I needed more time bago ko siya hayaang umuwi. Kaya kailangan ko siyang yayaing kumain. As long as kita ko pa ang buwan sa kalangitan, I will make him busy.
"Sure. Kakagutom maharangan ng isang dambuhala sa daan at magbuhat ng mabigat." Tatawa-tawa niyang pasaring sa akin. Nagulat ako sa pagpayag niya pero agad ding nakabawi.
Tinampal ko yong braso niya.
Wow. Close na kami. May patampal-tampal na ng braso.
And wait- pumayag siya? Magde-date kami?!
I mean, magdi-dinner kami? Ito na ba ang katuparan ng mga pangarap ko?
"Ang sama mo!" Dapat magtatampo ako dahil sa sinabi niya. Kaso, enebeyen! Kinikilig ako.
"Sa'n mo gustong kumain?" Tanong niya nang malapit na kami sa mga nakahilerang restaurant at fast food.
"Kahit sa'n." Basta kasama ka siyempre.
"Ano bang gusto mong kainin?"
"Kahit ano."
Inihinto niya ang sasakyan sa parking lot ng isang restaurant. Sinulyapan niya ako na kunot ang noo.
"What kind of food is that "kahit ano"?"
"Anything. Di naman ako choosy." Nginitian ko siya. I made sure that's my most captivating smile!
Na parang di naman tumalab sa kanya. Nakuha pa niyang mambully.
"Pigrolac or Mama pro?"Hala siya! Paano niya nalaman!? Binigyan ko siya ng aking deadliest glare.
"Mama pro, para dami biik, lakas gatas." Panggagaya ko sa commercial na may kasama pang tono.
"Fattening or finisher." He seems like enjoying the conversation. His eyes were full of amusement. Natutuwa siyang asarin ako.
I crossed my arms in front of my chest. Sumimagot ako.
"Sakal o dagan."He relaxes his back on his chair bago pinagkrus din ang mga braso at tumingin sa akin.
"Sakal."
"Kamay o tali?"
Ano to? Fast talk?
"Kamay na lang." He chuckled sexily.
Luh! Kailan pa naging sexy ang pagtawa?
May topak din pala to eh. Akala ko matino.
Isa siyang malaking scam."Alam mo, parang ang sarap mong mahalin. Pero feeling ko mas masarap kang sakalin."
I was gritting my teeth while showing my hands planning to choke him.He laughed heartily. "I'm telling you, mas masarap akong kainin."
Ahy, bastos. Rawr!
Rated SPG pa ang nais!
Inosente pa po ako.Nawala yong ngiti ko at nag-init ang buong mukha ko.
And before he could figure it out, lumabas na ako sa sasakyan at tinungo na ang pintuan ng restaurant, Margie's kitchenette. Pagkaupo namin, lumapit agad ang isang waiter."I'll have garlic buttered shrimp-"
"Mahilig ka sa seafood?" Tanong ko nang mapansing more on seafood ang inorder niya.
BINABASA MO ANG
Getting Away with Gluttony
General FictionMETANOIA SERIES 1 [COMPLETED] "Biniro ko pa nga si Lord noon. Na kung hindi ka niya ibibigay sa akin, ako na lang ang ibigay niya sa iyo. Char!" -Shaza I am Shaza Khrizz Ventura, a clairvoyant and a glutton. But He showed me the way to get away with...