Kabanata 7

612 207 202
                                    

"Gala tayo." Yaya ni Cleofe sa buong barkada.
Jeez! Walwal talaga ang babaeng ito. Di mapakali sa iisang place.


We decided and plan to meet each other today dahil patapos na ang submission ng mga final requirements namin for this sem.

"Gosh, magfo-fourth year na tayo." Saad ko.


"Pero wala ka pa ding jowa." Kantiyaw ni Dionne sa akin.


"At iniwan ka ng jowa." Balik-kantyaw naming lahat sa kanya.


I'm with the girls. The girls who have special cases like me. We've met when I was in my first year. Noong naghahanap kami ng sasalihang organization. Dahil wala kaming nasalihan, naiwan kaming lima sa gym to decide. I think hindi iyon by accident. It was intended by God for us to cross paths and become good friends.


But Cleofe suggested making our own org na pinangalanan niyang SPA, short for special abilities daw. Kasi we share a common interest and ability. Something that an ordinary person does not possess.


Mapilit siya kaya nagpapilit na din kami. Simula noon, naging constant na ang communication namin and we see to it that we bond once in a while. Whether it be malling in a day, clubbing at night kapag nakakatakas, or sleepover kung pinayagan. Napatingin ako kay Cleofe and smiled right away nang makita ko yong suot niya.


Hanga talaga ako sa fashion statement niya. Simpleng crop top at mini-skirt lang pero nagagawa niyang fashionable enough to catch almost the whole population's attention of the Academy.


Dalang-dala niya. Natagurian tuloy siyang Campus Queen.
Sana all di ba? Kahit anong isuot, babagay. Kahit kanino itabi, papasa.


She has this model physique. Tall. Mga 5'8''. With long and shiny black hair. Maliit ang mukha, tantalizing eyes, pointed nose, Angelina Jolie's lips. Balingkinitan ang katawan. I wonder kung hindi siya nagugutom. Jusko! If I were her...


No! I don't want to be her!
Ayokong magutom!


I cringed with the thought nang maalala ang usual na kinakain niya. Just an apple a day. Does she want the doctor away? Her aura screams pride. Pero may mga gabing kapag nakakausap ko siya ay parang ibang tao. Sobrang humble na parang may milagro. Ganoon siya ka-weird. Pakiramdam ko talaga ay may split-personality siya.


You will never hear her precious sorry. Burado sa vocabulary niya yong salitang 'yon. Ganoon katayog ang ego niya. Ayaw niya nang nalalamangan ng iba when it comes to her passion and hobbies.


"San?" Interested na tanong ni Ivana sa paanyaya niya.


"Joaquin's place. May pa-house party. His parents are out of the country." Umupo siya sa vacant space ng bench na nasa kabilang side ng mesa. I think, that Joaquin guy is her fling "for the month".


Iba na ang maganda.
Papalit-palit na lang ng ka-fling kada buwan. She doesn't do boyfriends. Para sa kanya, walang deserving ng titulong iyon. Imagine that? Samantalang ako, magfo-four months na, highschool crush pa rin ang drama.


"Sure! Basta may pagkain." Interesado kong sagot nang magtanong si Dionne kung sasama ako.
My friends' eyes were all directed to me in an instant with judgment. Napailing na lang ako. At ang dalawa naman ay parang napilitan lang na tumango.

Getting Away with GluttonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon