(Carlota POV)
Matapos makuha ng mga freshman at grade 8 ang mga grades nila, finally section na namin.
"Carlota Danguiwan" tawag ng babae sa accountant office kaya tumayo agad ako at kinuha na ang card. Tinakpan koi to, OMG kinakabahan ako sa lalabas na result.
Huminga ako ng malalim at dahan dahang sinilip ang card. Then guess what.............
"YES!" oops napalakas ata. OMG nakakuha ako ng average na 94. Gosh first time to ahh. Pati yung grades ko sa English at Math tumaas. At dahil yun kay Moris. Kailangan ko syang pasalamatan.
Kinuha ko agad ang bag ko at hinanap ko agad sya. Then saktong kakalabas lang nya ng Male CR kaya nagulat sya ng dambahan ko sya ng mahigpit na hug. "C-Carlota?" nauutal pa syang bumanggit ng pangalan ko.
"Moris thank you" sabi ko kaya parang nagtaka sya. Kumalas ako sa yakap at ipinakita sa kanya ang grades ko.
"Wow, masaya ako dahil may magandang result yung pagtuturo ko sayo" sabi nya at ngumiti naman ako sa kanya. "Sus, ang galing kasi ng tutor ko" biro ko kaya napakamot sya sa ulo. I'm so happy talaga.... Di ako maka get over.
"Tapos na ba ang grade 9?" tanong nya at lumingon ako sa pinaggalingan ko. "Oo ata" sabi ko naman kaya naglakad na sya paalis. "Kukunin ko na card ko mamaya celebrate tayo" sabi niya bago kumaway at umalis nan g tuluyan.
THANK GOD
(Casper POV)
Pagkatapos kong makuha ang grades ko ay napadaan ako sa isang bulletin board. Naalala ko yung sinabi ni Miss Kelly, ipapaskil daw nila ang result dun. Agad kong nilibot ang mata ko sa mga nakapaskil doon then I saw the paper.
AUDITION FOR THE BAND MEMBER RESULT (Top 10 nomenies)
Boys section
1. Alviz, Hayden
2. Bartolome, Arthur
3. Corpuz, John David
4. Comia, Aron
5. Dela Vega, Casper Angelo
Girls Section
1. Asi, Lyca Mae
2. Bulalas, Richelle Ann
3. Danguiwan, Carlota
4. Evora, Ellie Ann
5. Fetalvero, Kristine Ann
Natuwa ako ng Makita ko ang pangalan ko doon. pero nawala din ang ngiti ng mabasa ko ang pangalan ni Carlota. Haysst ibig sabihin makakasama ko pa sya sa Banda. Bad trip naman.
"Yey!" halos makapag mura na ko ng bigla na lamang sumigaw si Carlota mula sa likod ko. Marahil dahil nakapasok din sya. Pero parang yung pangalan ko yung tinitingnan nya. Ano ba yan!
"Nag audition ka din pala?" ay hindi, siguro nanood lang ako no? "Oo" tipid kong sagot sa kanya. Naglakad na ko paalis pero malas nga naman ang bumubuntot pala ang malas.
"So, sabay na tayong pumunta sa Music Room"- Carlota
"For?"-me
"Diba pinapatawag daw yung mga nakapasok tara na"-Carlota. Hindi pa man ako nakakasang-ayon ay hinila na nya ko papalayo. Nakakainis dapat pala di na lang ako nag audition.
***
"So my Name is Kelly Allyson Maray. You can call me Kelly or Allyson kahit ano dun. I am the leader of this band, and now naisipan naming, gumawa ng group. So hindi naman lahat kayo sabay sabay mag peperform pero bawat isa sa inyo shempre mabibigyan ng pagkakataon" nakarating na kami here at nakaupo kaming lahat habang may sinasabi si Kelly.
"So this is my band members, this is Lincoln and Keifer. Kaming tatlo ang makakasama nyo sa The Vipers. So now wala pa namang gagawin dahil first day of new semester. Mag papractice tayo now dahil malapit na ang Feb 14"
Ayy oo nga nawala sa isip ko. Feb 10 na pala now so ibig sabihin sa Friday Valentines na. ano kaya pwede ibigay kay Cheska....
"Gumawa kami ng list kung sino ang magkakasamang kakanta. So makinig. For the instruments. Ang nag audition for electric guitarist ay si Arthur, sa keyboard naman ay si Ellie Ann and isang guitarist ulit si David. The rest, vocalist na. so si Lincoln and sa drums natin then Keifer is the guitarist also"
Ok tatlong guitarist, 1 keyboard, 1 drums.
"Ito ang para sa partners. So sa boys ay si Aron at Hayden. Then sa girls group sila Lyca, Richelle, Kristine. And ang napili naming boy and girl is Carlota and Casper. Wag nyo kong ipahiya mga kiddos ha" what? Ako at si Carlota. Aangil pa sana ako pero I respect Ate Kelly, tyaka kanta lang naman yun eh. Napalingon ako kay Carlota at halata naman na ang lawak ng ngiti. Tsss
"Now practisin nyo na ang mga songs" sabi nung Lincoln habang pinapamigay ang copies. Ang napunta sa aming song is On The Wings of Love.
(Cheska POV)
Kanina ko pa hinahanap si Casper haysst. Saan ba nagpunta ang lalaking yun. Napadaan ako sa bulletin board at nakita ko yung sa band member. Nag audition pala dito si Casper. Kanina narinig kong pinatawag sila sa Music room.
Nagmadali akong umakyat papuntang 2nd floor ng 3rd building. Wala namang tao masyado sa corridor na ito dahil madalang nga naman ang tao.
Habol ko ang hininga ko ng makarating na ko sa harap ng pinto ng Music room. Mula sa glass window ay nakita si Casper pero kasama nya si Carlota. Naalala ko yung sinabi nya sa akin. Siguro naman masaya na sya. Imbes na kumatok ako ay mas pinili ko na lang umalis.
Di ko alam pero parang nakaramdam ako ng pagkadismaya nung nakita ko sila sa music room. Mukha naman silang masaya aasungot pa ba ko? Pumasok na lang ako sa room naming kahit wala namang gagawin. Naupo ako sa upuan ko at napatingin ako sa tabi ko. Hayst Casper...
DUG DUG.................... DUG DUG........................... DUG
My heart again. Napapadalas na to ahh. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang hirap huminga. Hindi ako magkanda ugagang kinuha ang tubig ko sa bag at uminom. Ng makainom na ko ng tubig ay medyo nahimasmasan ako. habol habol ko pa din ang hininga ko.
Napansin kong wala din sila Ey-ey at Clarisse san naman kaya sila pumunta?

BINABASA MO ANG
The Haunted Catholic School (Complete)
ParanormalBeing inlove with a killer, moster, o kahit ano pa mang tawag sa kanya. kaya ko kaya syang tanggapin sa buhay ko.? FOLLOW ME MGA KA SECRETS