Nagkuwentuhan kaming muli at nang mapagod ay inabala na ang mga sarili sa kanya-kanyang cellphone. Nasa gazebo kami that time with our fruit shakes and cake.
"Paki-explain nga po sa akin kung bakit kayo may mga ka-chat. Tapos, ako wala?" Reklamo ni Dionne na nakatingin sa akin.
"May asawa ako." Simpleng sagot ko sabay pakita sa profile ni Saul.
Tumingin naman siya kay Cleofe.
"Hindi ako naghahabol sa lalaking iba ang hinahabol."Napasimangot siya at bumaling kay Ivana.
"Hindi ko kasi ipinaglalaban yong taong una pa lang, sumuko na."And lastly, she faced Jem, "Dahil ang ex, ex na. Hanap ka na ng next." Napalabi si Dionne sa mga sinabi namin. Ewan ko ba dito. Hindi mabitawan ang kumag niyang ex. Kagandang dalaga. Katanga naman. Napailing ako.
"Kapag ako nakapag move-on sa ex ko, friendship over na." Pananakot niya na tinawanan lang namin.
"Para mo na ding sinabing pagtiisan ka namin forever."
"Pag ako-"
"Ma'am." tawag ni Yaya Sinang na pumutol sa sasabihin ni Dionne. "May naghahanap po kay Miss Dionne."
"Lalaki po?" Tanong agad ni Dionne na ikinalingon namin sa kanya.
"Asa..." We said in chorus.
"Babae po, Ma'am." sagot ni Yaya.
"Maganda, ate?" Tanong muli ni Dionne. Napakunot-noo na lang kami.
"Opo, Miss Dionne." Tinignan namin siya. Yong tinging nanghihingi ng paliwanag. Tinaasan lang niya kami ng kilay.
"Papasukin niyo ho, manang." Bilin ko. Tumango si Yaya Sinang at umalis na.
"Ang ja-judger niyo!" Reklamo ni Dionne nang makita kung paano namin siya tignan.
"Tomboy ka na?" Tanong ni Ivana.
"Matatanggap naman namin." Dagdag ni Jem.
"Basta, walang talo-talo." Paalala naman ni Cleofe.
"Ganda kayo?" Napipikong banat ni Dionne sa amin.
Nang bumalik si Yaya Sinang, kasama niya ang isang simple ngunit magandang babae na nakasuot ng faded jeans at black na t-shirt. Her face void of make up. Her hair in a messy bun.
She looks familiar. Inalala ko pa kung saan ko siya unang nakita. And a memory flashed through my mind in an instant. "It's you, the future educator!"
Nagpaalam na si Yaya Sinang at ang babaeng bagong dating ay pinaupo namin sa tabi ni Dionne.
She's unsmiling, serious, and a bit silent.
"Magkakilala kayo?" Tanong nilang lahat sa akin? So, I told them about that incident at the gym noong nagkaroon ng kaunting event para kay Professor Aguirre.
"What's your name?"
"Who are you?"
"What are you doing here?"
"Why are you looking for me?"
Sabay-sabay kaming nagtanong sa kanya. Mas lalo siyang nagmukhang masungit nang mapakunot siya ng noo. There's something in her that we share in common. I know, she's one of us! She didn't answer any one of us except Dionne.
BINABASA MO ANG
Getting Away with Gluttony
Fiction généraleMETANOIA SERIES 1 [COMPLETED] "Biniro ko pa nga si Lord noon. Na kung hindi ka niya ibibigay sa akin, ako na lang ang ibigay niya sa iyo. Char!" -Shaza I am Shaza Khrizz Ventura, a clairvoyant and a glutton. But He showed me the way to get away with...