29. Songs

20 1 0
                                    

(Cheska POV)

Tinulak ko sya papalayo sa akin sa sobrang kahihiyan. Yan tama nga Cheska wag mong ipahalatang nagseselos ka nga.

"B-bakit naman ako magseselos, wala naman akong gusto sayo?" pagtataray ko sa kanya. "Tyaka malay ko bang pinsan mo yun, naiinis lang naman kasi ako kasi.... Kasi ano..... ano kasi..." ano ba magsalita ka nakakahalata na sya gurl.

"Hmmm?"

"S-syempre kaibigan kita no. Akala ko pinagpalit mo na ko sa jowa mo. Matalik kitang kaibigan right?" yan good, buti na lang iba ang lumabas sa bibig mo. Ng bitawan ko ang mga salitang yun ay biglang nabago ang emosyon sa mukha niya.

"Yahhh, kaibigan mo nga lang pala ako" sabi nya sabay bumakat sa kanyang mga mata ang lungkot. Di ko kering Makita syang ganyan. "Pasok na ko" sabi ko at tinalikuran ko na sya sabay akyat sa hagdan. Nakaka guilt naman. Bakit ko kasi sinabing.... Ugh nevermind. Naiinis lang naman ako sa kanya.

Dumeretso ako sa may female CR at pinagmasdan ang reflection sa salamin. "Amanda, siguro tama naman yung ginawa ko diba?" tanong ko pero laking pagtataka ko ng wala kahit sinong Amanda ang nagsalita. "Hey?" pero wala pa din.

"What's wrong with you? Can you please answer me?" aba day off ba nya ngayon at ayaw nya kong kausapin. Haysstt Amanda naman kung kelan kita kailangan makausap tyaka ka pa nawala wala.

"Uyy, sino kinakausap mo" halos mapatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot sa tabi ko si Carlota. "Ahhmm, wala kinakausap ko lang sarili ko" palusot ko at nanginginig na binuksan ang gripo at naghugas ng kamay habang itong si Carlota ay nakatingin pa din sa akin.

"Tss, crazy" sabi nya at napatitig ako sa kanya at pinag angatan ng kilay.

Pagkatapos nyang maghugas ng kamay at hinarap nya akong naka cross arms ang inikutan pa ako ng mata. Wait akala ko ba OK na.

"Why? Tss do you think we're done? In your dreams losser" natulala ako sa narinig ko mula sa kanya kaya nagtaka ako. Akala ko ba ayos na. Tumawa sya ng sarkastiko bago ako muling harapin.

"Si Ey-ey ok na kami no plastic. But you....." tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa "........Ayaw ko sayo, like duhh. Ano ako tanga? Dikit ka ng dikit kay Casper ko. You bitch, mark my words. Casper is MINE" sabi nya bago ako tinalikuran at lumabas na ng CR.

"Oww, Moris anong ginagawa mo dito, kanina ka pa dyan?" rinig kong banggit nya sa labas kaya nag eavesdrop ako sa usapan nila.

"Ahhh, hindi kakarating ko lang hinihintay kita" sagot naman nung lalaki. "Let's go" sabi ni Carlota bago ako tiningnan ng masama tyaka na sila umalis. What's wrong with that girl? Sino yung Moris? Don't tell me boyfriend nya pero...... ahhhh bahala na nga sya it's none of my business.

"Ehem" halos atakihin ako sa puso ng biglang nagsalita si Amanda.

"Ano ka ba, wala man lang paramdam" sabi ko habang hawak ang dibdib.

"Nakita ko yun, plastic na Carlota akala mo kung sino"

"Hayaan mo na" sagot ko at ngumiti

"Do you like Casper?"

"What? Of course not"

"Tss, don't pretend na alam na eh. Nararamdaman ko"

"Well, like you said before bawal ako ma inlove right?"

"But do you think, mapipigilan mo?"

I took a deep breath before I face her na ngayon ay maatalim na nakatingin sa akin. Nagkibit balikat ako bago nagsalita.

"I don't know either"

"Isa pa yung Finn, don't tell me may gusto ka din sa kanya"

"Of course not, I mean meron pero crush lang naman. Tyaka base sa mga sinabi sa akin ni Casper dati bad si Finn kaya pinipigilan ko na ang nararamdaman ko"

"Like I said...... mapipigilan mo ba?"

"Amanda naman, tyaka na yung stress please. Kapag nasa house na tyaka mo na lang ako I pressure" natawa naman sya.

"OK fine, pero from now. Enjoy mo lang yang panliligaw ni Casper at yang pangungulit sayo ni Finn" biro nya tyaka kumaway at biglang nawala.

***

I am here sa isang table na nasa Cafeteria at nag-iisip isip. Kanina naman ay nagpaalam na sila Ey-ey at Clarisse na pinatawag sila ng Teacher naming, somethings weired pero baka may gusto ko lang sabihin. Nakatulala ako sa may bintana at pinagmamasdan ang mga taong pabalik-balik mula sa kanan papuntang kaliwa, mula kaliwa papuntang kanan. May tumatakbo, naglalakad, ugh nabilang ko na ata kung ilan na ang taong dumaan dito dahil sa boring kong maghapon.

"Ikaw lamang ang aking, minamahal. Ikaw lamang ang lagi kong dinarasal. Makapiling ka habang buhay, ika-aw aww. Ohhh. Ohhh wohhh" narinig ko ang pagkanta ng lalaki sa gilid ko. Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Casper na nakatayo dun... well not literal na nakita kasi may bulaklak syang hawak na nakatabon sa mukha nya pero sa tindig nya alam kong sya yun.

I rolled my eyes and back the attention outside the window.

"Mahal kitang labis. Susubukan ko kahit, wala kong palasyo na abot hanggang langit at sa bawat araw na tayo'y magkasama, dala mo ay ligaya. O aking Prinsesa" kumanta nanaman sya. Nakakairita kasi ramdam kong pinagtitinginnan na kami ng tao sa loob ng Cafeteria. Kaya nagkunwari na lang akong walang naririnig.

"Cheska, uy" sabi nya pero di ko pa din sya nililingon. Manigas sya dyan.

"Sa iyong ngiti. Ako'y nahuhumaling at sa tuwing ika'y lumalapit ang mundo ko'y tumitigil para lang sayo ang awit ng aking pus—"

"Fine, fine, fine just sit here at wag ka ng maingay please"

Di ko na kinaya at boses nya. Napapalambot pa ang nagtitigas tigasan kong feeling baka bumigay. Marupok ako eh. Kaya yun naupo sya sa tabi ko pero di ko pa din sya nililingon.

"Crush na crush na crush kita. Di mo ba nalalaman, crush mo din kaya ako. crush ng lahat dito sa—"

"Stop that fvcking song" inuubos nya ang pasensya ko. Stop na please baka may magawa ako sayo. "Harap ka muna sa akin" sabi nya pero di pa din ako kumibo. "I love you baby, and if there's quiet alright—" I cut him off by turning around at nagulat ako ng sobrang close ng mukha nya sa kin.

"Flowers" sabi nya at nilapag ang bulaklak sa table. I was stock in this situation dead end na kasi. Wala na kong mauusudan at isang maling galaw baka mahalikan na ko nito.

"Can you please move and make a distance between me. H-hindi ako makagalaw" sabi ko kaya naman umisod sya ng konti papalayo at nakahinga ako ng maluwag. "What do you need?" I ask. "Wala naman peace offering lang kasi nahigh blood ka ata sa akin kanina" sabi nya at pinakatitigan ako sa mata while smiling. Save me lord baka anytime this time matunaw ako.

"Oo na" sagot ko. "Ok na ba tayo?" tanong nya and then I nodded na lang as answer. Tumayo na ko kasi di ko na keri ang malalagkit nyang titig sa akin. Bakit sa more na lumalayo ako sa kanya bakit lapit sya ng lapit.

"I'll go ahead na. Mag-aayos pa ko para sa ball. Excuse me" I said at hinihintay syang padaanin ako pero di sya gumagalaw. "Aattend ka?" atanong nya. "Oo kaya nga magaayos rigjt?" I sarcastically said and rolled my eyes.

At saw akas tumayo na din sya at hinayaan akong makaalis pero di pa man ako nakakalayo tumawag nanaman sya. "Cheska" I rolled my eyes as I face him. "Ano nanaman?" naiirita kong tanong at dinampot nya ang bulaklak sa table sabay abot sa akin.

"Take this" sabi nya with a smile at tinanggap ko naman yun sabay talikod na. no turning back Cheska.


The Haunted Catholic School (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon