26. Hiking, Mopsy

22 1 0
                                    

(Clarisse POV)

Nakababa na kami sa isang resto na nasa may tabi ng daan sa kalagitnaan ng gubat so weird. Pinark nya pala ang kotse nya sa may harap nito at kinuha na ang mga gamit nya. Nakasukbit na rin sa likod ko ang backpack ko.

"Let's go" sabi nya at naglakad na kaya sinundan ko na lang sya.

***

Malayo layo na din.... No hindi pala mataas taas na din ang naakyat namin ni CJ at tumatarik na ang daan.

"CJ" tawag ko kaya tumigil sya sa paglalakad para harapin ako.

"Yes?"

"Sanay ka na siguro sa ganito no?" tanong ko kaya napangiti sya at nagpamewang. "Oo matagal tagal na kong umaakyat ng bundok. More on kasama ko si kuya......." Pinutol nya ang sasabihin nya at nagpatuloy sa paglalakad. "........ ngayon nga lang sya di nakasama sa akin eh. Marami rami na din kaming bundok na naakyat and aaminin mahirap pero mawawala ang pagod kapag narrating na ang tuktok. Makikita ang ganda sa taas. Kaya bilisan na natin" sabi nya.

Ito naman akong hirap na hirap na ang paa sa paghakbang. Halos ilang milya na din ang nalakad namin. Ang sakit na din ng mga binti ko. Bahagya akong tumigil at naupo sa isang log na nakita ko sa tabi then napansin ata ni CJ na tumigil ako kaya nilingon nya ko.

"Rest muna tayo, ang sakit na ng mga paa ko eh" daing ko kaya tumabi sya sa akin at nakiupo na din.

"First time mo noh?" tanong nya sa akin kaya napatingin din ako sa kanya kaya nagtama ang mga mata naman. Eye to eye? Madalas sa mga movie ko lang napapanood ang mga ganitong eksena ahh. Wait what? No no no no NO. Nag iwas agad ako ng tingin bago pa ito tumagal.

"Ahhh oo hindi naman ako mahilig sa mga hiking or something" sagot ko naman then he chuckled.

"So tara na? Baka abutin tayo ng ulan nyan" sabi nya at naunang tumayo bago ilahad ang kamay sa akin pero tinabig koi to. "Mauna ka na, susunod na lang ako. Masakit pa ang mga paa ko eh" sabi ko at sumimangot.

Tinanggal nya ang bitbit nyang bag at inilapag sa sa lupa.

Tumalikod sya sa akin at nag squat. "Sakay" sabi nya kaya na froze naman ako sa sinabi nya. "Wag na mabigat ako" sabi ko na lang.

"Sige na kesa naman maputol na yang paa mo sa sakit. Tara na sakay" sabi nya kaya tumayo na ko at dahan-dahang sumakay sa likod nya. Ng maayos na ang pwesto ko ay kinuha na nya ang bag nya at hinawakan ito.

"Ako na dyan" pagpiprisinta ko at inabot nya sa akin ang bag nya. "Magaan ka naman pala eh" sabi nya kaya inirapan ko na lang sya. "Ewan ko sayo" tanging nasabi ko at natawa sya bago nagpatuloy sa paglalalakad.

Habang patuloy kami paakyat ay nagtanong sya.

"Bakit ang sungit mo? Pinaglihi ka ba sa sama ng loob?" biro nya kaya hinampas ko ang balikat nya. "Hello, ako na to since birth kaya masanay ka na" sabi ko at napangiti sya. Pansin ko ang pawis nya sa mukha kaya tinapik ko ang balikat nya.

"Baba mo nga muna ako" sabi ko kaya ginawa naman nya humara sya sa akin habang hinahalungkat ko ang bag ko then nakita ko na ang towel na bench and bath. Sinara ko ang bag ko at pupunasan ko na sya ng iniwas nya ang mukha nya.

"Anong gagawin mo?" tanong nya pero hinila ko ang ulo nya at pinunasan ko na ang pawis nya. Para syang giraffe ang haba ng leeg.

"Tss, ang sweet naman ng girlfriend ko" sabi nya kaya tinulak ko naman sya. "Sus nagsungit nanaman sorry na beh" akmang yayakapin nya ko pero umatras ako.

"Nakasinghot ka ba ng katol. Ang lakas ng tama mo" sabi ko na halos magsalubong na ang kilay.

Bahagya syang yumuko para matapatan ako. ang tangkad kasi. Tiningnan nya ko sa mata sa mata at nakaramdam ako ng konting spark. .......... But anyway naiinis pa din ako sa kanya.

The Haunted Catholic School (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon