48. Forget

18 1 0
                                    

(Cheska POV)

"Bakit nyo kasi dinala dun?" ika ni Ey-ey kay Kayden. "Hindi naman naming alam na yun yung pinag-uusapan nyo noh" sagot naman ni Kayden. "Kahit na, nabigla tuloy yung tao".

"Wag na kayong mag-away, mabuti na din yung alam nya" singit ko sa away nila at uminom ako ng tubig. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa condo ni Kayden. Dito na lang naming mas pinili munang pumunta. Tinawagan ko na din si mommy sinabi ko may project kaming gagawin. Nakapag sinungaling tuloy ako sa kanila ni dad.

"So Cheska, ano nang plano mo?" seryosong tanong ni Clarisse. "Hindi ko pa alam, basta ang nasa isip ko ngayon kung paano ako makakapagpaliwanag kay Casper" sagot ko naman all their eyes ay nakafocus sa kin.

"Tutulungan ka naming" sabi naman ni CJ. Ngumiti na lang ako sa kanila, ng biglang sabay sabay nagtunugan ang mga phone namin.

Casper: niloko nyo kong lahat

Casper left the group

Panigurado yun din ang nakita nila. Bat ba sya nagagalit kanila Kayden, wala naman silang kasalanan. Ako dapat ang sisihin nya hindi sila. Kailangan ko syang makausap, pero paano? Paniguradong lalayuan na ko nun, di na ko papansinin.

Nagpakawala si Kayden ng buntong hininga bago tinago ang phone sa bulsa. "Cheska, kailangan mob a syang makausap at makapagpaliwanag ka na. ASAP" sabi ni Ey-ey at hinawakan ang kamay ko. Maswerte ako kasi kahit papaano meron akong mga kaibigan katulad nila na handing sumuporta sa akin.

"Oo nga pala, may isa pa tayong balita" napatingin naman kaming lahat kay Clarisse. "Good news or bad news?" tanong ni CJ. "Actually pareho" sagot naman ni Clarisse. Mukhang alam ko na ang sasabihin niya. "Spit it out" sabi ni Kayden at umayos ng upo si Clarisse.

"Good news, si Kelly na ang isa sa dalawang taong hinahanap natin and bad news kasi di sya pumayag na tulungan tayo"- Clarisse. "Paano na yan?" malungkot na sabi ni Kayden. Hayst ako ata ang problem maker sa grupo na to.

***

Maaga akong nagising ngayon. Tamang tama at sabado. Pupuntahan ko si Casper, kailangan kong maipaliwanag ang side ko sa kanya. Nagmamadali akong nagbihis at bumaba na. Naabutan kong nagluluto si mama ng food at si dad naman ay nanonood ng tv.

"Saan ka pupunta?" tanong ni dad ng makita ako. "Kay Casper po" sagot ko naman. "Why?" ito namang si dad ang daming tanong. "Basta po bye" sabi ko na lang at hinalikan sya sa pisngi at mabilis na umalis. Rinig ko pa ang tawag sa akin ni dad pero di na ko lumingon.

Pagkalabas ko ng gate ay napahinto ako bigla, hindi ko nga pala alam kung saan nakatira si Casper. Haysstt. Who shoul I call?......... Clydle. Tama si Clydle, magkaibigan nanaman kami eh. Habang naglalakad ako ay hinanap ko agad ang profile nya sa facebook at nakita ko naman agad.

Nagmessage request ako sa kanya at nagchat agad sya.

Me: sorry for disturbing. Itatanong ko lang sana kung saan ang address nila Casper

Seen

Clydle: ***** **** **

Me: thank you ;^

Pagkasend nya ng address ay nagmadali akong maglakad.

***

"Ito na kaya yun?" tanong ko sa sarili ko habang nandito ako sa harap ng bahay ng address na sinned sa akin ni Clydle. Huminga muna ako ng malalim bago tumawag. "TAO PO!" sigaw ko mula dito sa labas.

Ilang Segundo ang lumipas pero walang sumasagot. "TAO PO!" sunod kong tawag ngunit wala pa din sumasagot. Baka walang tao. Napagpasyahan ko ng umalis kasi parang wala namang sumasagot eh. Ayaw ko pang umuwi kaya napag pasyahan kong pumunta na lang muna sa park. Naupo ako sa may damo sa tabi ng lake na.

Tumingin ako sa langit, "Trisha, pasabi naman sa boyfie mo na patawarin na ko oh. Di ko naman talaga sinasadyang mapatay ka eh" para akong tangang kinakausap ang ulap dito. kung pwede lang...

Marami akong gustong sabihin sa kanya. Kung ano ba talaga yung totoo. Kung ano yung dahilan. Pero NGANGA wala akong magawa. Paano ko naman idedefend ang side ko kung ganung galit sya sa akin. Siguro kung dati pa lang sinabi ko na sa kanya edi sana siguro kasama ko sya ngayon.

Ang tanga tanga mo kasi gurl......

Umalis na ko sa lugar nay un matapos mag isip isip. Habang naglalakad ako sa daan may nabangga ako. "Ay sorry" sbai nung nakabangga sa akin. Parang familiar ang boses na to ah. Ng iniangat ko ang ulo ko nakita ko si............ Casper?

Nanlaki ang mata nya ng Makita ako at nagmamadaling tumakbo papalayo. Ako naman itong sinundan sya. "CASPER SANDALI!" tawag ko sa kanya at bigla syang tumigil sa pagtakbo kaya nabangga ako sa likod nya.

"Gusto ko lang namang magpaliwanag" sabi ko pero di sya humaharap sa akin. "Wala ka ng dapat ipaliwanag. Malinaw pa sa malinaw na ikaw ang pumatay kay Trisha" matigas nyang sabi. "Pero—"

"WALA NA SYA NAIINTINDIHAN MO" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sumigaw na sya. Parang akong pinagsukluban ng langit at lupa ng marinig ko ang galit nyang tono. Napansin ko din ang mga kamy nyang nag form into fist.

Ano ba Cheska tumahimik na sya, magpaliwanag ka na.... kahit anong pilit ko ay parang naputulan ako ng dila at hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung saan magsisimula o kung paano ko sasabihin. Hindi ko napansin ang pagtulo ng mga luha mula sa mata ko.

"Kalimutan mo na lang na nagkakilala tayo" sabi nya bago tuluyang umalis. Gusto ko syang sundan pero mismong mga paa ko ay hindi gumagalaw. Natanaw ko na lang syang naglalakad na at malayo na mula sa akin. Ganun na lang yun? Parang wala kaming pinagsamahan ahh.

Tuluyan ng bumuhos ang tila ulang mga luha ko. Hindi tumitigil, hindi nauubos.

I just want to explain my side, hindi bay un pwede?


The Haunted Catholic School (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon