27. Cookies

20 2 0
                                    


(Cheska POV)

Kakadating ko lang dito sa campus pero rinig na rinig mo na ang ingay ng mga tao sa loob. May mga sumisigaw, nagtatakbuhan and many more. Naglakad ako papasok sa main gate. Habang naglilibot ako sa campus ay nakita ko si Casper sa isang mushroom. Ugh naaalala ko nanaman yung inis ko sa kanya kahapon. Naglakad na ko ulit ng hindi sya pinapansin ng may tumawag sa pangalan nya.

"CASPER!" napalingon ako kung nasaan si Casp at nakita kong nilapitan sya ng isang babaeng naka gala uniform. Server din ata sa simbahan. Umupo ang babaeng yun sa tabi ni Casper kaya medyo na curious ako.

Palihim akong lumapit at umupo sa may kasunod nilang mushroom table at nag eavesdrop ako sa usapan nilang dalawa.

"Aga-aga ang ingay mo" –Casper

"Oo ahhh, ito may dala akong cookies ako nagbake nyan"—girl

"Aba mukhang masarap nga. Inferness sa tagal mo ng nag-aaral magbake parang.......... Wala pa ding improvement"—casper at sabay tawa. Ito namang si ate girl may paghampas pa sa braso.

"Kumain ka na nga lang. Tyaka ginawa ko talaga yan para magka diabetes ka. Blee"—girl with matching belat pa ugh PDA.

Kumuha si Casper ng isa at kumagat mukhang sarap na sarap naman sya. Itong Casper na ito nagpaalam manligaw tapos may nilalandi na agad. Hum akala nya ha, hindi ko sya papansinin. Magsama sila nyang babaeng...... hindi nyang cookie girl na yan. Nakakasira ng araw. AHHHHH!

"Tara na nga hatid na kita sa classroom nyo para matahimik ka na" sabi ni Casper at tumayo na silang dalawa at naglakad papaalis. Kita kong madadaanan nila ako kaya nagtakip ako sa mukha ng book na hawak ko. Pagbaba ko ng aklat at malayo layo na sila.

Tumayo ako at nag cross arms.

"Ahhh ganun may pa hatid effect pa. AHHH nakakainis ka talaga Casp" padabog akong naglakad papunta sa 3rd building.

***

At dahil Academy Day shempre walang klase. Pagkapasok ko sa classroom kanina ay naupo na ako agad sa chair ko at napansin kong wala pa si Casper sa katabi kong chair. Ahhh ganun nag date pa ata ang dalawang linta.

"Cheska!!" nagulat ako ng sumulpot bigla sila Ey-ey at Clarisse papunta sa akin at niyakap ako. ng ilang Segundo na ay binitawan na nila ako at umupo si Ey-ey sa tabi ko habang si Clarisse ay umupo sa lamesa.

"Namiss ka naming" sbai ni Ey-ey. "Musta na pakiramdam mo?" seryoso namang tanong ni Clarisse. Kahit kailan talaga di man lang to ngumingiti parang pinaglihi sa sama ng loob.

"Ahh ok na medyo nakakabawi nan g lakas" nakangit ko namang sabi. "O sya mamaya mag celebrate tayo kasi nadischarge ka na" masayang sabi ni Ey-ey at pumalakpak pa.

"Ehem excuse me" sa masaya naming kwentuhan ay biglang sumulpot si Casper. "Bawal ang extra" masungit kong sabi sa kanya na hindi sya tinitingnan.

Umalingawngaw ang nakakabinging katahimikan.

"Ahhm, Ey diba may pupuntahan ka pa sa may 1st building tara na" singit ni Clarisse dahil napansin nya na natahimik ang lahat. At sinenyasan nya si Ey-ey na lumabas na sila. Di ko namalayang nakalabas na pala silang dalawa at nakaupo na si Casper sa tabi ko.

"Good morning" masaya nyang bati pero di ko sya pinapansin. "Ahmm, here cookies" sabi nya at nilabas ang container ng cookies mula sa bag nya. Aba at inalok pa ko ng cookies ng kalandian nya kanina.

"No thanks, baka may lason" pagsusungit ko. "Wala gusto ko lang naman mag sorry dahil kahapon. Napaaga tuloy ligo mo" sabi nya at palihim na tumawa. Ugh naalala ko nanaman yung kahapon. Dahil sa inis ay tumayo na lang ako at lumabas sa classroom. Nakababa na ko ng ground floor pero nagulat ako ng di ko Makita si Casper na sinundan ako.

Ahhhh manhid ba sya di man lang naisip na kulitin ako. as in ganun na lang hahayaan nya kong magtampo. Nakakainis talaga.

Dumeretso ako sa may Gym and thank god dahil walang tao. Busy ata sa mga extra curriculum activities ang lahat. Naupo ako sa bleachers ng busangot ang mukha. Nasaan kaya sila Ey-ey at Clarisse parang umagang umaga ay gusto ko ng umuwi ng bahay at magmukmok. Kinuha ko sa bulsa ko ang phone ko at nag compose ng text message kay Clarisse.

Me: nasaan kayo? Puntahan nyo naman ako dito sa gym oh

Pagka send ko nun ay ilang minuto na ang nakakalipas pero wala ding reply. I try to compose a message naman kay Ey-ey.

Me: ey where na you gaiss :( dito ako sa gym puntahan nyo naman ako

Like before ilang minuto na din ang nakakalipas pero waley. Nganga. Trinay kong tawagan si Ey-ey pero ring lang ng ring. Hindi sinasagot. Ganun din kay Clarisse. Ano bang meron sa mga ito. Who should I call?

Nabuhayan ako ng biglang tumunog ang phone ko. Text message. Mabilis kong binuksan ang phone ko at tiningnan ang text.

Finn: Di ko pa nakikita presence mo sa school, pumasok ka ba?

Buti pa si Finn naaalala ako. haysstt nag compose agad ko ng reply sa kanya. Siguro wala namang masama kung magpasama ako sa kanya. Friends right? Or must be crush hahhaha joke lang.

Me: Nandito ako sa gym

Pagkasend ko ay nagreply agad sya.

Finn: puntahan kita:)

"CHESKA!" napatingin ako sa may entrance ng Gym at nakita ko si Finn. Ang bilis naman nito. Nag taxi ba to papunta dito sa gym?

Lumapit sya sa akin at tinabihan ako. "Bat nag-iisa ka?" tanong nya at hingal na hingal. "Wala lang di ko alam kung saan nagpunta sila Ey-ey at Clarisse eh. Ang bilis mo naman ata" sabi ko at natawa sya.

"Actually nandun lang ako sa may katabing building nito may inaasikaso" sabi nya then he smiled to me. My gosh yung ngiti nya with matching dimples nakaka alis ng stress. He's like an angel.

"So saan mo gusto pumunta?" tanong nya sbay tayo at inilahad ang kamay sa akin pero tumayo akong di kailangan ang help nya.

"Gala na lang tayo" sabi ko at sabay kaming lumabas ng gymnasium at nagtungo kami sa may Open field kung saan may nagaganap na debate competition sa may open stage at ang daming tao ditong nanonood.

"Ang daming tao" namamangha kong sambit habang nag tip toe para Makita ang nasa harap. Pumunta si Finn sa harapan ko at nag yumuko.

"Sakay" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "Sige na iaangat kita para Makita mo" sabi nya with a calm tone. I feel na nagmumula na ang mukha ko. Finn naman bakit ang sweet mo.

"Wag na, maabibigatan ka lang"

"Hindi yan kaya naman kita" sabi nya at di ako nagdalawang isip kaya sumakay na lang ako. nang iaangat nya na ako nakita ko ang nagdedebate sa may stage. Ang ginawa ni Finn ay pinasakay ako sa may balikat nya habang hawak ang dalawa kong hita. Buti na lang naka pants ako.

"Wow" yun na lang ang nasabi ko ng Makita ang dami ng tao. Ginulo ko ang buhok ni Finn kaya napatingala sya sa akin.

"Haha, thank you ha" sabi ko kaya napangiti naman sya. Some students are staring with us. Medyo nakakahiya pero keri lang. wala namang something sa amin ni Finn ahh. Ako lang naman. Charot.


The Haunted Catholic School (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon