After the church service, we joined the lunch fellowship. Mukha namang nakuha agad ni Saul ang loob ng mga tao sa paligid niya. Walang bakas ng hiya. Mahusay siyang makisalamuha. Mukha ngang bestftriend na sila ni Tatay Xenon. Dahil pagkatapos ng kainan, nagkukuwentuhan pa din sila na para bang matagal na silang magkakilala. They seem to share the common interest.
O sadyang marami lang silang topic na pinag-uusapan. Knowing Tatay Xenon. Andiyan yong seryoso sila tapos mamaya dinig na ang mga halakhak nila. Alas-tres na ng hapon. On the other hand, I spend time with Emilia and the other girls. Isinalang ako sa hot seat as expected. Nagtanong ng kung ano-ano tungkol sa poging kasama ko.
I answered them honestly. Para kaming nasa history class dahil ang sinasabi ko ay bahagi na ng nakaraan. Kilig na kilig naman sila. They giggled and wiggled. Parang mga uod na binubudburan ng asin. Leah, backup singer in the music team, also joke around.
"Sa akin na lang, ate Sha. Kung ayaw mo na sa kanya." Malanding saad niya ngunit alam ko namang nagbibiro lang. She's only sixteen for Pete's sake!
Saka di ko naman pwedeng ipamigay si Saul. Oo nga, bagay siya. Bagay sa akin. I mean, bagay sa babaeng nakalaan sa kanya. Pero hindi siya gamit na pwedeng ipamigay. Nagpasya kaming umuwi around 4:00 PM. Nang nakasakay na kami ni Saul sa kotse at pauwi na, we knew something changed.
Lalo na nang maalala ko ang bilin ni Tatay Xenon bago kami umalis. Grabe pa naman iyon kapag nagbigay ng advice."God has heard of your prayers, 'nak. Maybe it's about time to give him his chance. He's a good man."
Parang nawala na yong awkwardness sa loob ng sasakyan niya. Ang gaan na din ng loob ko kahit kasama ko siya. Iba talaga kapag lahat idinaan sa panalangin. Sabagay ang sabi naman sa book of James chapter 5 verse 16, the prayer of a righteous person is powerful and effective.
Naiisip ko pa din naman kung ano ang maaaring mangyari bukas o sa makalawa pero mas namamayani sa akin 'yong faith na mayroon ako ngayon. Ipapaubaya ko na sa Kanya. Well, no one holds the future, except the Creator.
I'm at peace. I'm happy. With God in my life. With him by my side. Sumulyap ako sa kanya. I saw him seriously concentrating his sight ahead of the road.
"Sa'n tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko nang hindi ang daan pauwing bahay ang tinatalunton ng kotse niya.
"Sa bahay," simpleng tugon niya. "We'll continue where we left, five months ago."
My heart softens. He is referring to that dinner na hindi natuloy. Naalala"Hala. Nakakahiya sa parents mo."
"Wala sila. Out of town."
"So, tayong dalawa lang?"
Tumango lang siya. Di nakaligtas sa akin yong pagngiti niya kahit nakaside view lang kasi tutok yong mata niya sa harapan.
"Anong binabalak mo?"
Napangiwi ako. Instead of sounding paranoid and worried, why do I sound a little bit hype and excited? Mali. Haynaku..."Naipagpaalam ko na sa parents mo."
Marahas na napabaling ang ulo ko sa kanya.
What! Naipagpaalam ang alin?"Nakausap mo sila?"
"Yup. Pati si Nana Mercy."
Wow, lang ha!
"Baka balak mo ding magpaalam sa akin. Tutal, katawan ko naman ito?" I reminded him, sarcastically.
BINABASA MO ANG
Getting Away with Gluttony
General FictionMETANOIA SERIES 1 [COMPLETED] "Biniro ko pa nga si Lord noon. Na kung hindi ka niya ibibigay sa akin, ako na lang ang ibigay niya sa iyo. Char!" -Shaza I am Shaza Khrizz Ventura, a clairvoyant and a glutton. But He showed me the way to get away with...