Kabanata 48

519 189 42
                                    


Nakatayo na ngayon si Nana at nangingiting pinagmamasdan kaming dalawa ni Saul.


I can almost hear her thoughts.
"Ku.Bagay na bagay kayong dalawa."


"Sa church, Saul. Ipag-drive mo na lang."
Napanguso ako. Ang sabi ko pa naman may date ako. Baka isipin niyang nagsisinungaling ako.


Pero date naman talaga 'to! Date kasama si Lord, di ba? Katwiran ko.


Paano ko siya iiwasan? Gayong siya na ang gumagawa ng paraan para di ako makaiwas. Paano ko siya pagtataguan? Gayong siya na mismo ang dumayo dito nang ganito kaaga.


Wala akong kawala. Gusto kong magsimba. At hindi ito oras para magtaas ng pride. Wala pang sumisingit na vision tungkol sa kanya. I don't want to think in advance and live in fear.


So, I am trusting God. I believe He won't let me down.


Nagpaalam siya kay Nana. We walked to his car. Wala akong nagawa kundi ang magpatianod. Nasa tabi ko lang siya ngunit nauuna ako ng ilang hakbang. Nanatili ang kamay niyang nakaagapay sa baywang ko.


"Naglalakad lang, bakit may pahawak ka pang nalalaman?" Saad ko nang huminto ako sa tapat ng pinto ng kotse niya, pointing out his hand.


Napahinto siya sa akmang pagbubukas ng pinto. He search for my eyes. And when he found mine, he just smirk. May gana pa siyang magtaas ng kilay! Pero bakit ang pogi?


"Does it bother you?" He teased. "Affected much?" Biro pa niya na ginagaya ang language ng mga millenials. Feeling bata. Tss. Siniko ko siya sa tagiliran kaya napabitaw siya ng hawak sa baywang ko.


"Masakit much?" Tanong ko din. Pinaglapat ko ang mga labi ko at pumasok na sa kotse na naiinis. Nakangiti pa rin siya at tila natatawa nang makapasok sa kotse at sinimulang paandarin iyon.


"Where to?" He asked. Sinabi ko sa kanya ang direksiyon papunta roon. He used his GPS. Later on, we're on our way. Nagtext din ako kay Emilia na baka ma-late ako ng kaunti at may kasama akong asungot.


"Nagsisimba ka pala." Komento niya habang naka-focus sa pagdadrive.


"Anong akala mo sa akin?" Masungit kong tanong.


Be nice, paalala ko sa sarili ko.
Napapikit ako. Nadedemonyo na yata ako. Diyos ko... ilayo mo ako mula sa temptasyon. Pipi kong dasal.


"I never thought ganito ka kasungit."


Napalabi ako.
"Kaya huwag kang lalapit-lapit sa akin kung ayaw mong masungitan." Warning ko.


"I don't mind, Sha. Sige lang, sungitan mo ako." Panghihimok pa niya sa pagtataray ko. I was about to lash out on him again when he caught me off guard with his next remarks.


"Magsungit ka pa. You're just turning me on."

Huh? Napakurap-kurap ako at napalunok. He didn't look at me, not even a single glance. Samantalang ako, literal na nakatanga lang sa tabi niya, nakaharap sa kanya. Napakislot ako nang mag-ring ang cellphone ko. I took it out of my bag and answered without checking who's the caller.


Umiwas ako ng tingin kay Saul nang makitang sumulyap siya sa akin, nakakunot ang noo. I face the other side and look outside the window.


Getting Away with GluttonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon