41. Makeup

23 1 0
                                    

(Cheska POV)

*kringgggggg

Napabalikwas ako sa lakas ng alarm clock na gumising sa akin. Bangon agad ako eh. Oo nga pala umuwi na kami nung Saturday and now Monday na. it means kuhanan nan g Card. OMG sana naman maayos grades ko.

Nagayos na ko ng sarili bago bumaba sa baba at kumain nan g breakfast then gora na..... hinatid ako ng driver. Habang nasa daan ay biglang nag flashback sa isip ko ang nangyari sa Puerto.

Pinaghirapan ko sya mapasagot tapos dahil lang sa isang stupid reason magagalit ako sa kanya? Kahit ano at sino pa man sya wala akong pakielam kasi mahal ko na sya.

AHHHHHH!!!! Pakiramdam ko kahit anong oras sasabog na ko sa sobrang pula. Kileg much.

"Ma'am parang ngiting ngiti kayo ahhh" luuhh pati pala driver naming napansin Jusme. Ok kalma girl. "Wala naman po, nasobrahan lang po sa gatas" biro ko naman at sabay kaming tumawa. "Ma'am first time nyong tumawa" natigil ako ng marinig ko syang sabihin yun.

Now I realize the real me, hindi na ko yung dating babaeng tahimik, anti-social at napaka poker face na tao. But when Casper came into my life, everything's change.

Mga ilang sandali lamang ay nakarating na kami sa school. Bumaba na ako at naglakad na papasok ng...

"Ayy soryy" isang babaeng medyo pamilyar ang boses ang bigla kong nabangga. Naka gala uniform sya. Nag serve siguro sa simbahan ng mag angat sya ng tingin nalaman kong siya yung pinsan ni Casper na pinagselosan ko.

"Hoy Clydle!" nagimbal ako ng lumapit sa kinaroroonan namin si Carlota na nakakatakot ang awra. Kaya siguro tumatakbo si Clydle. "Aba naman nandito pala ang girllalu na kumakalantarya sa Casper ko" sabi nya pero imbes na aawayin sya ay ngumisi lang ako sa kanya na kinainis nya.

Magsasalita pa sana sya ng unahan ko sya "Alam mo masyadong maganda ang mood ko ngayon para mainis sayo kaya Tsupe" sabi ko nga at nilagpasan sya.

"Nagtatanong lang naman ako kung nasaan si Casper eh"

"Hindi ko nga alam bitawan mo na ko please"

Nilingon kp ulit sila at nakita kong halos mahubaran na si Clydle sa lakas ng paghigit sa kanya ni Carlota.

"Ano ba, bitawan mo nga sya" sabi k okay Carlota at itinabi si Clydle sa likod ko. "Ikaw namumuro ka na eh. Akala mo kung sino ka ha"

"Tama na" biglang dumating si Casper at tinulk nya bigla si Carlota. "Please lang wag ka ng manggulo. Tahimik na ang buhay namin" sabi ni Casper na naka gala uniform din ng sacristan. Mukhang nag serve din.

"Tara na" hinawakan ako ni Casper sa kamay at hawak ko naman si Clydle.

***

"Uy salamat ha. Kung di ka siguro dumating baka porn star na ko ngayon" biro ni Clydle kaya natawa naman ako. "Ano k aba ok lang yun no" sagot ko naman at hinawakan nya ang kamay ko.

"God bless you" wews madre ba to na nagkatawang bata. Natawa naman si Casper dahil napansin siguro na natulala ako. "Masanay ka na, masyadong maka diyos yan eh. Palibhasa taong simbahan" sabi ni Casper kaya sinamaan sya ng tingin ni Clydle pero natawa ulit.

"So ikaw pala yung sinasabi ni Angelo" natingin naman ako kay Angelo.. este casper. "Sinasabing ano?" nacurious na talaga ako. "Na nililigawan nyang magandang babae" sabi naman nya kaya napangiti na lang ako.

"Tss, bolero yan eh" sabi ko naman pero lalo akong nainis ng nginitian pa ko ni Casper ng nakaka asar. "Oo nga pala may gagawin pa ko sa church dyan muna kayo" sabi ni Casper at naglakad na papalayo habang kami ni Clydle ay naiwan dito.

Maganda naman sya. Rebounded ang buhok, SOBRANG tangos ng ilong at morena. Totoong dalagang Pilipina. Mukha naman syang mabait.

"Classmate mo si Casper diba?" tanong nya then I nodded to her. "So classmate mo din sila Clarisse at Ey-ey?" seryoso nyang tanong. "Ah, oo kaibigan ko nga sila eh" sagot ko naman at lalong lumawak ang ngiti nya.

"Talaga? Ako din!" masigla nyang sabi.

"CHESKA!" malayo pa lang alam ko na ang boses na yun. Napalingon kami sa kinaroroonan ng sigaw at di ako nagkamali, sino pa nga ba kung di si Ey-ey. Kasunod nya si Clarisse na as usual tahimik pa din at naka poker face na pumunta sa amin.

"O Clydle nandito ka din pala, tamang tama siguro magkakilala na kayo" sabi ni Ey-ey at umupo sa tabi ni Clydle at si Clarisse naman sa tabi ko.

"Ah, oo akalain mo nga naman magkakakilala kilala din tayo" sabi ni Clydle at tumingin sa akin. "Teka pano kayo nagkita?" tanong ulit ni Ey-ey.

Nagkatinginan naman kami ni Clydle. "Tss, Bwiset kasi na Carlota yun eh" bulong ni Clydle.

"Ha?!" tanong naman ni Ey-ey. "Ah, wala wala. Sabi ko nagkasalubong lang kami kanina" palusot naman ni Clydle. Sa bagay si Ey-ey kasi kaibigan na nya si Carlota kaya wala na syang problema. Paano naman kami na kulang na lang ipalapa nya sa lion at balatan ng buhay dahil sag alit. Wait hindi pala kasama si Clydle..... akesh lang.

Napatingin naman si Clydle kay Clarisse na seryosong nagbabasa ng libro. Ganun din si Ey-ey kaya na curious ako at nakitingin na din. Wait tama ba tong nakikita ko.

"Naka makeup ka?" sabay sabay pa naming tanong sa kanya. Kaya dahan dahan nyang inangat ang ulo nya at tumingin sa amin pero poker face pa din. NR. (No reaction)

"Bakit, masama?" cold nyang tanong.

"Hindi naman, nakakapanibago lang eh" sabi ni Clydle at sumang ayon naman si Ey-ey sa kanya. "Pero inferness bagay sayo, sana ganyan ka na lang lagi" sbai ni Clyldle pero ito namang katabi ko Wala pa ding ka react react. Siguro tama nga sinasabi nila, Pinaglihi nga ata toh sa sama ng loob.

"I just want to try something new" sabi ni Clarisse at nagbasa na ulit ng libro.

"GUYS!" bigla namang dumating si Kayden kasama si..... CJ? Ahh oo nga pala nag transfer na sya. Ng mapansin naming silang dalawa itong si Clarisse parang di magkaintindihang itatago ang binabasa nyang libro at umayos ng upo. Wait parang may kakaiba sa kanya ngayon ahh.

Kanina naka makeup tapos ngayon ng nakita si CJ natataranta na. meron ba kaming di nalalaman?


The Haunted Catholic School (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon