(Cheska POV)
Bumilis ang usad ng araw at madalang ko ng makasama si casper. Siguro busy sa Banda. Dumadaan ang bawat araw ng pare-pareho lang din ang nangyayari. Magkaklase recess, magkakaklase, luch break, magkaklase ulit labasan na tas uuwi sa bahay matutulog gigising ng maaga papasok nanaman sa school.
Parang lumungkot na yung bawat araw ko sa school simula nung naging member na ng band si Casper. Nakakamiss na sya........
At ito, ito ang araw na pinaka ayaw ko. Valentines..... araw ng mga higad at PDA bla bla bla. Hindi naman sa bitter ako pero makakakita nanaman ako kaliwa't kanan ng sweet couples. Lagi na lang ganito ang nakikita ko sa araw ng mga lintek na puso na yan.
Pumasok na ko sa school at ssinadya kong mag palate. Wala naman kasing gagawin program lang tapos mga contest and more. Booth ganun.... Pagbaba ko pa lang sa kotse napansin ko na na nagkalat ang pula sa paligid. Maging ang mga sweet na nag dadate nagkalat din.
Pagkapasok ko sa entrance ng school naapansin ko agad sila Claarisse at Ey-ey sa isang mushroom table kaya dun na ako dumeretso.
"Akala naming naag suicide ka na at di ka pa dumadating" biro ni Ey-ey ng makaupo na ko sa tabi nya. "Naku kilala ko yan si Cheska, kahit single yan di nagpapaapekto sa mga couples" sabi naman ni Kayden. Napatingin naman ako kay Clarisse na ang ganda ng ngiti. Aba mukhang may something sa kanila ni CJ ah.
"Sorry nalate ako ng gising kanina eh akala ko weekends na" palusot ko naman at natawa sila. Ang sweet nilang apat parang third wheel nanaman ako. Nagpaalam ako na mag ccr lang ako. tumayo na ako at dumeretso sa female cr. Naabutan ko naman si Carlota na naghuhugas ng kamay papalabas n asana ako at nagdadasal n asana di nya mapansin.
"Hey Cheska" no,..... palpak. Humarap naman ako sa kanya at lumapit sya sa akin. "Ang saya naman palang kasama ni Casper eh. Alam mo napapansin ko ng na parang may gusto sya sa kin this past few days. Wala ba syang nasasabi sayo?" aba kapal ng face.
"W-wala naman" sabi ko at pumasok sa isang cubicle. Jusme naman Carlota tantanan mo na ko please.
Paglabas ko ng cubicle nagulat ako dahil nandun pa din sya. Hinihintay nya ba kong makalabas? Naghugas ako ng kamay.
"Oo nga pala, manood ka mamaya ha. Tutugtog ang The Vipers. Abangan mo ang performance namin ni Casper babe" sabi nya at ngumiti ng sarkastiko bago ako tinalikuran.
The Vipers? Performance? Casper Babe? Amp. Grabe lakas ng hangin nung babaeng yun. Akala ba nya maiinggit nya ko? Ipakain ko pa sa kany yung boong mic gusto nya.
Pagkalabas ko sa cr nag libot libot muna ako sa school. Dumaan sa mga booth at nagliwaliw MAG-ISA. Sa isang banda nakakita ako ng couple nan aka couple t-shirt.
ang nakalagay sa shirt nung lalaki ay 'I love this Princess' sa babae naman ay yung 'I love this Prince'. Sa inis ko ay binilisan ko na lang ang lakad papalayo sa kanila. Ano namang sabi nitong 'I love Puerto Galera' t-shirt ko. Walang wala diba?
Napansin ko ang ibang students na naglalakad na papunta sa gymnasium. Siguro ito na yung sinasabi nung Carlota na yun na program. Nagpunta na ako papunta dun at umupo sa bleachers.
"OK students let's give it up for THE VIPERS" announce ng emcee sa stage.
"Wooooooooo" ang lakas ng sigawan ng tao dito. School ba to o sabungan. Maya maya ay nagsalita ang babae sa stage. May kagandahan, maputi, mahaba ang buhok, tyaka may dimples sya.
"Ok guys ang first song po natin ay kakantahin ng dalawang hot na students dito sa campus. Make some noise for Hayden and Aron na kakantahin ang What Am I ng bandang Why don't we" sabi nung babae. At nag-ingay pa lalo ang crowd. Mabibingi na ko.

BINABASA MO ANG
The Haunted Catholic School (Complete)
ParanormalBeing inlove with a killer, moster, o kahit ano pa mang tawag sa kanya. kaya ko kaya syang tanggapin sa buhay ko.? FOLLOW ME MGA KA SECRETS