CHAPTER 33: Shattered

1.1K 24 0
                                    

Jaynee's POV



Kasalukuyan akong nasa bahay ngayon at nag-eempake kasi maglalayas na ako! Pinasok ko sa loob ng isang malate ang mga gamit ko pati na rin gamit ni Aiken na kailangan kong dalhin. We just need a few pairs of clothings para na rin hindi marami ang dadalhin.

Naglagay na rin ako ng sunblock, powder, bathing suit at iba pang mga kailangan. I wore a simple above the knee maong shorts and a fitted spaghetti strap black croped-top and a white Nike rubber shoes tsaka cap na black para astig. So in the end kita ang long legs--este not so long pala kasi di naman ako katangkaran. I'm only 5'4 kasi di ako tumatalon every new year.

Ilang saglit ko pang tinignan ang itsura ko sa salamin ng may kumatok ng tatlong beses at unti-unting binuksan ang pinto.

"Pretty, are you done---what the heck are you wearing?" Bungad agad ni Steve na nakasalubong ang kilay while scanning his eyes on me.

"Damit malamang!" Pabalang kong sagot.

"Tsk! I don't like it, change now!" Aba, kung makautos ha!

"Ayoko!" Hinila ko nalang ang maleta ko at lalampasan na sana siya ng hinawakan niya ang maleta ko kaya napatigil ako.

"Change now." He said in a serious tone.

"Ayoko sa Boracay tayo pupunta alangan namang mag-pajama ako doon!" Naiinis kong sagot.

He places his hand on his forehead with matching caresses with his temple pa. And another thing, hehe hindi ako maglalayas noh! Kagabi kasi after namin mag-away ni Steve, he told us to have a 3 days and 2 nights vacation in Boracay. And I like the idea that's why automatic akong nakagawa at nakapasa ng leave for 3 days kahapon at ngayon ang alis namin.

"Magpalit ka nga! Tignan mo kita kilikili ang itim tapos pusod mo lumulubo!" I shot him a glare because of what he said.

That was so masakit! Hindi naman maitim kilikili ko at hindi lumulubo pusod ko. I have a slim body naman kahit na hindi ganoon kalaki sa likod at hinaharap ko.

"Ayoko nga!" Angal ko pa dito.

Hindi niya na ako sinagot at dumeretso sa closet ko at naghalungkat tapos pagharap niya sa akin ay binigay ang isang loose na white t-shirt na akin.

"Bihis na kasi ang kulit eh!" Tsaka niya ako pilit na pinagtulakan para makapasok sa CR.

In the end I had no choice but to change my upper clothing. Kahit naiinis ako wala pa rin akong magagawa kasi hindi niya ako titigilan unless I give up. Nag-tuck in na rin ako. Nakasimangot akong lumabas sa bathroom habang siya ay mala-asong nakangisi. Lumapit siya sa akin at tinali ang isang black na jacket sa may beywang ko.

"Happy?" Nakataas-kilay kong tanong.

He just smile and gave me a kiss on my forehead and so I closed my eyes and feel his lips touching my forehead. "Yes." He answered.

Napangiti naman ako sa ginawa niya. Para lang hindi kami nag-away kahapon kasi okay na okay kami ngayon. Naalala ko tuloy ang nangyaring pag-aaway namin kahapon. He was mad at me when he found out about what happened in the restau.

"S-steve...... Sorry na."

"I don't know what to do with you anymore, Jaynee...." Disappointed na sabi niya.

"K-kasalanan naman kasi niya at saka siya ang naunang nanggulo." Depensa ko sa sarili ko.

"Kahit na!" Gulat akong napatingin sa kanya ng sigawan niya ako.

Love The Second Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon