I tugged his arm, slightly pulling him to walk. Gusto ko munang maglakad- lakad sa dalampasigan, stargazing, at makipag late night talk habang may bonfire.
Grabe. Naaamoy ko yong sabon na ginamit niya, ang bango talaga. Gusto ko yong amoy. Mild lang. Nakakarelax.
Sinisinghot-singhot ko tuloy na napuna niya kaya tinablan ako ng hiya. We walked side by side, enjoying the waves and the soft breeze. Medyo malayo na kami sa ingay kaya mas nadepina ang katahimikan ng lugar.
Only a few lamplights are on in a distant. Ang tanging nagbibigay-liwanag sa madilim na kalangitan ay ang mga kumikislap na mga bituin. Dinig na dinig ang tunog ng paghampas ng maliliit na alon sa pampang.
"Never imagined I'll be spending a weekend with you." Pambabasag niya sa katahimikan.
We stop near a coconut tree. May wooden bench doon na sakto para sa dalawang tao. He released my hand as we sat.
"Any regrets?" I looked at him, lifting my eyebrow.
"So far, wala pa. You're a good company."
"Ang kuripot mo namang magcompliment. I'm the best."
"Yeah." He agreed while smiling. Mukha namang hindi siya napilitan lang. Natahimik kaming pareho sa mga sumunod na minuto. Kumukuha pa ako ng buwelo para sabihin sa kanya.
Hindi ako magtatapat. Relax. Tungkol sa vision na nakita ko ang sasabihin ko. I slightly faced him. Napakagandang pagmasdan ng side view niya. Ang tangos ng bridge ng ilong.
"Don't stare at me like I'll suddenly disappear." Bumaling ang mukha niya sa akin. There's that smug look and his smirk.
Sarap sa eyes naman nito. Mas maganda pa sa view sa harapan namin. Feeling ko nga 'di ako magsasawang titigan siya. Kung course ito, magma-master's degree na ako.
"Paano kung...
Kung one of these days mawala ka?" I finally find my voice to speak what's been bugging me.
"Mawala? You mean aalis?" Nakakunot-noong tanong niya na tila napapaisip. "Babalik ako."
Sumandal siya sa likod ng upuan.
"Mawala. As in mamatay." Bumagal ang pagbigkas ko sa huling salita.
"I'm going to die anytime soon". He concluded. Medyo napaangat ang likod niya at inilapit ang katawan sa akin. "Did you see me in your vision again?"
BINABASA MO ANG
Getting Away with Gluttony
General FictionMETANOIA SERIES 1 [COMPLETED] "Biniro ko pa nga si Lord noon. Na kung hindi ka niya ibibigay sa akin, ako na lang ang ibigay niya sa iyo. Char!" -Shaza I am Shaza Khrizz Ventura, a clairvoyant and a glutton. But He showed me the way to get away with...