36. Approve

19 2 0
                                    


(Cheska POV)

Me: guys pinayagan ako

Seen by Kayden and Clarisse

Kasalukuyan ako ngayong nageempake na ng gamit sa maleta. Time check, 9:30 p.m kanina nagtanong ao kay Ey-ey kung ano-ano ba ang pwedeng gawin sa Mindoro. She said pwede daw mag swimming sa beach, rivers tyaka may mga pasyalan din daw. Mall ganun hahahaha diba may pamall pa si mayora.

"Done"

Na zipper ko na ang maleta ko at ayos na din ang gamit sa backpack ko. Nagdala ako ng 10k. ewan k okay dad kung makapag bigay akala mo naman ay kung saan pupunta at pinabaunan ako ng 10k. pero chochoosy pa ba ko? Bawal tumanggi sa grasya.

Nahiga ako sa kama habang nakatingin sa Ceiling ng kwarto ko. Di pa din mawala sa isip ko ang mission namin na mahanap ang dalawang tao pang kinakailangan. Yung isa kailangan daw matibay ang pananampalataya sa diyos. It must be Casper sana, pero napapansin kong madalang na syang mag serve.

Tapos mind reader? My god Cassie magician ata ang gusto nitong mahanap ahhh. Ibang klase.

*knock, knock

Habang nakatulala ako sa hangin biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya tumayo ako at pinagbuksan ko kung sino man yun. I saw mom....

"Ma, bat gising ka pa po?" tanong ko sa kanya. "Chinecheck ko lang kung tulog ka na din......." Napatingin saglit si mama sa likod ko "........ naka empake ka na pala. Mukhang excited na ang baby ko sa vacation nila ahhh" sabi ni mom hinahawakan ang buhok ko.

"You've grow so fast Francheska. Noon karga karga ka pa ng daddy mo sa likod nya. Ngayon di ka na nya kayang buhatin" sabi ni mom kaya natawa naman ako ng slight. Hinawakan ko ang kamay ni mom. "Mommy, kahit naman high school na ko ako pa din po ang baby France nyo haha" biro ko. Noong bata kasi ako France ang tawag nila sa akin, may pagka boyish.

Niyakap ako ni mommy kaya niyakap ko din sya pabalik. Then suddenly mom's phone ring.

"Anak sagutin ko lang toh saglit ha. Matulog ka na" sabi ni mom bago ako kiniss sa chicks at bumaba na ng hagdan.

***

*kringggggggggg

Nagising ako sa pagtunog ng alarm ko. Wait? Ako may alarm. Napatingin ako sa lamesa na nasa tabi ko then I saw an alarm clock na color red. May sulat sa gilid nito kaya naman kinuha koi to agad.

"Baby France gift to sayo ni mom and dad. Lagi ka na lang kasi late nagigising eh. Besides malapit na din ang birthday ng baby France naming. Advance gift na rin sayo....... Good morning baby France"

Aayyy si mama abuso. Talagang pinanindigan ang pagtawag sa akin ng baby France. Oo nga pala malapit lapit na din ang birthday ko. Di ko na namalayang paparating na sya. Bago ko maalala........ oo nga pala ngayon ang alis naming. Agad akong tumayo sa kinahihigaan ko at naligo na sa banyo nagbihis na din ng damit.

Simple lang ang suot ko ngayon. Maong na short, v neck shirt na white din na may tatak na 'You are my sunshine'. Diba lakas maka Moira Dela Torre. Naka suot din ako ng Fila na white rubber shoes then naka pony tail ang hair.

Kinuha ko na ang maliit kong maleta at sinukbit na ang backpack ko pati na rin ang shoulder bag na black then gora na.

Pagkababa ko ay naabutan kong nagiligpit ng pinagkainan ang ibang maids. Siguro kakaalis lang nila mommy, sinalubong ako ng driver naming sa baba at kinuha na ang maleta ko. Dumeretso ako sa dining table then kumain nan g breakfast.

***

A few moments later. Dito kami nagkita kita sa harap ng bahay nila Ey-ey at naabutan ko na silang nagpapasok ng mga bagahe sa van.

"Nasaan na ba yung babaeng—oh ayan na pala sya" sabi ni Ey-ey ng Makita akong bumaba na sa kotse. Kinarga na din ni kuya driver ang gamit ko sa van.

"Akala naming nagbago ang isip ng parents mo" biro ni Kayden. "Sorry guys napasarap ang sleep" sabi ko naman. Nabaling ang atensyon k okay Casper na kanina pa din nakatingin sa akin.

"Ayos porma mo ahh" puri ko sa kanya kaya napakamot sya sa batok. Simpe lang din ang suot nya ngayon. T-shirt na blue at short na black. Then naka rubber shoes syang putting adidas.

"Thanks, bagay sayo shirt mo. 'You are my sunshine'" sabi naman nya. "Kuya, let's go" nagulat ako ng nakita ko si Caspin sa likod ni Casper. "Kasama mo pala sya" sabi ko at kinawayan si Caspin. "Ahhh yes, sabi nila mama isama ko daw para naman makapasyal. Tara na" at sabay na kaming pumasok sa van.

Nasa likod kaming bahagi nila Casper at Caspin. Si Clarisse naman at Ey-ey ay nasa unahan namin while Kayden and CJ ay nasa tabi ng driver. Tyaka ko lang napansin na si Tito Joseph pala ang driver. Si Tito Joseph ay daddy nila CJ at Kayden. At Kung natatandaan ko kanilang Van ito.

"Tito, kayo pala yan" sabi ko sa kanya. "Oo medyo matagal na din ng huli kitang nakita hija. Dalaga na talaga" sabi naman ni tito kaya napangiti ako. Maya maya ay umandar na ang van kaya umayos na ko ng upo then sinalpak ang earphone sa tenga at nakinig ng music para hindi mainip.

***

"Ate Cheska wake up" nagising ako sa pagtapik sa akin ni Caspin at nakasandal na ang ulo ko sa balikat ni Casper habang nakaakbay sya sa akin. Nakatulog pala ako. napasilip ako sa labas at kung hindi ako nagkakamali ay nasa pier na kami. Huminto ang van sa may parking lot ng pier.

"Sige na hanggang dito na langn muna ako. Kuha na kayo ng ticket. Magkita-kita na lang tayo ulit mamaya pagnakarating na sa Mindoro" sabi ni tito Joseph kaya nauna ng lumabas sila Kayden at CJ at binuksan na ang pinto ng Van.

Sunod na lumabas si Clarisse at Ey-ey then sunod si Caspin tyaka pa lang si Casper at ako. pagkababa ko nakita ko ang maleta ko na hawak ni Casp.

"Here" sabi nya sabay abot sa akin.

"Guys ako na kukuha ng ticket, Kayden samahan mo naman ako" sabi ni Ey-ey kaya naman nagpunta na sila sa may kuhanan ng ticket. Ang napili naming sakyan ay super cat para mabilis.

"Caspin Let's go" sabi ni Clarisse tyaka inakay si Caspin at hinawakan sa kamay. Nakita ko naman si CJ na naka pout. Anong problema neto.

"Sana si Caspin na lang ako"

"Sus, pinagselosan pa yung bata" sabi naman ni Casper sabay tapik nya sa balikat ni CJ. Nauna ng maglakad si CJ. Hinawakan ni Casper ang kanan kong kamay kaya napatingin ako sa kanya ng walang reaksyon.

"Let's go na Chess" sabi nya. Did he really called me 'Chess'? "Chess?" nagtataka ko namang tanong. "Oo Chess, diba Casp tawag mo sa akin so Chess tawag ko sayo" sabi naman nya kaya medyo nag blush ako. Ewan ko kung bakit, ganun na lang ata kababaw ang kaligayahan ko.

Naglakad na si Casp habang hawak pa din ang kamay ko kaya nagpatangay na lang ako sa kanya. I think this vacation will be very exciting.


The Haunted Catholic School (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon