Kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko kapag nandiyan si Saul, ganoon kabilis ang pag-Oo ko nang tumawag siya sa akin the last time I had an overnight at Cleofe's place with my special friends.
Akala ko talaga kung ano na namang masamang balita ang maririnig ko. Pero ito na yata ang pinakamasayang balita sa lahat. I'm so happy that I almost forgot about my dilemma.
He just asked me out! He asked me out! Oh my God. He asked me out today. For real!
I mean, he's Saul Matthew Ramirez! At hello? Ako lang si Shaza. You get what I mean?
Since the day when I thought he died and find out that he didn't, we got closer.
Lagi ko na ngang katext at ka-late night talk. Kulang na lang magsabay na din kami sa lunch at dinner. Next time, magsasama na kami sa iisang bubong. Charot.
Mainggit kayo. And Saul, being a gentleman, sinundo niya ako sa bahay around 8 AM. Umuwi ako sa bahay around 7 AM. So I only had an hour to prepare.
Pero di ko inasahang, ipagpapaalam niya ako sa mga magulang ko. Infairness, nagustuhan siya agad ni mama at papa. Botong-boto sila. Lalo na si Nana Mercy. Pero klinaro ko namang hindi ko siya boyfriend.
HINDI PA. Malay natin hindi talaga.
Actually, I have no idea kung saan kami ngayon. Ang sabi lang niya "bring your personal necessities saka extra shirts." Kaya backpack ang dala ko plus 'yong shoulder bag.
Nagulat na lang ako nang makitang pa-Baguio ang direksiyong tinatahak namin.
After 4 hours of driving. Kumain kami saglit sa isang Classic restaurant then we proceeded to our next agenda. Ang mamasyal. We visited the strawberry farm first. We tried their strawberry taho and strawberry ice cream.
"May space pa ba tiyan mo?"
Nag-aalalang tanong niya dahil alam niyang napadami din ako ng kain kanina."Ako pa ba? Nagka-space ka nga sa puso ko. Eh mas malaki 'tong bituka ko." Banat ko.
Napakamot lang siya sa kilay at nangingiting umiling-iling bago ako niyaya sa ibaba para lapitan ang plantation ng strawberry .
"Yan dapat ang kinakain mo." Turo niya sa mga lettuce na ikinangiwi ko naman. Tinawanan lang niya ako at kinurot ang ilong ko. Nag-ikot lang kami doon. We took some selfies, then we left.
Sunod naming pinuntahan ang The Diplomat Hotel. Tatanggi sana ako pero ipinagpilitan niya. Sayang daw yong chance.
"Natatakot ka ba?"
Tanong niya sa akin. Tumango ako na parang constipated."Here. Hold my hand." Inialok niya ang isang kamay sa harapan ko. I never like scary places, pero kung ito ang paraan para hawakan niya ang kamay ko, I will face this fear and hold hands with him while walking.
Ang sarap pala sa feels ng mga nag-HHWW. Lalo na kung ang kahawak-kamay mo ay ang lalaking gustong-gusto mo. Hinawakan ko nga iyon. It was warm and big. He intertwined our fingers together before pulling me inside the old, ruined building. There's something in it that makes me so kilig. Enebe? Dapat matakot ako eh kaso lagpas taenga na yata 'yong ngiti ko.
Napangiti pa akong lalo. "Kung sakaling magiging multo ka, anong gagawin mo?"
BINABASA MO ANG
Getting Away with Gluttony
Ficção GeralMETANOIA SERIES 1 [COMPLETED] "Biniro ko pa nga si Lord noon. Na kung hindi ka niya ibibigay sa akin, ako na lang ang ibigay niya sa iyo. Char!" -Shaza I am Shaza Khrizz Ventura, a clairvoyant and a glutton. But He showed me the way to get away with...