Napangiti ako nang malawak nang igala ko ang paningin sa kabuuan ng function hall kung saan ginaganap ang aming graduation ball.
After 4 years of struggles in studying, graduate na ko. I am sitting at our department's corner while busy watching my block mates na nagkakasiyahan sa gitna ng dance floor with a dim light.
Magaling ang DJ na nakuha ng mga organizers. Sinasabayan ko ang beat ng music with my head, slightly swaying it when an acquaintance approached me.
"Hi." Ramon greeted me. He's a friend from my circle of friends na mukhang nagpapalipad-hangin kanina pa. Napalinga ako sa paligid. Muli kong pinasadahan ng tingin si Ramon na nasa harapan ko na ngayon. I greeted back and smiled. Utos ng kagandahang-asal.
"Ayaw mong sumayaw?" He took the empty sit beside me. Lumapit pa siya sa akin para masigurong maririnig ko ang sinasabi niya. Medyo maingay kasi ang paligid.
"Nope." Simpleng tugon ko.
Well, he's not that bad. Sabi nga ng mga friends ko, gwapo si Ramon. He's actually one of the hottest guy in BCA. Hottest, I agree. Pero was ko bet.
Because I don't find him hot. Mas hot pa yong waiter don sa bagong tayong Korean-grilled restaurant. Or maybe I am not aware. I like him as a person but I don't like him in a romantic kind.
If there's one thing I've learned in life, men go crazy over a sexy body. Pero kung mataba ka, hindi ka nila pagtutuunan ng pansin. That makes them a pityful ceature. Mababaw. Hindi ko nilalahat pero karamihan. Isa sa kanila si Ramon. He never looked at me back then with my bulging belly and fats.
And now, that the piggy has transformed into a beautiful swan, lalapit-lapit siya? Manigas siya.
"Can we go out sometime?"
Di ko mabilang kung pang-ilang yaya na niya iyon."Still, the answer is no. Sorry." I turn him down, politely.
I excuse myself from him and got myself busy picking for food sa buffet table. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi niya ako sinundan. Hindi naman ako nagkaroon ng phobia sa mga pagkain. Gaya ng iba na pumayat lang, halos ayaw ng kumain.
Grabe! Daming pagkain. Sarap sa eyes. It's okay to eat. Provided naman talaga ang pagkain to survive. Eating is good. But too much eating makes it bad.
I learned my lesson well. I can eat anything now but in moderation. Bawal ang sobra. And of course, never forget the daily excercise. Tamang self-discipline lang.
I put some food on my plate. Kaunting amount lang sa iba-ibang klase ng food. No rice. I choose pineapple juice for my drinks. Naglalaway na ako pagkabalik sa mesa. Umupo ako at maganang kumain habang pinapanood ang mga ka-block kong patuloy pa ring nagkakatuwaan sa dance floor kasama ang taga-ibang course.
Panay lang ang subo ko not minding the people around me. After eating, I went to the comfort room for re-touch. Bumalik din ako sa upuan ko makalipas ang ilang minuto. My friends are already at our table, enjoying their cocktail drinks while chatting.
"Oh, here comes our star of the night." Lovely announced, making them turn their heads on me.
Sinakyan ko ang trip nila. I flipped my hair with exaggeration. Tumama tuloy ang dulo ng ilang hibla no'n sa mukha ni Dionne na naroon na pala at akmang lalapit sana sa akin.
"Mukha kang masarap 'te, pero yang buhok mo, mukha ding masarap." Komento niya.
"Masarap sunugin." Dagdag niya. Sinamaan pa niya ako ng tingin. I just chuckled and hug her. Galing pa siya sa kabilang corner, sa department nila. Graduate na din kagaya ko. Sana grumaduate na din siya sa pgtitiktok, ano?
"Ako lang 'to. Si Shaza na kaibigan niyo." Pa-humble kong saad sa kanila.
"Ipasa ang korona." Utos ni Josh na kinuha ang invisible crown mula kay Megan at ipinatong sa ulo ko. Pagkatapos ay yumukod akong parang prinsesa sa harap nila para makompleto ang drama.
Oh, yeah. Naging instant head turner na pala ako since the day I sported my new look, hair and wardrobe. Ang dami ko ng fans at admirers. Pero mas madaming followers si Dionne. Curious nga ako kung magkano kinikita niya bilang vlogger slash youtuber.
Blame it to my Mom who made me stay at a beauty parlor yesterday para paghandaan ang graduation ko kaninang umaga. Hanggang baywang na ang haba ng buhok ko, makintab at madulas.
"Uy bakla, daming fafa kanina na nagtatanong ng name at number mo."
Glenda, on her black tube dress, informed me. Oh well. Ganyan talaga ang magaganda. Wala akong magagawa. Sadyang mapanghalina.
"Bakit daw?" I asked out of curiousity. Kahit hindi naman ako interesado. May kanya-kanyang topic na pinag-uusapan ang karamihan sa mga blockmates namin.
"Ano pa nga ba? They want you to be their bebe." Siniko ko si Lovely na nasa tabi ko. Nilagyan pa niya ng accent yong tono niya. Ala-Russian na maarte. Humagikhik lang siya.
I mimicked her. "I don't want to ve der bebe. I am not bebe."
"Co'z yo o'ready hab a bebe." Dugtong niya. Tawang tawa tuloy kami. Open book para sa kanila ang tungkol sa pagkakaroon ko ng crush sa school administrator ng BCA. Noon.
Pero matagal na 'yon. Baka nga di ko na crush. The last time we see each other was when his Mom invited me for a dinner at their house. That dinner na hindi natuloy. And that was what? Five months ago. Tapos, wala na. We don't talk anymore after that night.
Wala na akong balita sa kanya. Or rather sinadya kong hindi makibalita sa kanya. Basta, di na kami nag-usap since then. Di ko din siya nakita sa huling semester ko. Feeling ko umiwas na din nang kusa. Out of the country daw. Wala din siya kanina sa graduation rites but his parents were both present.
Anong klaseng school admin siya? Hindi naman sa gusto ko siyang makita, pero alam niyo iyon? Gusto kong nandoon man lang sana siya.
Two guys approached us for a dance but I politely refused. Yong lalaking mas matangkad ay naupo sa tabi ko nang sumama si Lovely sa lalaking kasama nito. Si Dionne naman ay nagpaalam na pupuntahan si Ivana at Cleofe.
Maharot talaga 'yon. Landi over friends ang motto. Nakipagkilala ang lalaking nasa tabi ko. Marion or Marlon yata ang pangalan. Hindi ako sure. Nagkukuwento siya ng kung ano-ano kahit di ko naman tinatanong. Share niya lang. Mabuti na lang ay nakakatawa siya kaya natatawa na din ako.
My phone beeped so I excused myself and swiped my screen to read the message.
It's from an unknown number.
"Got yourself a new crush?"
♥
BINABASA MO ANG
Getting Away with Gluttony
General FictionMETANOIA SERIES 1 [COMPLETED] "Biniro ko pa nga si Lord noon. Na kung hindi ka niya ibibigay sa akin, ako na lang ang ibigay niya sa iyo. Char!" -Shaza I am Shaza Khrizz Ventura, a clairvoyant and a glutton. But He showed me the way to get away with...