Kabanata 30

546 191 159
                                    

"Ganda ka?" Hinampas ko siya sa balikat. Hinila niya ako patayo para maglakad-lakad.


Kunwaring pumilantik ang dulo ng mga daliri niya sa hangin. Then, he tugged the imaginary hair behind his ear. "Yeah. Mas maganda pa sa'yo."


Tinawanan ko siya sa kalokohan niya.
"Bakit parang ang bilis mong natanggap na mamamatay ka na lang bigla isa sa mga araw na ito?"


"Dapat bang iyakan ko din ang sarili ko?"
He point out. Tama naman. Alangang magmukmok siya.


"Mamimiss kita. Kahit na-"
He cut me out and made me stop. Pabalik na kami at malapit na sa camping site.


"Huwag mong sabihing mag-e-elegy ka na diyan. Ang advance naman." Biro niya na di ko tinawanan kasi seryoso lang akong nakatingala sa kanya.


"Pag namatay ako, can you look for my Mom and Dad? Will you keep Chichi for me?"


Bakit nagbibilin na siya? Bakit ang sakit na?
He wanted to make this light, I see. So, instead of mourning for something that didn't happen yet, he wanted to savor his remaining time and spend it with the people he cares about.


"Pag namatay ka, pakamusta ako kay Kuya Sherwin at Rhea?" Pagbibilin ko din sa kanya.
"Tamang paramdam na lang kapag nandoon ka na." Pumiyok ang boses ko kasi sunod-sunod na tumulo ang mga pesteng luha ko.


Umiling ako nang akmang yayakapin na naman niya ako. Pinigilan ko siya.
Bakit ang bigat-bigat sa loob?


"Sabi mo sa sulat mo takot ka sa multo."


Tinuyo ko ang pisngi gamit ang mga kamay ko. "Nabasa mo yong email ko?" Gulat kong tanong.
He nodded and smirk again. Amusement in his eyes lit up.


Syet! Inamin ko lahat doon sa kanya ah. Gusto kong magdisappear sa harap niya. Pero ayaw makisama ng mga buhangin. Tibay lang ng loob self. Kapit lang, matatapos din ang unos. Piping paalala ko sa sarili.


Kaya pala... Kaya pala niyaya niya akong mamasyal sa Baguio, sumakay ng rides sa amusement park, nagsamgyup at mukbang, nagparty at uminom, tapos matutulog sa tent sa tabing dagat. Lahat 'yon nasa email ko. Bakit yong request ko ang pinagbigyan niya? Hindi naman ako ang mamamatay.


Mas lalo akong naiyak. Kasi pakiramdam ko, pagkatapos nito, mawawala na siya. Na pagkatapos nito, hindi ko na siya makikita. Is this some kind of a farewell?


"Bakit mo 'to ginagawa?"
Tanong ko.


"You're a wonderful person, Sha. Behind those fats-"


Tinampal ko ang dibdib niya. "Okay na ako sa wonderful lang."


Tumawa siya kaya tuloy natawa na din ako. Forte ko na talaga ang tumawa habang umiiyak.  Ang galing ko. Another talent unlocked.


"Despite those misplaced curves-


Misplaced curves daw? Pinaganda pa.  Napaismid ako.


"-I see a woman who has a pure and a brave heart." Tuloy niya sa speech niya. Buti pa siya na-appreciate 'yong pagmamatapang ko. Lagot talaga sa akin yong Ivana na iyon kapag naging strong woman na ako. 


Nakakataba naman ng puso. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "You are not my type-"Tinangka kong tumalikod ngunit mabilis niya akong hinawakan sa braso kaya napabalik ako sa harap niya.


"You are not my type but I came to like you, unexpectedly. When I got the chance to know you more, I found myself liking you even more."


Oh my God! He likes me na! Ngiting tagumpay, mga mars! Pero natameme ako sa sinabi niya. Pakigising naman ako. Parte ba 'to ng isa sa mga panaginip ko?


"You're annoying. Makulit ka. Maingay. Masakit sa ulo, sa mata, sa taenga. But you're good for my heart."


Usapang- puso na. Hindi ko ito inaasahan.
Moment of truth na nga! Aminan portion na. Tapos kasalan na. Char!
Next episode, honeymoon na! Chos.


I let him finish. Ayokong magsalita baka masira ang confession niya. "You made me see substance over physical appearance. Hell! I'm not into Extra large. But you've exceeded my expectations and go beyond."


Large lang! L! Hindi XL!
I pressed my lips to control myself from talking.


"You made me realize the essence of life. Thank you." He smiled and patted my head.
Yon lang? Ano ako? Aso? May pa-pat sa head? Kagatin ko kaya siya?! He chuckled upon seeing my disappointed expression.


"I'll be gone one of these days. So I won't be able to message you, to eat with you, and go out with you."


Muli akong nalungkot, naluluha na naman.
Napalunok ako at napasinghot. Ilang beses ba akong iiyak para sa lalaking ito?


"I think, you need to rest. Let's go."
Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako doon. Ang sakit sa heart mamaalam sa taong gusto mo, gusto mong mahalin at gusto mong asawahin. Charot. Hinawakan niya ang pisngi ko. Wiping and drying my tears using his thumb.


"Can I kiss you?" He asked me softly as he looked at me straight in the eyes.
Aba! Humingi pa ng permiso. Ako naman, tumango agad. Wala man lang violent reaction. Maharot.


I closed my eyes when I saw him leaning on. Dama ko ang paglaglag ng mga butil ng luha sa pisngi ko. I felt his warm lips on my forehead. Sa noo talaga? Ano niya ako? Lola? Pero siyempre di ako pwedeng magdemand.


Kumabog na naman ang dibdib ko. I anticipated him to kiss me in the lips but I felt his hand on my hand, pulling me to walk. Pero hindi ako nagpahila. Napanguso ako at nahihiyang tumingin sa mata niya bago sa lips niya. Mukha namang naintindihan niya ang nais kong iparating at mangyari. Kaya naman inilapit niya ang kanyang mukha sa akin.


I waited.
And waited.
But he only pinched my cheeks, making me open up my eyes. "Aray."


"Saka na sa lips kapag sinagot na kita."
Natawa ako sa sinabi niya. Bago tuluyang nagpahila sa kanya.


He made me feel so special. I am smiling like an idiot. I bit my lower lip to stop myself from shouting. Kinikilig ako, shemz! Nakasunod ako sa kanya, looking at our intertwined hands. We stopped in front of my tent. Nasa katabi lamang niyon ang tent niya.


Hindi ko alam kung anong label na kami. At ayokong pag-isipan pa. I won't ask him either. Kontento na ako sa kamay naming magkahawak-kamay at sa pa-kiss niya sa noo ko.


"Uh. Goodnight." I said. Pero hindi niya binitawan ang kamay ko. Nakatitig na siya sa akin nang mag-angat ako ng paningin. At bago pa ako nakapagsalita, he said something that made my heart go wild and crazy.



"Let's sleep together."


Getting Away with GluttonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon