Kabanata 6

599 205 221
                                    

"Uhm...well, I know I am late, but that doesn't mean, I will always be late forever, Sir. I already apologized." Confident kong saad.


Di naman ako natatakot sa kanya. Actually, nathri-thrill akong kausapin siya. Alam mo yon? Tipong pangarap ko lang, ngayon kausap ko na. Tapos, ano? Mamaya abot-kamay ko na.


Magkaka-spice na yata ang lovelife ko.
"May second chances naman po." Pagrarason ko nang mahimasmasan mula sa mabakong takbo ng utak ko.


"Not everyone is willing to give a second chance. In the world of business-"


Hindi ko siya pinatapos sa sinasabi niya. I like him but it doesn't mean, sasang-ayon ako sa lahat ng sasabihin niya.


"I know po na daig ng maagap ang taong masikap as Francisco Balagtas Baltazar qouted, but pardon me, Sir, kung time is gold ganoon din naman na health is wealth."


Kumunot ang noo niya but he didn't say anything. Kaya nagpatuloy ako.
"How can I study well if I am unwell?"


"I mean kung kumukulo 'yong tyan ko, right? I am late dahil nagbreakfast pa ako. No student can ever digest a lesson with a growling stomach." A smiled a bit. Pa-cute nang kaunti, gano'n.


"Paano po ako makikipag-negotiate or transact kung nagkasakit or worst nagka-ulcer na ako?" Dagdag ko pa.


"Then, I advice you to change course, Miss-"


"Shaza Khrizz Ventura po" putol ko sa sasabihin niya, at your service. Kulang na lang may pa-bow effect pa ako.


Take note of my name, huh.
He didn't seem to care about my beautiful name.


"No investors or clients will negotiate with you and even wait for you until you finish your meal. You don't have a business mind in you." Lecture nito.


Napaisip ako sa sinabi niya.
Kaya ba ganoon ang parents ko? They do not have the time to wait for me para makasabay sa hapag or even go out with me para makapagbonding. Not even in attending our Parents-Teachers Conference sa school kahit minsan lang kasi business-minded sila?


Mas mahalaga ba talagang kumita ng pera kaysa makasama ang pamilya?
I sighed.


But I dismissed that thought bago pa magkaroon ng mini-debate ang mga brain cells ko.

Nakakagutom...
Baka makain ko siya. Char!

Hindi ako pwedeng mag-space out, lalo na at nakatingin siya sa akin na tila sinusuri ang kabuuan ng pagkatao ko. Omo! I breathed in. Huwag naman sana niyang mapansin ang naghuhumiyaw na bilbil na nagpupumilit na kumawala sa butones ng jeans ko.

"I get it, Sir. So, maybe I'll just become a businessman's wife? Para may magprepare ng pagkain niya at magremind na kumain siya." I said. Hindi para pilosopohin siya kundi para tapusin na 'yong usapan. Hirap na akong huminga. Ang hirap pala mag-breast out at stomach in. Lalo na kung kahit anong tago mo, nahahalata pa din.

At saka upong-upo na ako eh. Kaunti na lang ay aaray na yong bilbil ko. Without sarcasm, of course. I hope di niya masamain.


Isa pa, wala na akong maisagot. Di ko naman akalain na mag-aaway kami sa first meeting namin. Parang gusto ko na siyang i-break talaga. Chos!


Nasapo ko bigla ang noo. I just realized paano kung bigla niya akong ipatapon o patalsikin sa school na 'to?


Me and my big mouth!
Sabi na eh, sa kainan lang 'to matino at may pakinabang.


Getting Away with GluttonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon