33. Cafe

18 1 0
                                    

(Carlota POV)

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala lang yung nanagyari noong Academy Day ok?" nasa kalagitnaan kami ngayon ng pagtatalo ni Moris. Nandito kami ngayon sa bahay, nagpunta sya dito ng sobrang aga kaya nairita ako sa kanya.

"Pero ilang beses ko din bang sasabihin sayo na seryoso ako sayo Lot" yang mukhang yan alam kong nagagalit na yan eh pero ayaw lang ipahata. "Moris naman. Your just my tutor ok. Bakit ba ang hirap mong kausap. Wala nga akong gusto sayo" bulyaw ko sa kanya while giving him a irritated look.

Napangisi sya at nag igting ang panga dahil sa sinabi ko. "Tss, ang sabihin mo dahil sa pinsan ko. Si Casper right? Bat yun pa? Nandito naman ako. mas pinili mo pa yung boring na lalaking yun eh wala ka namang pag-asa dun" na shock ako sa mga sinabi nya. Kinakaya nya talagang siraan ang pinsan nya?

"Moris please, pabayaan mo na lang ako" mahinahon kong banggit pero nginisian nya lang ako ng nakakainis. "Ganun? Pwes magsama kayo ng walang kwenta mong Casper—" I cut his words by slapping his face kaya napatingin sya ng masama sa akin.

Wait, talaga bang nasampal ko sya. Gosh itong kamay na to pahamak. May sariling utak aba't kumikilos na ng kanya.

"S-sorry, umalis ka na lang" bulong ko at tumalikod sa kanya. Hindi ko pinagsisisihan ang sampal na yun. Dapat lang sa kanya yun ang sakit nyang magsalita.

"Then..... If you say so" yun na lang ang narinig ko mula sa kanya hanggang sa narinig ko ang pagbukas ng pinto at biglang sara nito. Suddenly my tears start to flow.

Bat ba ang weird ko, pinaalis ko tapos iiyak iyak ako. tsss jerk. Napaka selfish mo kasi Carlota. Ang tanga tanga mo.

I wipe my tears and sit on the couch. Nakakatense ang scene na yun. Move on na girl. Wag kang paapekto. Sana bumalik sya gusto kong mag sorry. Akmang tatayo na ko sa couch ng biglang bumukas muli ang pinto at nakita kong muli si Moris. Sabi ko na di ako matitiis neto.

"Moris I want to tell you—"

"Naiwan ko lang yung Bag ko" sabi nya kaya di ko natapos ang sasabihin ko. Nilagpasan nya lamang ako tyaka dirediretso sa bag nya at sinukbit na ito sabay labas ng pinto ng di man lang lumilingon sa akin. Shit girl umasa ka nanaman. What's wrong with me? Why I always pushing someone away na nagcacare sa kin? Tas sa huli ako pa yung kawawa.

(Cheska POV)

"Good morning Madam, welcome po" kakarating ko lang dito sa café at sinalubong ako ng staff sa entrance. "Thank you" sagot ko at dumeretso na papasok nilingalinga ko ang aking paningin sa loob ng café ngunit kisang anino ni Ey-ey or Clarisse ay waley akong nakita.

I took a deep breath and find a seat. Umupo ako sa table na malapit sa glass window at umupo na I get my phone and try to contact Ey-ey.

Your number you have dial is unattended, please try again later.

Ey naman tyaka ka naging unattended kung kailan kailangan na kailangan ka ngayon. Tumayo ako pumunta muna sa cr ng café para umihi saglit. Nabigla ako ng may biglang humila sa akin sa isang sulok akmang sisigaw na ko ay tinakpan nito ang bibig ko.

Natigil ako ng nakita kong si Clarisse pala yun. Kasi naman nakakatakot ang outfit. Naka all black, black ang shoes, black ang pants, black ang t-shirt na pinatungan ng black na hoodie at take note naka black sunglass pa.

"Ano ka ba Clarisse, motor na lang tyaka kasama mukha ka ng riding in tamdem dyan sa suot mo" sabi ng nabitawan na nya ang bibig ko tyaka sya tumingin tingin sa paligid kung may nakakakita.

"Wanted ka ba?" nagtataka kong tanong kaya binatukan nya lang ako. ouch masakit yun ahhh napahawak ako sa parte na hinampas nya.

"Sira, shempre hindi no. May pinagtataguan lang ako" sabi naman nya. "May pinagkakautangan ka ba?" and then again binatukan nanaman nya ko. "Aray ha nakakadalawa ka na. Bat sino ba kasi pinagtataguan mo?" nagtataka kong tanong sa kanya at huminga ng malalim bago magsalita.

The Haunted Catholic School (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon