40. Lie Ditector

22 1 0
                                    

(Cheska POV)

"Guys di na pala tayo matutuloy papunta sa Calapan. Masyado na kasing malayo eh" sabi ni Ey-ey at nag pout pa. nandito kaming lahat sa sala at nakaupo sa couch. Ang galing nga parang meeting the abanse.

"Ate Clarisse, what's going on?" tanong ni Caspin na nakaupo sa sahig at naglalayo ng tablet. "Ate Ey-ey said t-that we........ we will not-- going anymore to Calapan" sabi naman ni Clarisse, wow ha sinisikap mag English.

"Sorry guys" sabi ni Ey-ey. "Ano ka ba ok lang noh. Masaya naman naging trip natin kahapon, enough na yun" sabi naman ni Kayden kaya napangiti si Ey-ey.

"Anyway, mag swimming na lang tayo sa dagat, kasi last day na here medyo bumibilis ang time" sabi ni Ey-ey kaya naman nagpalakpakan sila Caspin at Clarisse. "So tara na" yaya ni CJ at nagsipunta na kami sa kwarto para makapag ayos.

Papasok na sana ako sa kwarto ngunit nagkasabay kami ni Casp.

"Ahhh ok sige mauna ka na" sabi ko at umatras sa pinto. "Ladies First, makakapag hintay naman ako" sabi nya at lumayo din sa pinto.

"Hindi eh matagal kasi ako magbihis" me

"No okay lang sige na mauna ka na" Casp. Jusme naman kelan ba kami matatapos magbigayan ha. Sumobra ang bait.

"Sige ganito na lang sabay na tayo" sabi ko kaya naman gumuhit sa mukha nya ang napakalaking ngiti. "T-talaga?" sus alam ko iniisip ng lokong ito. "Sira shempre magbibihis ako sa banyo ikaw sa labas. Akala mo naman literal na sabay" sabi ko at nauna na pumasok at kumuha ng damit sabay pasok sa banyo.

Ang susuutin ko is..... two piece ns black swim suit. Gondo. Hahahaha pagkatapos kong magbihis ay nagsuot ako ng t-shirt at naglagay naman ng tubal sa pambaba. Humanda kayong ngumanga mamaya.

Paglabas ko ng banyo ay wala na si Casp kaya naman lumabas na ko.

(Casper POV)

Nandito na kami ngayon sa buhangin at nakaupo. We are drinking some beer. Pero di naman masyado marami.

"Bro hindi ka pa din sinasagot ni Cheska?" tanong ni Kayden sabay inom. "Oo eh, matatagalan pa ata" sagot ko naman kaya natawa sya. "Kuya akp din, kahit anong pagpapapansin k okay Clarisse manhid talaga" sabi naman ni CJ at uminom din.

"Hina nyo naman" pagmamayabang ni Kayden at tumingin kung nasaan sila Clarisse, Caspin at shempre Ey-ey.

"Kayo na?" tanning CJ kaya naman binatukan sya ni Kayden. Haha. "Sira ako graduating nan g High school sya mag gegrade 10 palang. Hinid naman kami nagmamadali" sabi naman ulit ni Kayden at nabaling ang tingin sa likod.

"Cheska" sigaw nya at napalingon din kami nni CJ. Nakita ko si Cheska na naka t-shirt na yellow na may smiley face aat naka tubal sa baba. Ngumiti sya at umupo sa kinaroroonan namin. "Umiiinom kayo?" tanong nya na di ko makuha ang emosyon kung naiinis, naiirita or whatever.

"Konti lang naman" sagot ko. Napatingin naman sya sa kinaroroonan ng mga kaibigan nya. "Maligo na din kayo" sabi nya at tumayo papunta na sya sa dagat ng tumigil sya at naghubad ng t-shirt nya at tinanggal nya ang.......... Tubal sa baba.

Casper sacristan ka, wag kang maaakit. Woohhh, ang mata mo......

Ang ganda nya. Lalo pa ng tanggalin nya ang naka pontail nyang buhok. Tuambad sa tanawin na natatanaw ko ang Francheska Montefalco na naka two piece. She's so...... HOT

"Ehem" nagising ako sa pagpapantasya ko ng umimik si Kayden. "Wag masyadong titigan, baka mausog" biro naman ni CJ kaya nagtawanan sila.

"Alam mo bro, kilala ko yan si Cheska. Hulog na hulog na yan sayo di lang umaamin. Nakikita ko sa mga mata nya pati na rin sa kilos sa twing magkasama kayo" sabi ni Kayden. Tsss pogi problems.

The Haunted Catholic School (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon