Kabanata 26

544 191 144
                                    

Nang kalmado na ako, sakto namang paparating na sila.
Si Cleofe ay tila diyosa talaga kung maglakad. Chin up. Breast out, stomach in. Butt out. Elegance above elegance.


Si Ivana naman mukhang naiinis sa pang-aasar ni Jem. May pinapakita si Jem sa phone na hawak niya kay Ivana na iniiwasan namang makita nito. Must be about her mystery gu na hanggang ngayon ay dine-deny pa din at ayaw ipakilala sa amin. Choice naman niya iyon.


"Oh, umiyak na naman 'yan?" Tanong ni Ivana kay Dionne bago sa akin tumingin. Para sa kanya, I'm such a wishy-washy lady.


"Kala ko ba fake news, bakit di pa makaget-over?" Dagdag niya.


"Eh, mamamatay daw ulit." Paliwanag ni Dionne na binibigyan ng warning look si Ivana. Umiling lang siya.


"Ba't di matapos-tapos mamatay? Ilang buhay ba meron 'yon?" Takang-tanong nito.


"Nagpakita nga ulit sa vision niya. Nasa ospital naghihingalo, tapos nadedo." Tila nagpapasensyang paliwanag muli ni Dionne rito na parang bata ang kinakausap.


Malungkot niya akong inakbayan sa kabilang balikat. "Sa next lifetime mo na lang iyon landiin."


"Paano kung hayop na iyon sa susunod na buhay?" Nag-aalalang tanong ni Jem.


"Eh di compatible na sila." Natatawang sambit niya na sinabayan naman ni Dionne. Binatukan tuloy sila ni Ivana.


"Tara, shot." Yaya naman nitong si Cleofe. Mukhang badtrip pero kalmado pa rin at hindi nawawala ang poise.


"Hindi lahat ng problema, dinadaan sa ma-boteng usapan." Paalala ni Jem sa aming lahat.


"Oh, eh di manlalaki naman tayo ngayon para maiba." Sabad ni Ivana na biglang nabuhayan ng dugo.


"B.I. Mamaya niyan magka-AIDS ka pa. Karma is real." Pagbabanta ni Jem sa kanya.


"Manlalalaki lang. Hindi mangre-rape!"


"Ang usapan, overnight. Hindi inom, at lalong hindi hook up." Paalala ni Dionne sa kanila na kung di pa aawatin, di pa sila titigil.


"Okay. Let's go. Nandiyan na ang Limo." Nauna na si Cleofe sa paglalakad habang hawak ang cellphone sa kabilang kamay. Sumunod kami at maya-maya pa ay tanaw na namin ang pagparada ng puting limousine sa parking lot.


Three hours later, tapos na kaming magdinner. We decided to go upstairs to prepare for our late-night bonding. It's either we'll have a movie marathon, an all-out-online gaming escapade, or a pajamas tea party. Depende sa mood namin. 

Getting Away with GluttonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon