Kabanata 52

533 185 19
                                    

When I woke up this morning. Muli kong napanaginipan ang pangitaing iyon. Iyon ang bumabagabag sa akin, mga tinig na humihiyaw at umiiyak. Paano kung may kinalaman iyon sa kanya? Kaya ba iyon ng konsensiya ko? 


Kaya naman bago ako umalis sa bahay kanina, I've made up my mind. I have to be firm with my decision. No taking risk when it comes to someone's life in danger. Hangga't di pa sigurado.

I tried hard to conceal my feelings behind my voice. "Leave me alone. I'm busy." Pagsusungit ko.

"I'm coming over. Ayaw mong kumain? Ikaw ang kakainin ko." Banta niya sa tinig na nagbibiro.

Luh. Noong bata ako 'pag sinasabi iyon, natatakot ako. Bakit ngayon parang naexcite pa ako. 
Putik! Ang dumi ng utak ko. Hayan, kakapakinig kay Dionne at Ivana.  Sisi ko sa sarili. Kailangan ko talagang wisikan ng alcohol ang bunganga ng mga kaibigan kong iyon.


Nagpaalam siya pagkatapos pinatay ang tawag. Nagmadali akong umupo at hinawakan ang fork. Nagsimula na akong kumain. Sa kaba ko, halos malalaki ang subo na inubos ko ang pasta. Wala pang 5 minutes, tapos na ako. Wow! Another level unlocked.


Umiinom na ako ng tubig nang makita ko siyang papasok sa entrance ng gym. He met my eyes when he found me. Halos nasamid tuloy ako at natataranta. May mga bagay talagang kahit lumipas ang panahon, hinding-hindi magbabago. Gaya ng reaksiyon ko sa tuwing lumalapit siya, 'yong tibok ng puso ko sa tuwing tinititigan ko siya ay biglang nagbabago.


"That was fast. Natakot ka yata." He commented, teasing me.


"Er. Kaunti lang naman iyon, ah." Pagdadahilan ko. Kabado sa mga tingin niya. He's closely looking at me, particularly to my lips.


"Masarap?"

"Oo!"
Teka! Bakit natataranta akong sumagot? Tinaasan lang niya ako ng kilay. Tinignan niya ang laman ng tupperware na nasimot ko na at ibinalik ang tingin sa aking mga labi. Napalunok ako. Magsasalita pa lang sana nang punasan niya ang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki niya.


Halos tumigil ang tibok ng puso ko sa pagpipigil ko ng hininga. At muling nagwala iyon ng sa halip na tanggalin ang hinlalaki sa labi ko, hinaplos din niya ang lower lip ko bago niya ibinaba ang daliri.


"I wanted to kiss you. Pero ayokong magkasala." Dama ko ang paghihirap sa tono niya.
"I wanted to hug you. Pero wala akong karapatan." Dama ko din ang pagpipigil niya na yakapin ako ng mga sandaling iyon.


"I want us to be together." Pagsusumamo niya. Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Mukha namang nakuha niya ang ibig sabihin ng pananahimik  ko. He told me he just want to see me so he went there. Ngumiti lang siya bago nagpaalam ulit. Ngiting hindi umabot sa mga mata niya.


What the heck?
I stayed there for a moment. Thinking deep. Thinking things about his weird actions and remarks. Saka pa lang ako kumilos ng ipatawag kami for the final meeting.


Nagmadali lang akong mag-ayos pagkatapos isuot ang golden yellow brown T-shirt na may print na "Team Jesus" sa harapan, tucking it on my white skinny jeans paired with white Airmax shoes. Nag-high ponytail lang ako para hindi masyadong makaabala sa akin ang mahabang buhok.


Isa ako sa mga tatao sa entrance for tickets. The proceeds of the concert will be on the chosen foundation for youth. Kaya an hour before the concert began, nandoon na ako sa venue.


Marami ng mga kabataan ang nag-aabang sa labas ng gym. Karamihan sa kanila ay mga high school students. Napangiti ako sa kanila. Tonight is going to be a life-changing moment. I believe and I claim it.


Naroon na din sa loob ng gym ang mga nakatoka sa iba't-ibang team. Pinaka-busy doon si Daniel na siyang pinaka-head ng Production Operation. Hawak-hawak na nito sa isang kamay ang walkie-talkie at may kinakausap doon.


The music team is testing their instruments, the vocalist and backup singers are testing their microphones as well. Later on, nagsimula na kaming magpapasok ng mga kabataan mula sa edad 13 pataas. They are all excited to witness a first-time concert as big as this in the Academy.


I also saw my special friends. Kahit naman hindi nila bet ang ganitong gawain, they went there for moral support and I really appreciate it.

"Mababawasan ba kasalanan ko dito, ha?" Nagbibirong tanong ni Ivana.


"Gaga, kahit pa mabawasan, di ka makakapasok sa langit." Natatawang pang-aasar ni Dionne.


"Ahy, ibang langit ang papasukin ko." Mataray na sabad ni Ivana.
Tinuktukan silang dalawa ni Jem para mahinto.


Naglabas naman si Cleofe ng alcohol at nakataas ang kilay na iniabot sa dalawa.
"Oh, mouth wash kayo para naman madisinfect mga bunganga ninyo."


Kinuha iyon ni Dionne at iniabot kay Ivana.
"Ihilamos mo na din, pati mata mo nagkakasala." Saway niya rito nang mapansing nakatitig si Ivana sa matangkad na lalaking nakaside-view di kalayuan sa amin. I turn to see who is she referring to and find out, it's Daniel.


Akmang sasabunutan na ni Ivana si Dionne nang awatin ko sila. Ako pa mismo ang nag-lead sa kanila sa mga upuan nila para hindi na sila makagawa pa ng komosyon. Then, I excused myself to carry out my role for the night. Alam ko namang naiintindihan nila.


We have more or less 2, 000 in attendance. Wow! The excitement and anticipation go up when the beat of the drum strikes the air. It was loud and enthusiastic. We jumped, we danced, we sang, we clapped endlessly. After an hour, we paused for a moment to listen to the testimonies.


The first one came from a certain Deliah, who testified about how God changed her from being an unbeliever and a lesbian into a  believer and a God's princess. It was a bold move for someone to declare something like that. 


The second one was about the life of Mrs. Dela Cruz. She testified how God moved and provided when she's out there seeking financial support for his sick daughter. Now, her daughter is fast recovering.


Grabe, ang galing talaga ni Lord!
Komento ko sa sarili.

"And for the last testimony, it was actually coming from our brother, Joseph. But he wasn't able to make it." Paliwanag ng emcee. He's the one I can not reach out to a  while ago for confirmation.


"But, I guess, God has another plan for tonight. Because we will hear another testimony coming from someone whom you really know." Kumalat agad ang bulungan ng mga kabataan sa kani-kanilang mga bleachers.


"He works in this institution." Pagbibigay ng emcee ng kaunting suspense. Who could it be?


"Gwapo daw." Dinig ko ang hiyawan ng ilang mga estudyante.

"Matangkad. Rich. Achiever. Single daw." Mas lumakas ang sigawan. Natawa tuloy ako. Mga kabataan talaga, mahilig sa gwapong single.

"Pero hindi na available." Dinig niya ang sabay-sabay na "ahyyy" ng mga mag-aaral sa malungkot na tinig. Natawa tuloy ako. Pero napawi ang mga ngiti sa labi ko nang sumunod na ianunsiyo kung sino ang susunod na aakyat sa stage.

"Please welcome, the school administrator, Mr. Saul Matthew Ramirez."

Getting Away with GluttonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon