Napatingin ang mga kaibigan ko sa akin. Wala pa din 'yong mga hinihintay nila. Naka-on na din ang mga lamp post sa paligid at medyo maingay na dahil nag-uuwian na ang mga estudyante.
Ivana tapped me on the shoulder. "What's wrong, Sha?"
"You're sweaty. Kung si Ivana ka lang, I'd think, bold yang napanaginipan mo." Puna ni Dionne na nasa tabi ko. Ipinunas niya ang hawak na panyo sa noo ko habang tatawa-tawa pa.
They looked worried.
Inabutan ako ni Jem ng bottled water.
Nanginginig yong kamay kong tinanggap 'yon bago binuksan at uminom.Hinintay nila akong kumalma. They knew me well. I started having these weird dreams when I was 6 years old.
"An accident is about to happen." Mahinang bulong ko.
Hindi ko namalayang nalamukos na ang hawak na mineral bottle sa sobrang kaba.
"Kanino?" Tanong nilang lahat. They knew I only have these dreams about those I am close with.
"Am I going to die?"
"Should I draft my last will?"
"Shit. Gusto ko pang mag-asawa!"
"Luh! Paano na yong jowa ko, pag nawala ako. Ingatan niyo yon!" Pagdadrama ni Dionne. Binatukan tuloy siya ni Ivana.
"Wala kang jowa, girl! Ex meron."
"Okay lang kahit ako na mamatay, wag lang masugatan mukha ko. Siyempre, I wanna die beautiful pa din." Pag-iinarte naman ni Cleofe.
Tinignan ko ang mga kaibigan ko. One by one. Kita ko ang paglunok ng bawat isa sa tuwing napapahinto ang tingin ko sa kanila.
"Ugh. Mamamatay ba akong virgin? Nasa'n ang hustisya?"
"Don't worry, di niyo pa oras." Pagpapagaan ko ng atmosphere.
"It's a man in a black suit. Likod lang nakita ko."
"Man in a black suit..." Bulong ni Jem na tila nag-iisip. Well, she thinks most of the time among the three.
"He's going to die." Sadness and fear crept in me. Sometimes, this ability feels like a curse. I can see horrible things.
A mess.
Bloody scenarios.
Not a good sight for my poor mind.
I maybe blessed to see what's in the future. But I'd rather not accept this. Hindi siya nakakatuwa at nakatutulong sa metabolism ko.This is not a disorder. Yan ang malinaw na sinabi ng pychologist ko when my parents had me checked. But, to put his words simple, it's a gift. A gift from a supernatural being - God.
"Whew! We are safe!" Dionne exclaimed.
"This mystery guy must be someone dear to you," Ivana concluded.
"I guess so."
"Your cousins. Sa Canada. Call them."
"I don't think sa ibang bansa 'yon." Sabi ko. Nakakunot ang noo.
"How about some details?" Jem asked.
"Hindi ko namukhaan 'yong guy. May plate number 'yong kotse. It's-
Pumikit ako para alalahanin sa memorya ko yong likuran ng sasakyan.
"It's SMB 1044."
"Oh! Mayaman! Latest model ng Mercedes- Benz. Too bad. Mamamatay nang maaga." Comment ni Cleofe.
BINABASA MO ANG
Getting Away with Gluttony
General FictionMETANOIA SERIES 1 [COMPLETED] "Biniro ko pa nga si Lord noon. Na kung hindi ka niya ibibigay sa akin, ako na lang ang ibigay niya sa iyo. Char!" -Shaza I am Shaza Khrizz Ventura, a clairvoyant and a glutton. But He showed me the way to get away with...