17. Calm

26 1 0
                                    

(Clarisse POV)

Papasok na ko ngayon sa gate ng school at kasalukuyang naglalakad na sa path way going to the 3rd building. This is our first semester examination kaya pumasok ako ng handa at kompleto ang armas. Hahaha. Napadaan ako sa cafeteria and then I saw a innocent boy and I'm sure that he is CJ kaya naman pinuntahan ko sya at umupo sa harap nya.

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko sa CandLES ka nag-aaral?" sabi ko at napatingin naman ang maamo nyang mukha sa akin.

"Paano mo nalaman?" tanong nya sa akin.

"Sinabi sa akin ni Ey-ey nakwento daw ng kuya mo sa kanya" sagot ko naman.

"Ahhh, kakatapos lang ng exam namin nung Friday and I want to transfer here" sabi nya kaya nagulat ako. Bakit naman bigla nyang naisip na lumipat dito?

"Bakit?" tanong ko.

"Because I want to be with kuya and....." tumingin muna sya sa akin bago itinuloy ang sasabihin "...... for you" lumabas ang sparks nya sa mga magaganda nyang mata and suddenly laugh.

"Hahahahaha, just kidding your so serious" sabi nya at bahagyang natawa.

Awwwttss masakit yun ahh

"Ahh ok sige na papasok na ko" sabi ko at tatayo na ng bigla syang nagsalita.

"Wait"

"Hmmm?"

He paused in a few seconds then speak

"Ahh wala pala, I just want to say good luck" sabi nya at ngumiti sa akin at tuluyan na kong umalis.

***

A few miles away from classroom nakita ko si Finn na nakaupo sa may hagdan kaya naisip ko syang kausapin.

"Hinihintay mo ba si Cheska?" tanong ko sa kanya.

"Ahh hindi.... I mean Oo... wait hindi ahhhh" di sya sigurado sa isasagot.

"Well I accept that as MAYBE. Hindi sya dito dumadaan"

"Ahhmm, saan sya dumadaan?" tanong nya.

"Dun sa kabilang hagdan" sabi ko at akmang tatayo na sya.

"Wait, pero baka di mo na abutan mga ganitong oras nasa classroom na yun eh" sabi ko at umupo ulit sya.

*kringgggg

The bell in the hallway rung.

"Sige bye na" sabi ko at umakyat na sa hagdanan.

(Cheska POV)

Mabilis natapos ang exam at agad akong lumabas sa classroom and nakita ako ni Casper.

"Cheska!" tawag nya sa pangalan ko kaya tumigil ako at inantay syang malapitan ako.

"Hmmm?"

"May papakita ako sayo" sabi nya sabay higit nya sa braso ko at takbo.

"CHESKA!" rinig ko ang tawag nila Clarisse at Ey-ey sa malayo pero di ko na sila nalingon.

***

Dinala ako ni Casper sa....... BELL BUILDING.

Pumasok kami dito ni Casper at nakita ko ang mahabang lubid na nakalawit mula sa taas at matatanaw mo ang napakalaking kampana na pakiramdam mo ay babagsak ito sayo, ng Makita ko yun ay napaatras ako ng bahagya mula sa pintuan.

"Cheska bakit?" tanong nya

"B-bakita tayo nandito?" kinakabahan kong tanong.

"Ahh wala gusto ko lang ipakita sayo to. Dito ako madalas magpunta kapag gusto ko mapag isa. Halika" hinila nya ako muli papasok doon at ipinahawak sa akin ang lubid.

"Anong gagawin ko?" nilalamig na ang mga kamay ko dahil sa nerbiyos.

"Hilain mo ng malakas para tumunog na. Gusto kong maexperience mo" sabi nya with a smile on his face. Agad akong bumitaw sa lubid.

"No, a-ayaw ko"

"Bakit?" tanong nya at hinawakan ang lubid.

Aktong hihilain na nya ito ng pigilan ko sya.

"WAG" sa lakas ng pagkakasigaw ko ay nabigla sya.

-CASPER PATUNUGIN NA DAW

Kinabahan ako ng marinig ko ang tawag sa malayo kaya wala akong magawa kundi tumakbo.

"Cheska wait" susundan sana ako ni Casper ng sumigaw muli ang lalaki sa malayo.

-CASPER!!

Kaya hinila na niya ang lubid at mabilis akong tumakbo. Hindi nila ako pwedeng Makita ng ganto.

*dong, dong, dong

Nagpintig ang tenga ko ng marinig ko yun ahhh ang sakit ng ulo ko. Pilit akong tumakbo. Hingal na hingal ako pero hindi ko yun alintana tumakbo ako pabalik sa may campus at balak kong sa back gate dumaan. Ng nasa open field na ko di ko nakinaya at bigla akong nadapa.

"CHESKA!" kinabahan ako ng marinig ko ang boses ni Casper sa malayo at siguradong papalapit na sa akin.

"NO!" sigaw ko sa kanya.

"Wag kang lalapit please" sabi ko habang hawak ag dibdib at halos di na ko makahinga.

"But Cheska—"

"Casp—ahh" bigla na lang kumirot ang ulo ko ng sobrang sakit at pilit kong pinipigilan at iniinda. Tumayo ako ng medyo nanginginig nginig pa. naglakad ako ng dahan-dahan papalayo.

"Cheska what's wro—"

"Wag mo kong susundan"

I try to run makalayo lang kay Casper, as fast as I can ng....

"Cheska, we need to do this"

"NO Amanda please"

"But Why?"

"Wag si Casp—ahhh" napahawak ako sa ulo ko.

"Cheska there is no other way"

"STOP!!!"

Napasigaw ako. Kasabay ng pakikipag-usap ko kay Amanda ay ang pagpapalit palit ng identity ko. Biglang magiging Amanda then Cheska, ahhh ang sakit na ng ulo ko.

Mabuti na lang at nag-uwian na ang mga students sa campus.

Napaharap ako sa kinaroroonan ni Casper at hindi pa din sya umaalis dun may kalayuan ang distansya naming dalawa sa isa't isa. Mabilis syang tumakbo papunta sa akin at pinipilit kong magsalita. Ng malapait lapit na sya ay..

"RUN!!" naibuhos ko na ang lahat ng enerhiyang natitira sa katawan ko maisigaw ko lang ang salitang yun. Nakita kong napatigil sa pagtakbo si Casper. Few meters away na lang ang distance between me and Casper.

"But Cheska—"

"Run as fast as you can" halos pabulong ko ng nasabi ang phrase na yun at napayuko na lang. I feel Amanda's presence. Everything turns black. And suddenly I feel some embrace. Napatigil sa pagtibok ang puso ko. And continue beating a few seconds. I open my eyes and I was shocked when I see Casper na.... buhay at yakap yakap ako. All was back to normal. But how?

"It's ok, iiyak mo lang" sabi ni Casper habang yakap pa din ako napayakap na din ako sa kanya and I cry a lot.

"Shhhh"

Mas lalo pa nya akong niyakap at kinulong sa mga bisig nya. But how did this happen?

(Krystel POV)

Kita namin ang kaganapan sa lupa.

"What happened? Bakit hindi nagbago ang identity nya?" naiinis kong bulyaw sa salamin kausap ko ang reflection ko.

"Hindi ko din alam pero iisa lang ang nararamdaman kong dahilan"

***

"What?!!!" napasigaw ako ng sabihin ng salamin ang nais nitong sabihin. Hindi pwede, imposible.

//thanks guys hahahaha sana po nagustuhan nyo ang chapter na ito. Love lots continue reading and sana vote na kayo and follow me na//


The Haunted Catholic School (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon