Kabanata 23

543 189 165
                                    

"Sha!"
Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.  Umangat ang kilay ko kay Megan, na nakapamaywang na sa harapan ko.


"Kanina pa kita tinatawag. Ang lalim ng iniisip mo." Complain niya.


I am about to explain when I heard our leader speak.
"Get ready guys. It's our turn." I tried to set aside other distractions and fill my thought with my part in our presentation.


Fortunately, it went well. Tuwang-tuwa ang mga kasama ko at nagyayang magcelebrate sa Arjon's Cafe. Yong bagong tayong cafe sa labas at tapat ng Academy. I am happy. But not that happy. I don't think it's the best time to celebrate.


"What's with the black outfit girl?"
Tanong ni Lovely. Napatingin din ako sa suot ko. Naka-black Sando strap ako na panloob, partnered with a black blazer, black slacks na hapit sa legs ko at siyempre black shoes na two inches ang taas.


"Corporate." Simpleng tugon ko.


Bakit parang wala silang pakialam? Ako lang ba ang nagluluksa dito? Sabagay, hindi naman lahat ng nasa school, head over heels in-crush kay Saul.


"Did you cry? You look gloomy." Puna ni Cynthia. "Yang eyebags mo magiging baggage na."


I just shrugged off my shoulders. I don't want to talk about it.


"Anong order niyo?" Tanong ni Josh sa amin nang makapasok kami sa cafe at dumiretso sa counter.


"Order anything. Ako ang magbabayad."
Sabi ko at naghanap na ng pwesto namin.


Wala eh. Trip ko magwaldas ng pera ngayon. Pinili ko 'yong nasa corner, minimalized space na may maliit na mesa sa gitna at may mga pillows sa paligid. We will sit on its green-carpeted floor.


"Wow, Sha. Di ka nakipag-unahan sa pila. At nanlilibre ka?" Sumunod sa akin si Megan na tumabi sa inupuan ko. I put a pillow on my lap and lean on the wall.


"Bawal?" Taas-kilay kong tanong.


"Taray. Maya-mayaman. Nagkikilay ka na, gurl! Ganda ka?" Pang-iinis niya sa akin.


"Something is off. May dalaw ka?"


"Ano ako? Preso?" I mocked Lovely as she slouch down on her seat.


"Loka. I mean, period."


"Dash lang."


"Baliw ka na ba?"


"Malapit na." Humarap siya sa akin at kinunutan ng noo. She examined my face and looked into my eyes.


"Set tayo ng appointment sa tita kong Psychologist."


"Ikaw din?"
Balik-biro ko sa kanya. I crossed my arms in front. Nanatiling nakasandal sa pader.


"Sira! Samahan lang kita."
Nakapaglagay na ng order ang iba naming kasama kaya nagsidatingan na sila. Kanya-kanyang puwesto na at nagseselfie pa.


I haven't check my phone yet. Takot pa din akong sumambulat sa pagmumukha ko ang katotohanang wala na siya. Matapang ako pero mahina ang puso ko sa mga ganito.


"Anong nangyayari sa'yo? Kung maka-fierce look parang end of the world na ah." Puna ni Megan na huminto sa pagkalikot ng cellphone at tumingin sa akin.


Getting Away with GluttonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon