Kabanata 46

520 189 16
                                    

Nagtatagis ang mga bagang niya. Tumingala siya, pinisil ng hintuturo at hinlalaki niya ang mga nakapikit na mata para supilin ang mga luha. Then, he slightly massaged the bridge of his nose.


"Anong iniiyak-iyak mo? Bakla ka ba?" Sa halip na makiiyak, mas pinili kong magtapang-tapangan. Alam ko namang hindi kabaklaan ang pag-iyak eh. If there's something I appreciate in a man, it is when he cries in front of the woman he loves.


Gustong-gusto ko ang mga ganitong scene sa mga movies. Parang ang romantic kasi. But I never wished to experience those scenes. If ever this happened in a different situation, my heart should have melted. I might have given in. Kung sakaling hindi ako ito at hindi siya iyan. But our life doesn't work that way.


"If that is meant to challenge me, I can always prove you wrong." He's now facing me.

"I have nothing to do with you. So, stop-"

"You can forget about your feelings for me. But don't make me stop feeling something for you." Punong-puno ng pagsusumamo ang tinig niya. I felt drained and exhausted. Kahit na anong sabihin at irason ko, hindi niya tinatanggap.


I tried calling Manong Tobby. Pero di pa nito nasasagot, namatay na ang cellphone ko.
Pati ba naman battery ko, drained na din! Ano na?

Nanatili siya sa tabi ko, hinihintay ang pagtanggap ko ng offer niyang ihatid ako.
Oh, God! Ano bang nangyayari? Nakatitig lang siya sa akin na para bang anumang oras maglalaho ako sa harap niya. I can see the pain and sadness in his eyes. Hindi ako sanay. I  always see him smiling, before.


Ugh! Fine!
If this is fate, telling me to just go with the flow, then so be it.

"Where are you going?" Tanong niya nang makitang nagsimula akong maglakad papunta sa kabilang bahagi ng kotse.

"Uwi na tayo." Nahahapong yaya ko sa kanya. Kita ko pa ang gulat sa mga mata niya. Ha! Akala ba niya siya lang ang marunong mambigla?


"Ayaw mo?" Tanong kong nakataas ang kilay nang hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Pinagalitan ko ang sarili ko sa pagsusungit. Pinaalalahanang lawakan ang pasensya ko sa kanya. Remember Christ when he showed his love for you, dying at the cross? Show that love to him, the othe part of my mind urge me. I sighed in defeat. Si Lord na ang bahala.


Biglang umaliwalas ang mukha niya nang mapagtantong hindi ako nagbibiro at mabilis na lumapit sa tabi ko. He opened the door for me and even put on my seatbelt. Ganoon siya ka-excited. Ang bilis nagbago ng aura at mood niya. Wow.


I suddenly remembered how he treated me noong ako ang nangungulit sa kanya.
He bought my acting skills and even brought me to the hospital. May pa-dinner pa!
Samantalang ngayon, ipinagtulakan ko lang siya buong gabi. Ni-reject ko na tapos pinaiyak pa!


Walang  utang-na-loob! Sita ko sa sarili ko.
Feeling ko, ang sama kong nilalang. 


Ayoko lang namang may mapahamak.
Lord, ikaw na talaga ang bahala. Pagod na akong mag-isip.


"You changed a lot. Halos di kita makilala."
Komento niya nang magsimula nang umandar ang kotse.

Getting Away with GluttonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon