Kabanata 43

515 189 23
                                    

Kailan pa siya dumating?!
Di kasi ako na-informed.
At bakit pala ako ii-inform, aber?


Wala na ang atensiyon ko sa lalaking kumakausap sa akin. My eyes wandered at the event hall. My gaze stopped at the presidential table where he is now sitting beside the lady looking like a barbie who came to life. Ang ganda niya.


She has natural curly hair. Morena. Maliit ang mukha. Bagay sila. Parang si Malakas at si Maganda. If you know the myth. At dahil myth lang iyon, walang katotohanan. Kamuntik ko nang kurutin ang sarili ko dahil sa pagmamaldita ko. Inaano ba ako?


Behave. Utos ko sa sarili. After five months, he texted me. And he has changed his number. Mukhang may sinabi ang babae na tinanguan lang niya at nginitian pagkatapos ay muling sinulyapan ang hawak na cellphone.


Napalingon ako kay Marlon na hindi ko na nasusundan sa topic namin kanina kasi occupied na ang utak ko ng ibang bagay. Laking pasasalamat ko kay Dionne nang bumalik siya kasama ang isang guy. The other guy who introduced himself as Andrew pulled his friend away from me dahil pupunta pa daw sa ibang table.



Ibinalik ko ang paningin sa kinaroroonan ng lalaking laman na ng isip ko kanina pa.
Umalis yong barbie doll. Ang perfect nito sa pastel dress na hanggang kalahati lang ng binti ang haba. Parang model. Naiwan siya doon samantalang ang ilang mga kasamahan niya sa mesa ay nasa dance floor, kasayaw ang mga kanya-kanyang partners.


I decided to reply.
"And you got yourself a new girlfriend."
Isesend ko pa lang sana iyon nang pumailanlang sa ere ang isang pamilyar na awitin. It was Moira and Erik's collab song "Ikaw pa rin".


Sa dami talaga ng awit, iyon pa! Nananadya?


"Alam kong ako 'yong lumayo,
Walang karapatang magreklamo 🎶..."


Oo, ako nga pala ang lumayo. I was about to delete my message pero napindot ko nang di sinasadya ang send button. Di wow! Katangahan strikes again. Nanlalaki ang mga matang napabaling akong muli sa kanya at agad ding nagbaba ng paningin. He saw me and he has already read my text message.


"Ngunit bumabalik pa rin,
Ang nakaraang parang kahapon 🎶"


What happened after the dinner is something I never told anyone. Kahit pa kay Dionne na siyang pinakamalapit sa akin. My mind started to reminisce... Isang gabing lagi kong binabalikan kapag mag-isa na lang ako. Kapag nalulungot ako. Yong mga waht ifs ko kung sakaling hindi ako nakinig sa usig ng konsensiya ko. Kung ang tanging inisip ko ay ang kapakanan niya at ang kaligayahan ko nang oras na iyon, I wonder what happened...


"I can't be with you. I'm sorry." Hindi ako nakalabas sa sasakyan nang hawakan niya ang palapulsuhan ko, stopping me from leaving.


"Why?" Mahina niyang tanong. Mariin ang pagkakatitig sa akin.


"I can never guarantee your safety. I can never-"


"I'm not dating you for that damn reason." His voice laced with frustration. Mahina lang pero may diin.


Getting Away with GluttonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon