Kabanata 47

513 187 30
                                    

I heard Nana's voice na tila ginigising ako. Pero dahil inaantok pa ako, I just groaned to dismiss her. Gusto ko pang matulog. Hindi ko alam kong anong oras na akong nakatulog kagabi. Or was it dawn? Tinatamad akong bumangon. Pakiramdam ko masakit ang balakang ko, likod at maging ang boobs ko.


Pati pala puson ko ay nananakit nang gumalaw ako para mas lalong sumiksik at ibalot ang sarili sa duvet.


"Wake up, sunshine." A husky voice softly whispered near my ear. Parang nakikiliti tuloy ako.


Wait! Sunshine? Isang tao lang ang tumatawag  sa akin ng ganoon! Anong ginagawa- Bigla akong napabalikwas ng bangon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Saul sa tabi ko na halos nakahiga na din!


He's smiling widely like he has seen a gorgeous goddess who just woke up in the morning. I'm still a bit disoriented and confused.  Binabalikan sa alaala ang mga pangyayari sa nagdaang gabi. Sigurado akong hindi ako lasing kagabi.


We we're dancing. Tapos, hinalikan niya ako. Niyakap. Tapos, hinatid niya ako. Then...


"Answer me. Anong nakita mo?"
Tanong ko nang hindi pa bumababa sa sasakyan.


He looked at me straight in the eyes.
"I always see you in my dreams.
I always see you, waking me up and urging me to fight while I'm struggling to live."


"Get changed. I'll wait for you outside." Utos niya nang nakalapit na siya sa akin. Ilang talampakan lang ang layo niya mula sa akin.


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Ang naaalala ko, nang malaman kong mali ang hinala ko, bumaba na ako sa kotse niya. At sinabihan siyang umuwi na. I never bother inviting him inside last night. Tapos, gigising ako na katabi ko na siya?


Magic? Galawang Hokage? I looked at him with judgment. He seems amused over something. He's wearing a simple maroon shirt and maong jeans. Para siyang hindi school admin sa get-up niya. He looks young and fresh. Bagong-ligo.


"Let's talk later. Palit ka muna." His eyes left my face and roamed at my body. Then, he looks away as if observing the whole interior of my room.


Damn!  I'm only wearing my nighties! Siyempre, bakat yong dalawang bundok! Tapos ang iksi pa. Hanggang kalahati lang ng hita ko! I remember Nana's voice na parang pinipilit akong gisingin kanina. Bakit siya pinapasok ni Nana dito sa kuwarto ko?


Napasigaw ako. At tinungo agad ang bathroom. I know medyo late reaction na. Out of frustration lang siguro. Kasi naman!


Buset! Dinig ko pa ang paghalakhak niya nang muntik pa akong masubsob sa pagkataranta sa pagtakbo. Mabuti at di ako tuluyang sumubsob sa sahig.


Nakakahiya!


Today is Sunday. And I already have prior plans. Siyempre, church at fellowhship. Excited naman ako. Pero mababa lang ang energy ko. I have my monthly period.


Kaya siguro masama ang timpla ng gising ko. Bukod pa sa unexpected na dalaw ko na naghihintay na sa kusina habang nagkakape.


Aba! Feel at home. Close na sila ni Nana. Yong totoo? Ako yata ang bisita dito, no? Pang-aasar ko sa sarili nang hindi man lang ako pansinin ni Nana Mercy dahil tawang-tawa sa  kung anuman ang pinagkukuwentuhan nila.


Getting Away with GluttonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon