49. Day 4-5

20 1 0
                                    

(Cheska POV)

Lunes na pero simula kania ay di pa din ako pinapansin ni Casper. Kahit magkatabi kami ay di nya ko nililingon o kinikibo man lang. Siguro ganun talaga nya kamahal si Trisha.

"Class dismiss" di ko na namalayan ang oras. Luting kasi ako boong klase. Nakita kong lumabas na si Casper kaya nagmamadali naman akong nag ligpit ng gamit at tumakbo na rin papalabas. Sakto namang di pa sya nakakalayo kaya hinarang ko sya sa daanan nya.

"Casp" sabi ko. Pero blanking ekspresyon ang ipinakita nya sa akin. "S-sandali"

"May gagawin paa ko umalis ka dyan" cold nyang sabi at binagga ako. humarap ako agad sa direksyon nya at hinawakan ang braso nya. "Ano ba?!" bulyaw nya sa akin at malakas na tinanggal ang pagkakawak ko sa braso nya kaya natumba ako.

"Casp—Agh" tatayo pa sana ako ng sumakit nanaman ang dibdib ko mabuti na lang at nilapitan agad ako nila Ey-ey at Clarisse at tinulungan akong tumayo. Hindi... hindi ako titigil hangga't di ako nakakapagaliwanag.

DAY 2

Bumili ako ng regalo para kay Casper. Sana naman tanggapin nya. Binalot ko yun ng maganda at nilagay ko sa ibabaw ng table nya. Ng binigyan ako ng sign ni Ey-ey na nandyan na daw sya ay lumabas ako sa classroom at nagtago ako sa isang sulok sa labas ng room pero tanaw pa din sya.

Nakita ko syang kakapasok lang sa classroom at umupo na sa upuan nya ng mapansin ang regalo ko. Nagulat ako ng damputin nya yun at lumabas sa room para itapon sa basurahan ang regalo ko. Umalis na sya at bumaba sa hagdan.

Lumapit naman ako sa may basurahan at kinuha ang regalo ko. Sayang naman.

DAY 3

Nagpaturo akong magbake kay mommy ng cupcake. Shempre made with love. Nung recess ay umupo ako malayo layo sa kinauupuan ni Casper at kasama nya ang mga kasamahan nya sa band na nag rerecess.

Nakiusap ako sa isang estudyante na ipabigay yun sa kanya, kaya naman nung iniabot na nung estudyante yung cupcake na ginawa ko para sa kanya ay nagningning ang mga mata ko ng tanggapin nya yun at buksan.

Pero nawala ang ngiti sa labi ko ng ibigay nya lang sa mga kasama nya yun at sila ang kumain. Haysttt ano pa bang kailangan kong gawin para kausapin mo ko ha? Casper Angelo Dela Vega.

DAY 4

Pumunta ako sa Music Room at mula sa glass window ay tanaw ko silang nag papractice ng kanta kasama ang boong team. Today may dala akong cookies. Tig iisa silang box. Madami dami din ang ginawa naming nila mom and yaya Celia kahapon. By the way na kwento ko na pala kanila mommy ang situation ko kaya naman ito sila at todo support sa akin.

Hindi ako nag atubiling pumasok at narinig ko ang tinutugtog nila.

Kahit Ayaw mo na By: This Band

Tatakbo, tatalon sisigaw ang pangalan mo

Iisipin na lang panaginip lahat ng ito

O bakit ba kailangan pang umalis

Pakiusap lang na wag ka ng lumihis.

"Tayo'y mag-usap teka lang ika'y huminto. Wag mo kong iwan aayusin natin to" natigil sila sa pagtugtog ng kumanta ako. lahat sila ay nakatingin sa akin pwera kay Casper na busy sa pagbabasa ng lyrics.

"Hello, ano kailangan mo?" tanong sa kin nung Ellie. Inangat ko naman ang dala kong bag. "Cookies, gawa ko tig-iisa para sa inyo" sabi ko naman at nagtayuan sila. Nakita ko naman si Kelly na ngumiti at nagiwas ng tingin bago lumabas sa pinto.

"Wow thank you" sabi nung Lincoln at kumuha sila ng tig iisang box. Bumulong ako sa isa sa kanila "Pwede bang makausap ko saglit si Casper?" sabi ko kaya sumenyas si Lincoln at sabay-sabay silang lumabas.

The Haunted Catholic School (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon