Epilogue

596 183 28
                                    

"Misis." Saway niya sa akin nang isiniksik ko pa ang mukha ko sa kilikili niya. Hindi ko alam pero bangong-bango ako sa amoy ng kilikili niya. Parang nakakaadik.


Hindi pa kami bumabangon sa kama. Gusto ko pa siyang yakapin at singhutin. He has work today pero mukhang male-late na naman siya dahil dito.


"5 minutes pa, mister."


Sana lang huwag mangamoy kilikili ang anak namin paglabas. I am just so glad that I don't have to go through morning sickness within my two months of pregnancy.


"Nakatatlong 5 minutes ka na. Rise up, sunshine. Your friends are already waiting. Kanina pa sila sa baba." Masuyo niyang saad.


Napaangat ako ng ulo at tumingin sa kanya.
"Dumating na sila?"

I almost forgot. May usapan pala kami ngayon. Girl bonding kami today, dito sa bahay. After Saul and I got married, we settled here at their mansion.


He actually wanted to build our own house. Pero ang sabi ko, gusto ko dito. Aside from that, wala namang titira since his parents are almost staying abroad. Si Chichi naman ay kinuha ng pinsan niya since kararating lang namin ng Pilipinas two days ago kaya wala pa siya rito.

Napilitan akong bumangon at umupo sa kama. Naramdaman niyang hindi ko pa gustong kumilos at maligo. So, he carried me and went to the bathroom.


"Maliligo ka or paliliguan pa kita?" Nag-hang ata ang utak ko doon. Pinag-isipan kong maigi kung anong ibig niyang sabihin.


Mag-asawa na kami pero nahihiya pa rin ako sa kanya hanggang ngayon. Sa kabila ng lahat ng ginawa namin sa honeymoon stage. Namula ang buong mukha ko hanggang sa leeg. Umabot pa yata hanggang talampakan at anit.


When he started to remove my nightgown, I panicked. "Ako na. Ako na." Natataranta kong pigil sa mga kamay niya. I pushed him outside the bathroom. Dinig ko ang paghalakhak niya papalayo. Napailing na lang ako. I showered fast and get myself ready.


Wala pang 20 minutes, nasa baba na ako. I greeted my friends with so much excitement. After a month. Nagkita-kita din kami. Saul and I stayed in Australia for our honeymoon. We just got back 2 days ago. Tagal na naming plano ito pero laging drawing.


Kasalanan ni Cleofe na out of coverage nang mahigit isang buwan. Hindi namin siya macontact kaya nawalan kami ng kahit anong balita tungkol sa kanya.

She just told us na napadpad daw siya sa malayo at liblib na bundok at nagustuhan daw niya kaya natagalan ang bakasyon niya. Mabuti at kinaya niya. Sa arte niyang iyon?


At pumayag siyang mag-stay sa bundok? That's surprising. Ni ayaw nga niyang tumapak sa bukid.

"Ahy, blooming. Dilig na dilig, ah." Bating bungad ng makasalanang bunganga ni Ivana. Kamuntik na akong mapa-roll eyes sa mga terms niya. Pabirong tinampal ko lang siya sa braso.


"Yong isa diyan blooming sa umaga, conjuring sa gabi." Pasaring niya kay Dionne na agad namang nagbigay ng death glare. Mukhang magpapatayan na naman ang dalawang ito. Feeling ko, kulang lang tong dalawang 'to ng pagmamahal. Ihanapan ko kaya? Any suggestion?


"How's married life?" Tanong naman ni Jem pagkatapos akong yakapin.


"Para namang hindi mo alam." Pasaring ni Cleofe na tila reynang nakaupo sa sofa.


"I have no idea." Jem said as a matter of fact.

"Nag-aadjust pa."
Naiilang kong sagot para di na humaba pa ang mga issues nila sa buhay.


"Saan?"


Heto na naman si Ivana sa mga tanong niya.
"Sa lahat." Minataan ko siya para pigilan nang sumilay ang ngisi sa mga labi niya.


"Tara muna sa kusina, breakfast." Yaya ko para di na sila makapagtanong pa ng kung ano-ano.


"Maupo na kayo. I'm almost done here, misis." Baling ni Saul sa akin nang bumungad kami sa dining area. Nasa may kitchen counter siya, preparing for our breakfast. May sinangag, tapa, sunny side up egg, hotdog, at french toast na nasa mesang pahaba.


Pinaupo ko na ang mga kaibigan ko at lumapit kay Saul. Nakalabing tiningnan ang inihahanda niyang fresh sliced fruits. Kahit madami siyang trabaho, gusto niyang siya mismo nag naghahanda ng mga kakainin ko. And his efforts always made my heart warm.


"Ayaw mo?" Tanong niya.


"Gusto ko ng pancake." Paglalambing ko.


"Okay, pancake it is." Pinaupo niya ako sa tabi ni Dionne bago bumalik sa counter para lutuin ang request kong pancake.


"Hoy, anong orasyon ginamit mo diyan? Bakit slave kung makaasta. Pahingi naman ako nang magamit ko don sa ex ko." Pangtsitsika ni Dionne sa akin.


"Aherm. Akala ko si Saul ang napangasawa mo, bakit naging si Andres?" Kantyaw naman ni Ivana.


"Ang swerte mo diyan sa hubby mo, ewan ko lang sa kanya, sa'yo?" Pang-aasar naman ni Cleofe.


"Sinong mag-aakala na ikaw pa talaga ang unang mag-aasawa sa inyong apat? Akala ko itong si Ivana, eh." Komento naman ni Jem.


Nagkwentuhan lang kami habang nagbre-breakfast. Si Saul naman laging nakabantay sa mga kilos ko. Laging nakaalalay.


Ganito pala. Ang sarap sa feeling. I am not encouraging anyone to marry at the age of 22, but I'd tell you to wait. And while waiting, pray for that someone. God hears the prayer of a heart with good intentions.


Nagpaalam na si Saul sa amin for he has a meeting at 9 AM. He kissed me on the lips. Awkward kasi nasa harap ang mga kaibigan ko.


But I guess, kailangan ko lang masanay. It's normal.


Getting Away with GluttonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon