Usapang future na!
Gaano karami kaya yong "kids" na tinutukoy niya?Napaisip tuloy ako bigla kung paano namin gagawin ang mga kids na iyon.
Napailing ako. Hala! Nagkakasala ako sa isip. Kakasimba ko lang. Lagot!"Ayoko ng office works, di ba? Ayoko ng maghapong uupo, magbabasa ng documents-
"So, anong balak mong gawin?"putol niya sa sinasabi ko.
"Tamang invest lang kapag pinalad. Kapag hindi, housewife mo na lang?" Pa-cute kong banat. Malay natin. But it was intended for a joke.
"Huwag kang magbiro ng ganyan kung di mo kayang totohanin." Banta niya sa pagbibiro ko. I know he's pointing out if I'm ready or not. Amp. Fine di na ako magbibiro.
"I want a wife who could at least cook for me when I'm too tired from work."
Nakatingin siya sa mga mata ko habang sinasabi iyon.Tagapagluto pala hanap niya, eh. Eh, di mag-hire siya ng chef! Duh! Ba't niya ako idinadamay sa mga plano niya? Di ko natagalan ang titig niya. Para kasing ang dinig ko sa sinabi niya "I want you to cook for me when I'm home and too tired from work".
Hindi ko naiwasang hindi balikan ang mga mata niya. Nagtitigan kami ng ilang sandali. Bago ako napatango, agreeing to what he wants. Ewan ko kung ano ang nangyari.
"Okay. Teachable naman ako. Willing to learn."Hayun. Namalayan ko na lang ang sarili ko na tinuturuan niyang maghanda para sa pagluluto. The first thing he taught me is to prepare for the ingredients, paghihiwa ng bawang at sibuyas. Siya na ang naghiwa sa chicken.
Mangiyak-ngiyak pa ako mula sa paghihiwa ng sibuyas. Napasinghot ako at ipinahid ang luhaang mata sa manggas ng shirt ko.
"So, anong lulutuin ko- Aw!" Naramdaman ko ang paghapdi ng dulo ng daliri ko. Lumabas doon ang pulang likido. I cut my finger. Great! Hinawakan ni Saul 'yong kamay ko at iniangat. He examined my wound at the tip of my finger.
"I'm having second thoughts kung tuturuan pa ba kita or-"
"Tsk. Malayo sa bituka." Sinubukan kong bawiin 'yong kamay ko pero hindi niya binitawan. His eyes became serious when he met my eyes. Don't tell me, balak niyang sipsipin yong dugo gaya ng napapanood ko sa mga movie? OMO!
Hinila niya ang kamay ko- I mean- ako, papunta sa lababo at hinugasan ang daliri kong dumudugo. Later on, tumigil din ang pagdugo nito.
Ilusyon pa more. Sita ko sa sarili.
"Ano bang lulutuin?" Tanong ko nang makabalik kami sa counter.
"Adobo. I like it hot and a bit salty."
Aw. I'm hot but definitely not salty.
"Yong parang walang sabaw?" Naalala niya ang adobo ni Nana Mercy na medyo salty at sweet pero hindi spicy. Paano ba? Oh, kay daling kumain pero ang hirap palang magluto!
Isinalang na niya ang palayok at inutusan akong maglagay ng kaunting mantika kasunod ng bawang at sibuyas. Ahy! Nabuhos! Napakagat-labi ako nang napadami ng nailagay na mantika. Hindi siya nagkomento bagkus ay binawasan niya iyon. Then, he urge me to put the garlic and onion.
"Ganito kadali? Basic." Pagyayabang ko habang hinahalo ang ginigisang bawang at sibuyas.
"Golden brown na? Isunod mo na tong karne." He offered me the bowl then came near me.
BINABASA MO ANG
Getting Away with Gluttony
قصص عامةMETANOIA SERIES 1 [COMPLETED] "Biniro ko pa nga si Lord noon. Na kung hindi ka niya ibibigay sa akin, ako na lang ang ibigay niya sa iyo. Char!" -Shaza I am Shaza Khrizz Ventura, a clairvoyant and a glutton. But He showed me the way to get away with...