"Bakit ako? Anong kinalaman ko diyan?" takang tanong ko. Ang labo talaga niyang kausap kahit kailan. Hindi na kami sumasayaw. We're just literally standing at the center.
Doing some staring contest. Ang unang magbababa ng tingin, talo. Talo kasi may hidden feelings pa. His eyes softened. Tama ba ang nababasa ko sa mga matang iyon, pangungulila? Did he miss me?
"You're making it beat like this. Kapag ganito ka kalapit." Kinuha pa niya ang aking kanang kamay at itinapat sa kanyang dibdib. I can feel his heart pounding. Just like mine. So, does that mean it's mutual this time?
Luh. Hindi ko kinaya. Ako ang unang nagbaba ng tingin. Ka-level lang ng mukha ko ang balikat niya. Mas mabuti pang doon na lang ako tumingin. He's wearing a navy blue button-down long sleeves. Just like the first time we encountered each other, face to face, in one of my classes.
Sabi sa Bible, resist the devil and it will flee away. Sana nga lumipad na paalis 'tong si Saul. At tangayin ako. Este lisanin ako. Isa siyang malaking temptasyon. Napailing ako. Baka mamaya, magkasala na naman ako. Huwag naman sana.
"Hindi ko naman hawak ang puso mo." I reason out, pouting my lips.
"You took it away that night. Ibalik mo." Bintang niya na parang batang nag-iinarte.
He drew a deep breath.Puso niya? Nasa akin? Nagjojoke ba siya?
Anong ibabalik ko? Eh puso ko nga hindi ko din alam kung nasaan na. Nahulog na noon pa. Matagal na. Baka nga nasa kanya pa. Siya dapat ang magsauli."You said you've been seeing visions of me, dying and lifeless." He whispered in agony. Almost breathing raggedly. Mas inilapit pa niya ako sa kanya, invading my personal space.
Nakatuko na ang mga braso ko sa kanyang dibdib, nakakuyom ang mga palad.
His lips almost touching my ears. Dama ko ang mainit na haplos ng hininga niya na tumatama sa pisngi ko.Shocks!
I swallowed hard. Bakit ang lungkot-lungkot ng boses niya? At bakit ang init-init na?"Have you seen me too in your vision, waiting and stopping myself to see you?"
Uminit ang sulok ng aking mga mata. I remained silent and almost not breathing.
Hindi pa rin ako umimik kaya nagpatuloy lang siya."Have you seen me as well, missing you every day and hoping to be with you someday?"
Umiling ako. For the past months, aaminin ko, sumisingit siya sa isipan ko. Minsan, namimiss ko siya. Pero sinisikil ko ang mga damdaming iyon kasi alam kong wala itong patutunguhan.
"I...I want to go home."
I said in a croaked small voice. My eyes and the tears which is about to fall will give away my real feelings for him. Unti-unting bumibigat ang paghinga ko. Naninikip ang dibdib ko.Tila napipilitan siyang lumayo sa akin at tumitig bago bumuntong-hininga.
"Ihahatid kita." Pagmamagandang-loob niya na mabilis kong tinanggihan."Hindi na."
Maaga pa pero ang totoo, gusto ko lang umiwas. But before I could walk away again, nahawakan na niya ang kamay ko at siya na mismo ang humila sa akin palabas ng function hall. Dumiretso kami sa parking lot for his car. Napansin kong iba na naman ang gamit niya. Isang kulay gray na Ford. Buwan-buwan ba siyang nagpapalit ng kotse?
"Ayoko nga." Kinalas ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Bumitaw din siya kinalaunan.
"Pwede bang makinig ka sa akin? Do not complicate things-" He cut me from talking when he quickly cover my mouth with his lips. It stays for about 10 seconds. Nabilang ko sa kabila ng pagkabigla. Napakurap- kurap ako nang inilayo na niya ang mukha sa akin. Did he just steal a kiss from me? Namula ang mukha ko.
"Ninakawan mo ako ng halik?!" I exclaimed with my late reaction. Hindi naman sa nagustuhan ko, pero kasi...
Alam niyo yon?
Ugh!"Ayaw mo? Ibalik mo." Nakataas-kilay niyang sagot.
Sinimangutan ko siya.
"Uwi na ako." Akma akong aalis nang pigilan niya ulit ako. "What? Ang kulit mo!" Hindi niya pinansin ang pagsusungit ko dahil bigla na lang niya akong niyakap nang mahigpit palapit sa kanya. He embraced me as if it has been years of longing.
Ilang beses niya ba akong bibiglain ngayong gabi? Nagpakita siya nang walang pasabi, nagtext with unknown number, isinayaw niya ako, hinalikan at pagkatapos niyakap. Ire-ready ko na ba ang sarili ko? Kasi baka mamaya, kidnapin na niya ako at pakasalan bigla. Magugulat na lang ako.
"I missed you. I thought I wasn't able to hug you ever again." Anas niya sa emosyonal na tinig. Gusto kong yakapin din siya pabalik. Gusto kong sabihing na-miss ko din siya. So, what's stopping me?
The ghosts from the past still hunts me. Limang buwang naging tahimik ang isip at buhay ko. Sa pagbabalik niya, bumalik din ang takot at mga alalahanin ko. Paano kung isang araw, makita ko na naman siyang mamamatay? Tapos, may madadamay na naman. Paulit-ulit bang magiging ganoon?
I used my force to push him away. Pero hindi siya natinag.
"Don't do this, please." Nanghihina kong pakiusap, malapit nang maiyak."Can you trust me this time?"
I thought I'm over him. Pero masakit pa din pala. I never got the chance to cry over this issue. Pinilit kong maging okay. Pinaniwala ko ang sarili ko na ayos lang. Na okay na ako. Naniniwala ako sa kanya. But I don't trust what this world has for us. Kasi alam kong sooner or later, something will happen again. My instinct is telling me.
At ngayon, bumabalik 'yong sakit, 'yong pait. Gustong-gusto ko siya. Sobra. Pero ang unfair kasi hindi ko kayang maging selfish para makasama siya. I never gave myself the chance to think of the what if's about us. Kasi mas masakit sa akin 'yong uuwi akong gutom, gigising akong masakit ang katawan, at hindi makain yong cravings
Yong feeling na gusto kong kumain kasi ang lungkot at stressful ng work tapos wala pang inspirasyon pero hindi pwede kasi bawal. Mas masakit 'yon! Hindi ko inisip ang mga nasayang na panahon. Kasi ang mga panahong iyon ang ginamit ko to make myself better. And here I am now. With the best version of me.
Pinilit kong pigilan ang luha ko at ipinagtulakan ulit siya hanggang sa mapilitan siyang lumayo.
God! What am I going to do this time? Is this another heartbreak in the making? When I look at him, my heart softens.
He's crying! Iyakin ako pero mas naiiyak ako kapag may nakikitang umiiyak sa harap ko!
♥
BINABASA MO ANG
Getting Away with Gluttony
Ficción GeneralMETANOIA SERIES 1 [COMPLETED] "Biniro ko pa nga si Lord noon. Na kung hindi ka niya ibibigay sa akin, ako na lang ang ibigay niya sa iyo. Char!" -Shaza I am Shaza Khrizz Ventura, a clairvoyant and a glutton. But He showed me the way to get away with...