Kabanata 15

584 191 235
                                    

I've waited for 5 hours bago siya natapos. 5 HOURS! Wala pang kami. Paano pag kami na, eh di I'd wait forever na?


I am not the very patient kind. Pero wala naman akong magawa dahil gusto kong masigurong ligtas siyang makakauwi ngayong gabi.


Mabuti na lang dahil nalibang ko ang sarili ko sa pagbabasa ng wattpad. Yong stories ni Atty. Kalix at Luna sa The Rain in España ng University Series. Highly recommended!


Ang sarap pa lang mainlab.
KUNG MUTUAL. Saka kung kayo, kayo talaga. Kagaya nong dalawang bida, after 10 years! Wow! Sila pa din nagkatuluyan.


Na-inspire tuloy ako! Hintayin ko din kaya tong si Saul ng 10 years? Natawa ako sa naisip.


Ano ba naman ang 5 hours sa 10 years di ba? Basic!
Kahit magdamag na kami dito. Okay lang talaga!


Kaya heto, namumungay na yong mga mata ko nang matapos na akong magbasa. I diverted my gaze in his direction when I heard him stand up and took his phone for a call.


"Yeah. I'm done with work."
He answered while unbuttoning the first 2 buttons of his long sleeves.


"I can't make it tonight. Some other time, maybe." He bids goodbye to the other person in the line before slipping his phone on his pocket. 


Napatingin siya sa akin. Medyo gulat. He must have forgotten about my existence.
Grabe! Ang workaholic niya. Dapat mag-enjoy na lang siya, life is short. As for him, life is shorter. Pwedeng ilang araw o buwan na lang ang ilalagi niya sa mundo.


Sabagay, kaya nga ako nandito to make sure that he will live longer.
I am here to delay the inevitable. But I know I can never control life and death.
Maaaring isa akong diyosang nagkatawang tao at nakulong sa mga bilbil na ito pero hindi ako Diyos.


He was taken aback. Nakatagilid kasi ako paharap sa direksiyon niya habang nakahiga at ang ulo'y nakapatong sa isa kong kamay na nakatungkod ang siko.


Feeling model ang datingan, nag-eenjoy sa panonood sa kanya habang may kausap sa cellphone kanina. Bigla akong tumayo nang matauhan.


I cleared my throat. "Aalis na tayo?"


"Ikaw, kung gusto mong maiwan." Kinuha niya ang suit na nakasabit sa likod ng swivel chair. At naglakad palapit sa akin.


Apakasungit naman at apakaguwapong nilalang. Ba't di siya mukhang haggard from work?
Kinuha ko ang sling bag ko at isinuot sa sarili. Nakalapit na siya sa akin at titig na titig.


"We still have to talk, remember?"


Tumango siya.
"Fix yourself. Ang sakit mo sa mata."

Aray. Namumuro na siya ha. Malapit nang bumingo.
Porket masarap siya sa eyes, lalait-lait na?


I saw how disheveled my hair was. Pati blouse ko gusot. Bumukas din ang dalawang butones sa tapat ng tiyan ko. Nadagdagan na naman siguro ng isang inch ang baywang ko. From 34 to 35.


I was buttoning my blouse when the door of his office opened. Niluwa nito ang isang ginang na naka dress ng kulay maroon. Still beautiful in her early fifties, I guess.


Getting Away with GluttonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon