maingay kay mom and dad.

Huminto kami sa isang gasoline station. Mag papagas lang daw saglit. Nagpaalam naman akong mag ccr lang ako. habang jumijingle ako nag vibrate bigla ang phone ko kaya tiningnan ko ito agad. Napangiti naman ako ng mabasa ko ang message.

Casp: nakakamiss ka asarin

Tss nakakamiss daw akong asarin dami alam. Di ako nag reply at nag flush na ko. Bumalik na ko kung nasaan sila at sumakay na ko. OTW na kami papunta kanila Kelly. Ng biglang tumirik ang sasakyan sa kalagitnaan ng byahe. Ang dilim pa naman. "Ma'am sorry po, titingnan ko lang po yung makina" sabi ni manong Driver kaya naisipan muna naming lumabas.

Ang paligid ng tinigilan naming ay punong puno ng puno. Gubat ata to eh."C-cheska naiihi ako" Ey-ey. "Tara samahan kita" Clydle. Kaya umalis muna sila doon at kung saan nagpunta. Ako naman ditong hinihintay matapos si kuya sa pag aayos. Si Clarisse naman ay poker face lang na nakatingin sa kawalan.

"Sa tingin mo.... Mabubuhay pa tayo?" nagulat ako sa biglang tanong ni Clarisse. "O-oo naman, bakit k aba nag iisip ng ganyan?" nag aalala kong tanong. Tumingin sya sa akin. Aba first time kong nakita ang takot sa mga mata nya.

"Ayaw ko pang mamatay Cheska" sabi nya kaya niyakap ko sya ng mahigpit. "Magiging maayos lang ang lahat, kaya natin to" sabi ko at parang gumaan naman ang pakiramdam nya.

"AHHHHH!" nabigla kami pareho ng marinig namin ang sigaw sa malayo at kung ako nagkakamali ay si Ey-ey ang sumigaw. Nagkatinginan kami at napagpasyahang hanapin sila. Sa gitna ng kagubatan wala kaming Makita kung di dilim.

"Clydle" banggit ni Clarisse kaya napatingin ako sa direksyong pinupunto nya. Nakita naming si Clydle na naakahiga at may hawak na rosary. Lumapit kami sa kanya at tinulungan syang tumayo. Sa kabilang banda nakita ko si Ey-ey na nakaupo at habol habol ang hininga.

"Anong nangyari?" tanong ko. "Si Krystel" natatakot na sabi ni Clydle. "We saw her" Ey-ey.

Biglang umihip ang malakas na hangin sa paligid. "Nandito sya" kinilabutan ako sa sinasabi ni Clarisse. Si Clydle ay mahigpit na hinahawakan ang rosary nya at nagdadasal. "I think it's the end" bulong ni Ey-ey. Ako wala akong magawa para naman mailigtas sila.

"No, it's not" napatingin kami sa harap at nakita naming si Kelly na nakatayo doon at may bag sa likod. "Umalis na tayo dito" sabi nya at inalalayan akong tumayo. Tumayo na din sila Clydle. "Gawin na natin ang kung anong kailangan gawin" sabi nya at ngumiti sa amin.

***

Nakarating kami sa isang warehouse ata yun. Pagpasok naming sa loob ay sobrang dilim. Nakakatakot.

(Third person POV)

Pagpasok ng lima sa loob nito ay nag handa na sila agad. Si Ey-ey ang nag guhit ng star sa gitna habang si Clarisse at Clydle ang nagsisindi ng kandila sa paligid. Ito namang si Kelly ay nag mememories ng sasbihin mamaya. Matapos nilang gawin yun nagusap usap sila.

"Cheska, kapag nakapasok ka na siguraduhin mong maririnig mo pa din kami. Maliwanag ba?" seryosong tanong ni Kelly. "Oo"

"Ako ang magbibigay ng cue kapag nandyan na si Krystel" sabi ni Clarisse. "Kaya natin to" bulong ni Clydle at nagyakap yakap sila.

Humiga na si Cheska sa gitna ng tala. She clear her mind and close her eyes. Maya maya nakakaramdam na sya ng lamig. Then namulat sya sa napaka nakakatakot na lugar. Kulay pula ang ulap na nakikita nya. At parang mag isa lang sya doon. nababalot ng pula ang boong paligid.

Sa kabilang banda.

"Nandun na si Cheska" sabi ni Kelly habang nakapikit at magkakahawak silang apat sa paligid ni Cheska. "I could feel her" sabi naman ni Clarisse. Ang tinutukoy nyang nararamdaman nya ay si Krystel.

Pinagmamasdan ni Cheska ang paligid. Parang nalaman nyang nasa impyerno na sya. Nakuha ng atensyon nya ang isang malaking pinto sa likod nya. Hindi lang pinto, kundi isang lagusan na nakabukas.

"CHESKA SA LIKOD MO!" namulat ang mata nila ng marinig ang pag sigaw ni Ey-ey.

"Cheska sa likod mo!" mahinang boses ang narinig ni Cheska sa paligid. Ng lumingon sya sa likod ay nakita nya si Krystel. Bigla sya nitong sinakal at napaangat sya. "B-bitawan m-mo k-ke" nahihirapan na sa paghinga si Cheska. Nakaisip sya ng paraan. Sinipa nya sa mukha si Krytel kaya nabitawan sya nito.

Hahawakan na nya sana ang noo nito ng bigla syang tumilapon sa malayo. Ang lakas ni Krystel. Hindi nya kaya ang kapangyarihan nito. Napabangon si Cheska sa pagkakahiga. Kahit alam nyang nasa malalim syang panaginip ay daamang dama nya ang sakit.

Lumapit muli sa kanya si Krystel at sinakal muli kaya napahawak na si Cheska sa kamay ni Krystel. "Akala mo kaya mo ko? Pwes nagkakamali ka" sabi ni Krystel. Namumutla na si Cheska. "Hayaan mo kong patayin kita sa panaginip mo"

(Cheska POV)

Nakaramdam ako ng kirot sa may bandang pulso nya. Parang may kung ano. Ng tingnan ko yun ay may umuukit na parang susing hugis. "Ngayon mamarkahan kita ng markang hindi mo makakalimutan ang pagbisita mo sa kin dito" nakakatakot ang boses ni Krystel bigla itong tumawa ng nakakakilabot.

I can't breath....... Paano na ko? Walang magliligtas sa kin dito....... Gusto ko ng gumising pero naisip ko sila Kelly, Clarisse, Clydle at Ey-ey na maiiwan ko...... gusto ko na lang magpahinga. Siguro kapag nakatulog na ako hindi na ito ang marramdaman ko...... mahal na mahal ko kayo. Mom, dad............. Casper


The Haunted Catholic School (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon