28. Jealous

19 2 0
                                    

(Cheska POV)

"OMG ang sweet naman nya" kinikilig na banggit ni Ey-ey. Nandito kami ngayon sa may Tea Shop. Lunch break ngayon kaya naisipan naming mag Tea shop muna. Umorder kami ng Milktea's. ang flavor ng sa akin ay Lychee kay Ey-ey naman ay wintermelon at kay Clarisse ay Taro. Napapasarap ang kwentuhan namin matapos kong ikwento sa kanila ang nangayari kanina simula sa pagpunta sa akin ni Finn sa gym haggang sa pagbuhat nya sa akin sa may open field.

"Oo na lang" sabi ko sabay higop ng Milktea ko. "Label muna bago landi" sabi naman ni Clarisse habang seryosong nakikinig lang sa pinag-uusapan naming dalawa.

"Ang KJ mo naman Clarisse. Wala man lang bang ni katiting na kilig dyan sa kaloob-looban—"

"Wala" natigil sa pagsasalita si Ey-ey ng sumagot naman agad si Clarisse para tuloy napahiya si Ey-ey ngayon habang ako ay natatawa sa usapan nila.

"Tss" tanging nasabi ni Ey-ey at kinalikot na lamang ang phone nya. Napansin kong may pangiti ngiti na si Ey-ey sa nababasa nya. Di ko mahulaan kung memes ba yun or......... message mula kay Kayden?

Nangibabaw ang nakakabinging katahimikan sa table naming tatlo kaya ako na ang nagsalita.

"Aattend ba kayo sa Ball mamayang gabi?" tanong ko kaya sabay silang napatingin sa akin. Umayos ng upo si Clarisse habang tinago naman ni Ey-ey ang phone nya.

"Present ako dun"- Ey-ey

"Hindi ko pa alam" sabi naman ni Clarisse kaya tinitigan naming sya. Ng maawkwardan na sya ay lumabas sa ekspresyon nya ang 'anong meron' look.

"Bakit naman?" nanghiinayang na sabi ni Ey-ey. "Wala naman akong hilig sa mga ball eh" sagot naman ni Clarisse. "Ito naman kahit kailan napaka old school" sabi ni Ey-ey pero tinawanan lang sya ni Clarisse.

"Old school na kung old school.... Hmmm aattend ako pero naka pants at t-shirt" sbai nya kaya napanganga na lang kami ni Ey-ey sa sinabi nya.

"Wala ka bang dress?" tanong ko at umiling naman sya.

"Edi papahiramin ka naming" sabi naman ni Ey-ey pero tinaas ni Clarisse ang kanan nyang kamay para patigilin si Ey-ey.

"No, never akong magsusuot ng bistida" sabi nya kaya napanguso naman si Ey-ey. "Please" sabi ni Ey-ey at nag puppy face pa. nagpakawala si Clarisse ng buntong hininga bago magsalita.

"Wala naman akong date" sabi ni Clarisse na may lungkot pa sa mukha. "Ikaw, may Kayden. Sa mantalang si Cheska may Finn at........ Casper e ako? parang tatandang dalaga" sabi ni Clarisse at uminom ng Milktea.

"CJ?" sabi ni Ey-ey kaya inirapan sya ni Clarisse. "Naku, sige lang libre ang mangarap" sabi naman ni Clarisse.

"No, I mean si CJ ba yun?" napatingin kami sa lugar kung saan nakatingin si Ey-ey at naconfirm kong si CJ Garcia nga yun. Napansin kong namula bigla ang mukha ni Clarisse pero wala pa ding ekspresyon. "H-hayaan mo na lang" sabi ni Clarisse kaya binigyan sya ng malisyosang tingin ni Ey-ey.

"Ikaw ha" sabi ni Ey-ey ang sinundot ang tagiliran ni Clarisse. "Stop that shit" masungit na sabi ni Clarisse kaya natahimik si Ey-ey. I look at my wrist watch at nakitang 12:45 na pala.

"Tara na guys baka malate tayo" sabi ko at naunang tumayo. Nauna akong naglakad papalabas ng pinto ng Tea shop at sumunod na lamang sila Clarisse at Ey-ey.

***

I get my earphones at nakinig na lamang ng music. I'm here sa may fishpond ng school habang payapang pinagmamasdan ang lawak ng JHM. I feel so relax. Hayss buti na lang madalang ng pumapatay si Amanda medyo nararamdaman kong normal akong teenager dahil dun.

"Cheska bat nag-iisa ka dyan" napatingin ako sa pinto ng kubong nasa gitna ng fishpond at nakita ko si Casper na nakatayo doon. Naalala ko yung inis ko sa kanya kaya inirapan ko sya.

"Anong ginagawa mo dito?" mataray kong sagot at tinabihan nya ako. "Bat ang sungit mo?" seryoso nyang tanong at tinitigan ako sa mata. Yang titig nanaman nya.

"B-bakit nung nagsungit ka ba tinanong ba kita?" sabi ko pero walang nagbago sa ekspresyon nya. "Dahil ba sa akin kung bakit high blood ka?" tanong nya pero I rolled my eyes na lang sa kanya. Hindi maalis ang inis ko sa lalaking toh.

"Then sorry, sorry kung may nagawa akong nagagalit ka" sabi nya kaya medyo nabawasan ang inis ko. From 100 naging 95. Hahahaha

"Bat ka nagagalit?" paawa nyang sabi. Ugh Cheska wag kang magpapadala sa titig nya. "K-kasi—"

"Casper nandito ka lang pala" sabay naming tiningnan ni Casp kung sino ang nagsalita at nakita ko nanaman ang babaeng kasama ni Casper kaninang umaga sa may Mushroom table.

"O Clydle bakit nandito ka?" sabi ni Casper kaya inirapan ko sya. Naku nagmistula akong 3rd wheel sa dalawang ito. Makaalis na nga. Tumayo ako at binangga yung Clydle at lumabas na sa kubo.

Habang naglalakad ako sa may path way ay ramdam kong kasunod ko lang si Casper. "Uy Cheska bat ka ba badtrip?" tanong nya kaya mas nilakihan ko ang bawat hakbang ko. Nagulat ako ng humarang sya sa harapan ko.

"Sabihin mo naman ang reason, muntanga ako ditong nanunuyo ng di ko alam kung bakit nagalit" sabi nya kaya di na kinaya ng galit ko.

"Bakit di mo ko sinundan nung lumabas ako ng classroom?"

"Hindi mo naman sinabing sundan kita edi sana hinabol kita hanggang sa baba" aba talagang nang-iinis kailangan ko pa bang sabihing sundan nya ko.

"Dahil dun sa babaeng Clydle na yun. Nakikipaglandian ka pa. akala ko ba nanliligaw ka sa akin. Cookies.... At may pahatid pa talaga sa classroom" I was shocked ng bigla ko na lang nasabi ang mga salitang yun. "D-diyan ka na nga" kaya tinakpan ko ang bibig ko at nilagpasan sya sabay karipas ng takbo. OMG anong nasabi ko. Hindi dapat yun eh. Nakakahiya.

Papaakyat na ko ng hagdan ng may yumakap sa likod ko. Napatigil ako sa paglalakad ng magsalita kung sino man yun.

"Sorry na, hindi ko naman alam na nagseselos ka eh" si Casper pala. Ahhh lalo akong nakaramdam ng hiya nung sinabi nya ang word na SELOS. Nagseselos ba talaga ako. ano ba talaga.

"Pinsan ko naman yung pinagseselosan mo eh" then boom tumigil ang lahat ng nasa loob ko. Tama ba yung narinig ko. PINSAN? OMG nakakahiya. Nasabi ko pa yung speech ko kaninang yun pinsan pala nya. Kumalas ako sa yakap nya at hinarap sya pero di ko sya tinititigan sa mata.

"P-pinsan mo?" sabi ko at tumango naman sya. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa kahihiyan. I feel his hands na humawak sa mukha ko at tiningnan nya ako sa mata.

"No need to be jealous of. She's only my cousin ok" sabi nya then kissed my forehead. No Cheska bawal kang mahulog sa kanya. Hindi ka pwedeng ma in love.


The Haunted Catholic School (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon