Kabanata 22

550 191 223
                                    

I hit the send button. Pinunasan ko ang luha kong tumutulo na naman sa mga pisngi ko. I just wrote a letter and sent it to his gmail.


Medyo kabaliwan. But that's not the least of my concern. I just wanted to express how I felt. And writing is a good outlet.


I know there's no chance that he will be able to read it. At kahit pa sabihin ko iyon sa burol niya. He won't be able to hear it.


Narinig ko ang pagkatok ni Nana Mercy sa pinto. Dumungaw ang ulo niya mula sa maliit na siwang non.


"Hija, nakahanda na ang almusal mo. Nagbrebreakfast na ang mga magulang mo."


"Susunod na po ako, Nana." Tumango lang siya at umalis na. I closed my laptop before going out. Dumiretso ako sa kusina. My parents are done and about to leave.


"Ma. Pa." They stopped and looked at me, waiting. Lumapit ako sa kanila. I hugged my mom first then my dad. It's been a long time since I am able to hug them like this.


"I love you both." Ngumiti ang Dad ko samantalang si Mom nakakunot ang noo bago ngumiti.


"We love you, hija." Sabay nilang saad, hugging me back.


"Always take care, okay?" Bilin ko sa kanila. I feel comforted through their hugs.


"Have you been crying?" My Mom asked curiously while softly caressing my cheek.


"You okay, baby?" Tanong naman ni Dad. His hand rested on my shoulder. Examining my face and gazing at my swollen red eyes. Tumango ako at pinilit na ngumiti.


"May problema ba?" Mom asked again.


Umiling ako. "I'm just up all night for our presentation later."


"Okay. Goodluck, baby." Dad hugged me once again. "We need to go."


"Call us if you need anything." My mom reminded me. Tumango na lang ako at nag-wave ng kamay sa kanila.


"Oh siya. Kumain ka na." Niyakag ako ni Nana sa kusina. She has prepared my favorites. Kahit lahat naman ay paborito ko.


"Wala akong gana, Nana."


"Aba'y bago yan, anak. May sakit ka?" Sinalat-salat pa niya ang noo at leeg ko para makasiguro.


"Hindi ka naman mainit."


"Dito, Nana. Masakit." Itinuro ko ang tapat ng dibdib ko.


"Paanong masakit? Parang pinipiga? Hirap ka bang huminga?"


"Opo."


"Diyos ko! Bakit di mo sinabi. Sandali at tatawagin ko si Tobby. Kailangan mong madala sa ospital. Bakit di mo sinabi sa mga magulang mo?" Natataranta siyang nagsalita habang hindi alam ang uunahing tawagan sa hawak na cellphone.


"Nana! Relax ka lang. Di ko kailangan ng doktor."


Tinitigan niya ako nang ilang sandali. I gave her an assuring smile. "Malungkot lang ako. Saka depress." Paliwanag ko.


"Hay. Akala ko seryosong sakit sa puso, anak. Ako yata ang unang aatakehin dito."


Napangiti ako sa sinabi niya. She's already 56 years old. Matagal na namin siyang pinagreretire. Pero ayaw niyang umalis dahil wala naman daw siyang gagawin sa bahay nila. Mag-isa na lang siya sa buhay dahil ang asawa ay maagang kinuha ni Lord at ang mga anak naman ay nagsipag-asawa na at may kanya-kanya ng buhay. Minsan dinadalaw-dalaw na lang nila. Kinukuha nga ito ng mga anak niya ngunit ayaw niyang umalis sa amin. Hihintayin pa daw niya akong mag-asawa at aalagaan pa niya ang mga magiging anak ko.


Getting Away with GluttonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon