Jaynee's POV
If I would describes myself right now, I know I look like a bull ready to attack whoever goes in my way. My eyebrows furrowed as I look at the the man in front of me who looks like a tame lamb. I can feel his uneasiness with the stares I gave him. Nang magtama ang mga mata namin ay bigla siyang napalunok.
"H-hi?" I slapped my forehead.
'Hi'? Tangina halos lumipad na kami ni Aiken kanina dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko ng sasakyan and then he will just 'hi'? Inis akong lumapit sa kanya at kita ko ang pag-atras niya na mukhang alam na ang gagawin ko.
"Ano ba kasing pumasok sa utak mo at pinatulan mo pa kasi?" Inis na sabi ko at pinaghahampas ko siya sa braso. I hit him afew times at siya naman ay puros salag.
"Aray naman! O-ouch ang sakit naman, pretty! Sorry na kasi--ouch shit!" He complained.
At what the fcvk?
"Minumura mo ba ako?" Tiim-baga kong tanong na nakapagpalaki ng mata niya.
I honestly want to laugh at him right this instant but I forced myself not to. He has to receive scolding first. Pinanlisikan ko siya ng mata na para bang pinapaamin ko siya sa kasalanan niya.
"Shit! Of course not!" Malakas niyang sigaw at napatakip pa ng bibig dahil narealized na siguro niya ang sinabi niya.
Mabilis naman na gumapang ang kamay ko sa tenga niya at piningot ito. Hindi ako galit dahil nagmura siya. Naiinis ako kasi ano ba kasi ang pumasok sa kokote niya at pinatulan ang gagong 'yon!
"Ouch! S-sorry na po! Hindi na mauulit." Nakanguso siyang humihingi ng sorry tsaka hinawakan ang tenga niyang namumula.
Kita mo na! Isip bata talaga ang lalaking ito!
Matapos makipagsuntukan kagabi at umastang maangas, ngayon naman parang batang nakanguso sa harapan ko! Hay juice ko po! What should I do to him?
Napapunta kasi kami dito agad ni Aiken ng wala sa oras ng malalaman ko na nakipag-basag ulo pala siya kagabi kay Mr. Stranger na 'yan. Ni wala pa nga akong ligo kasi natataranta ako sa sinabi ni tita Gertrude na basag na basag daw ang mukha ng anak niya at kailangan dalhin sa ospital pero ayaw 'daw' ni Steve kaya pinapunta ako ni tita. I was so worried pero pagdating ko dito sasabihin niya lang na.....
"Naku, Jaynee joke lang 'yon gusto ko lang makasama ang apo ko! Di naman masyadong malala!"
Naiinis ako dahil naisahan ako ni tita at siguro ay dahil na rin may mga pasa ang mukha ni Steve ngayon.
Arghhhh!! Konting pasa, sugat sa mukha at nagvi-violet na cheekbone lang pala? Seriously hindi pa pala malala iyon? Sayang naman ang handsome face niya.
"Huwag mo'kong ma-sorry-sorry diyan kasi di tayo bati!" Hay parang bata ko rin sabi tsaka nag-cross arms at tumalikod sa kanya. Kita mo na, pati ako nahahawa sa pagka-isip bata nila.
Tumawa naman siya ng mahina. Timang talaga kahit kailan! Tapos lumapit siya sa akin at bigla akong binuhat kaya napatili ako.
"Ahhhhh!! Hoy Steve, ibaba mo ako! Now na!" Sigaw ko pero di siya nakinig.
Buhat-buhat niya pa rin ako habang binubuksan ang pinto. My eyes widened when he starts walking down the stairs while he's still carrying me. My gosh! Napahawak nalang ako sa kanya kasi baka mahulog kami pareho.
"Hoy kuya, anong trip mo ha?" Sigaw agad ni Shellie ang bumungad sa amin. Hindi naman siya pinansin ni Steve pero tumawa lang. "Che! Snob akala mo naman gwapo!" Naiinis niyang wika.
BINABASA MO ANG
Love The Second Time
RomanceSi Jaynee Silvestre ay tulad lamang ng mga ibang babae. Sweet pero may pagka-sadista. Maingay, madaldal pero iyakin. Magalang sa mga taong kagalang-galang. Mabait pero di papatalo lalo na kapag siya na ang inaabuso. Matalino pero minsan ng nagin...
