Sus! Bakit, imortal siya? Walang kamatayan? Medyo tanga din tong si Megan eh, ganda lang. Kulang naman ng brains. Ako nga na hamak na mortal lang, patay na patay na sa kanya.
"Nakita ko lang siya kahapon, ah."
Nagsalitan sa pagsasalita ang mga kasama ko habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo.Processing....
Teka! Napainom ako ng juice na nakalapag sa mesa na kay Megan yata.
"Yon na nga. He had an accident last night." Paliwanag ko. Bakit parang di sila updated?
Ano ba tong mga 'to, ang hihina ng mga radar! Saang bundok ba galing mga blockmates ko?"Yong accident kagabi sa news? Sa may highway?" Tanong ni Megan.
"I heard of that, pinag-uusapan ng mga pinsan ko sa GC namin." Sabad naman ni Josh.
"That's it!"
"Eh hindi naman si Sir Ramirez 'yon eh. It was a professor from BCA. Paulo ata ang pangalan. Paulo Aguirre if I'm not mistaken." Pagchichika ni Josh habang kumakain ng fries.
"What? Seryoso?"
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Tumango silang lahat."But I heard-"
"Ang taenga kasi ginagamit sa pakikinig. Huwag puro bunganga." Pasaring ni Lovely sa akin.
Napapalatak na lang si Megan. "Kaya pala naka-all black attire. Luksa-luksahan ang gaga."
"Totoo?" Di makapaniwalang tanong ko. Duda pa rin sa mga sinasabi nila.
"Sus! Akala mo namatay na crush mo 'no? Kung umasta, "the widow" ang datingan."
"Hindi 'to panaginip?"
Napa-aray ako at napahawak sa pisngi ng sampalin ako ni Lovely. Hindi naman kalakasan. Just enough to make me come back to my senses."Gising ka na?"
Sinampal ko din siya nang mahina na ikinanguso pa niya."Gusto mo pa?" Tanong ko din. Natawa na lang sila sa kalokohan namin.
But wait!"Okay lang siya?"
"He's alive?"
"For real?"
Sunod-sunod kong tanong. I won't believe it not until I see him in flesh!"He's not dead." Umiling ang mga kasama ko.
"Speaking of. Ang pogi namang patay ng paparating." Inginuso ni Lovely 'yong direksyon ng pintuan. Tumunog ang wind chimes hudyat ng pagpasok ng customer sa cafe.
My heart leaped! And its beat became faster than normal.
It was him!Alive.
Saul Matthew Ramirez in flesh!
Siya lang naman nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko nang ganito. Bukod sa physical exercise. Unless spirit yan at napadaan lang sa cafe.
Oh my God! And before I could think about it. I did what my heart dictates me to.
Reasons must be adrenaline rush. Relief. Happiness. Joy. It flooded my heart. I ran to him and literally jump on him for a hug. At dahil sa kabiglaan, he lost his balance. Pareho kaming bumagsak. Dinig ko ang malakas na impact ng pagbagsak namin at ang pag-igik niya. At ang pagsinghap ng mga tao sa paligid namin.
BINABASA MO ANG
Getting Away with Gluttony
General FictionMETANOIA SERIES 1 [COMPLETED] "Biniro ko pa nga si Lord noon. Na kung hindi ka niya ibibigay sa akin, ako na lang ang ibigay niya sa iyo. Char!" -Shaza I am Shaza Khrizz Ventura, a clairvoyant and a glutton. But He showed me the way to get away with...