19. Courting

30 1 1
                                    

(Cheska POV)

"Anong ginagawa mo dito?"

"Just want to see you" sabi nya at tumingin sa likod ko.

"Wala ba dyan parents mo?" tanong nya at inusisa ang paligid.

"Look Casper kailangan mo ng umalis" sabi ko.

"Bakit binibisita lang naman kita ahh"

"Casper halos araw-araw na nga tayong magkasama sa school" sabi ko habang naka cross arms.

"Why? Ayaw mo ba kong Makita?" sabi nya na parang nagpapaawa.

"Hindi naman sa ganun pero—"

*peep, peep

My heart. O My God nabigla ako ng tumigil ang kotse nila dad sa harap ng bahay kaya nakita nya kami.

"Sabi ko na eh" nadidismaya kong sabi at napatalikod hoping na di ako mapapansin ni dad.

"Cheska may bisita ka pala" sabi ni dad at ramdam kong bumaba sya ng kotse.

Wala na wasak na nakita na eh. Napapikit ako ng madiin at huminga ng malalim bago humarap muli sa kanila.

"Iho, nanliligaw ka ba sa anak ko?" seryosong tanong ni dad kaya sumingit na ko sa kanila.

"Ahh hindi po. K-klase ko lang po—"

"Hindi pa po" sabat naman ni Casper kaya pinanlakihan ko sya ng mata pero ngumisi lang sya sa akin.

Sunod na bumaba ng car si mom. Naku patay na.

"Hon, sino ba yan?" sabi ni mom at nakita na din si Casper

"Aba Cheska papasukin mo na muna ang manliligaw mo para naman makapag kwentuhan kami" sabi ni dad na nakangiti pa.

"Hindi dad uuwi na din po sya diba Casp" sabi ko at inapakan sya sa paa.

"Ahhm, sir makakatanggi pa po ba ko sa inyo" sabi nya at lalo kong diniinan ang apak sa paa nya pero parang manhid lang sya na walang nararamdaman.

"What?" naiinis kong tanong kay Casper.

"O so pasok na tayo sa loob para makapag meryenda na sige na Cheska go outside na papasukin mo na din yang kasama mo" sabi ni mom at nauna na pumasok at sumunod naman si dad ng nakapasok na sila ay kinausap ko si Casper.

"Diba sabi ko na sayo umuwi ka na lang" sabi ko sa kanya.

"Haha, ang bait ng parents mo" sabi nya at nilampasan ako papasok sa loob.

"Huh? Ang layo ng sagot mo sa tanong ko Casp. Wait kinakausap pa kita" bulyaw ko sa kanya at sinundan sya papasok.

***

Nandito kami ngayon sa may dining table at nagmemeryenda kasama si Casper.

"So iho, kwentuhan mo naman kami. Taga saan ka?" tanong ni Mommy. "Sa may Madison Street po" sagot naman ni Casper. "Ahhh so paano mo nakilala anak namin?" sunod naman na tanong ni Dad.

"Classmate po kami and at the same time po seatmate din po" sagot naman ni Casper while smiling.

"Ma--"

"Anong full name mo iho?" tanong ulit ni dad.

"Casper Angelo Dela Vega po" sagot naman nya.

"Ma wai—"

"So Gaano ka na katagal na nag-aaral sa JHM?" tanong naman ni mom

"Medyo matagal na din po. Baka nga po kakagawa pa lang ng JHM nandun na ko" biro naman ni Casp at medyo natawa naman sila mom and dad.

The Haunted Catholic School (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon