Kabanata 11

598 195 243
                                    

For the second time, he made me speechless!


"Uh. I think we need to go." Pag-iiba ko ng topic kasabay ng pagtayo ko. Nauna na din akong lumabas nang tawagin niya pa ang waiter para sa bill.


Kabado ako habang naghihintay sa tapat ng kotse niya. Si Nana Mercy yong nagtext kanina, tinatanong kong nasaan na ako. I just replied na ipasundo na ako kay Manong Tobby. I gave the restaurant's name and its address.



I think it's safe for him to go home. Wala na ang buwan sa kalangitan.  At matatagalan pa bago ang full moon ayon sa kalendaryo na chineck ko kanina.



I watched him walk with confidence.
He's really good-looking. There's this air around him na kahit seryoso siya, hindi siya intimidating. Kaya nga naipaglaban ko ang aking katwiran noong na-late ako sa klase.



Sayang naman kung mamamatay lang siya nang maaga, di ba? Maraming iiyak. Maraming mabro-broken heart.


So, I really have to help him. Pero hindi ko pa masabi sa kanya. I don't think he'll believe me. Baka sabihin niyang nababaliw ako. Sino ba naman ako?


Just a random chubby girl na medyo cute na bigla na lang humarang sa sasakyan niya at nagpalibre ng dinner.


"Let's go?" Yaya niya nang makalapit sa akin. "Sa'n ang bahay mo?"


Naalarma ako sa tanong niya.
"Bahay ko po? Naku! Di pa ako ready. Saka susunduin na ako ng driver namin. You can go."


He laughed as he stares at me.
"Ihahatid lang kita. Kung ano-anong iniisip mo. Hindi mo pa ako crush nang lagay na yan, ha."


"Hindi ikaw 'yon. Kahawig lang." I was referring to my cellphone's wallpaper. "Di talaga kita crush. Promise!" I little lie won't hurt.


"So, paano na lang 'pag crush mo na ako?"
Pinupush talaga niya iyon. Paano ko pa lulusutan?


"Kabahan ka na. Mapipikot ka."


Kalandian 101 mode on!
I think it's better to go with the flow. If he's making fun of me, I'll return the favor.


He grinned. "Nah. I don't think you can seduce me. Unless you drug me and-"


Luh! Mukha lang akong anak ni Sisa pero hindi ako drugista!


"Sus! No need to drug you po. Keribels, balikat ko pa lang." Iginalaw-galaw ko pa ang kanang balikat habang  nakatagilid. Kaunting landi won't hurt naman siguro no!



His gaze traced my neck down to my shoulders before smirking.
"I don't think so.  Di ako mahilig sa pork." Pigil ang ngiti sa mga labi niya.



"You prefer hipon kasi. Katawan lang. Tapon ulo." Sinabayan ko yon ng pagtawa.


"Judgemental." Sabi niya. He leaned against his car, his eyes never leaving mine.


Napangiti ako. "Ano bang standard mo? I mean, your type?"


"Girls with waistline just enough for my hands to hold?"


Aw. Wala na talaga. Pesteng bilbil oh! How to get rid of you ba?


"Taas naman. Di ko reach." Lungkot-lungkutan pa ang boses ko. Kahit sa totoo lang, nakakalungkot talaga. Ganoon siya kababaw? I am ready to think the worst of him when he spoke again.

Getting Away with GluttonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon