"Yes?" Nagtatakang tanong ko sa babaeng nakahawak ng braso ko. She released my arm after examining my whole appearance. Tinignan kasi niya ako from head to toe. Ang judger makatingin.
"It's you. The Sumo wrestler."
"Huh?" Sumo wrestler? Problema niya? Tinataasan niya ako ng kilay eh hindi naman pantay ang drawing niyang kilay.
Di ako nanlalait ah. Nagsasabi lang ako ng totoo. Maputi siya pero yong puti niya parang "salamat gluta" lang. Tapos ang lakas ng loob niyang hatakin ako sa braso.
"Huwag kang didikit-dikit kay Matt, hindi siya papatol sa baboy. Tapos ang lakas ng loob mong lundagin siya."
Ahhh.
Napatango ako nang marealize kung ano ang sinasabi niya. She must be talking about my video of jumping to Saul at Arjon's cafe. Nag-viral pa nga 'yon sa buong campus. Instant famous tuloy ako. Pero siyempre, lowkey lang ako kaya kapag may nagpapapicture, tinatakbuhan ko.
"Ang lakas din naman ng loob mo, eh 5 feet lang naman ang height mo." I said as a matter of fact. Again, di ako nanlalait. Kalmado pa ako sa lagay na ito. Judging is not my cup of tea. Kasi alam ko ang feeling ng ma-judge. Namula siya sa pagkapahiya.
She glared at me. "Know your place. Sa kapal ng bilbil mo, mahiya ka naman. I forbid you from getting close to him." Mukhang balak talaga niya akong awayin kaya binanatan ko na. Akala niya ha! Di ako magpapaapi!
"Ikaw nga nag-tube kahit wala kang boobs. Pinagbawalan ba kita?"
Natameme si ate girl kaya sinamantala ko iyon para pumasok sa kotse. Pinaandar iyon agad ni Manong Tobby. Nawalan na ako ng ganang magpa-spa o mag-gym.
That girl must be an ex-gf? Ex-fling? Pero I've known his type of girl. Mabait 'yon pero hindi ganoon kabait para makalimot sa sarili at pumatol sa laman-lupa.
Lord, forgive me for I have sinned.
Piping dasal ko.Baka president ng fans Club ni Saul or one of his fanatic na nagkakacrush sa kanya? May crush din naman ako kay Saul pero never akong nang-away ng iba. Ang immature lang.
Kinabukasan, maagang dumating at nagkatipon-tipon ang mga students ng BCA sa loob ng gym para bigyang pagpupugay ang alaala ng namatay na si Prof. Paulo Aguirre. Siya 'yong lalaking namatay that full moon na inakala kong si Saul kasi naka-Mercedes din.
Actually, napapaisip nga ako kasi napakacoincident ng mga pangyayari. Pero dahil okupado ang sistema ko kay Saul at sa assumed "relationship" namin, nawala sa isip ko ang isyung ito.
Dahil late akong dumating, napilitan akong umupo sa pinakadulong bahagi ng mga bleachers kung saan may space pa. Hindi ko mahanap ang mga ka-blockmates ko. Pakiramdam ko, hindi sila umattend dahil hindi naman compulsary. Wala din ang mga friends ko.
I yawned as I tried to listen and absorb what does Mr. Dizon's speech, the Dean of the Business College, is all about.
"What if he died, instead of someone else."
Napalingon ako sa babaeng nagsalita sa tabi ko na naka-uniform ng pang-Education course.She looks ordinary. Pero maganda kahit morena, doe-like eyes, cute nose, small lips, with black hair na curly ang dulo. Di nakakasawang pagmasdan. Inilihis ko ang paningin sa kanya, baka ma-tibo ako. Lagot na. Solid Fafa Saul ako. Loyal and faithful.
BINABASA MO ANG
Getting Away with Gluttony
General FictionMETANOIA SERIES 1 [COMPLETED] "Biniro ko pa nga si Lord noon. Na kung hindi ka niya ibibigay sa akin, ako na lang ang ibigay niya sa iyo. Char!" -Shaza I am Shaza Khrizz Ventura, a clairvoyant and a glutton. But He showed me the way to get away with...