Dalawang lingo na ang nakalipas ngunit hindi pa rin makita ng mag-asawang Montellon ang anak nilang si Jezreel. Alalang-alala na ang mga ito sa kanya kasi kahit anong balita wala silang makalap para malaman kung nasaan o kamusta na ba ito.
Ni-report na rin nila sa mga otoridad kaya nakalagay na sa mga linyahan ng missing person ang kanilang anak. Mr. Montellon also hired a private investigator para mas mapadali ang paghahanap.
"Wala pa ba kayong balita kung nasaan ang anak ko?" Kalmado ngunit madiin ang tono nito.
"Wala pa talaga sir. Huli niyang pinuntahan ang bahay nila ng asawa niya ngunit agad din umalis sakay ng kotse niya mga bandang 8:40 ng gabi ayon na rin sa CCTV footage sa subdivision nila. Pero sa isang mall sa Fairview namin nakita ang sasakyan nito. Wala na ring record ang dashcam at mukhang sinadyang burahin. Hanggang doon lamang ang nakalap naming impormasyon." Mahabang paliwanag ng imbestigador niya.
"Ano na tingin niyo ang nangyari sa anak namin at bigla nalang nawala?" Pinipilit niya na pakalamhin ang sarili sa sariling tanong.
He's damn worried about his son! Dalawang lingo ni wala man lang pasabi ang anak kung nasaan na ito.
"Sa tingin ko ay sinadya ang pagkawala niya. Malakas ang kutob ko sir na nakidnapped ito pero mukhang ang tagal naman ng two weeks para maging kidnapped for ransom pa ito. May kilala ba kayong kagalit ng anak niyo?" Tanong ng imbestigador.
"Wala" Sagot nito.
"Gawin niyo ang lahat pakiusap para mahanap lang ang anak ko! Hinahanap na siya ng anak niya." Napahagulgol ang ginang matapos niyang sabihin ito sa private investigator.
Wala namang ibang kaaway ang anak niya. Maaaring isa sa mga katunggali sa negosyo, pero sino?
Naawa na rin ito sa apo na ilang lingo ng hinahanap ang daddy niya. They were just using excuses that his father is in abroad for some business. Lingid sa kaalaman ng apo na nawawala na ng dalawang lingo ang ama nito.
"Gagawin namin ang aming makakaya."
"Salamat, makaka-lis na kayo." Tumango ang PI at agad umalis.
"Paano ang anak natin? Nag-aalala na ako sa kanya." Inalo ng ginong ang umiiyak na ginang.
"Magiging maayos din ang lahat. Mahahanap din natin siya." Tsaka siya niyakap at hinagod ang likod nito.
"Umaasa ako."
****
Dalawang lingo na siyang nakakulong sa dating kwarto nilang mag-asawa. He's been locked-up and chained by his crazy wife so he couldn't escape. Masyado na kasing obsessed ito sa kanya kaya ng malaman niyang hihiwalayan na niya ito ay hindi nagdalawang-isip na patulugin siya at ikulong. Hindi rin naman siya makahingi ng tulong kasi wala ang cellphone niya. Ni sumilip nga ba bintana ay hindi niya magawa.
Inis siyang lumipat ng pwesto dahil nangangawit na siya sa posisyon niya. Kung noon kasi ay kamay ang naka-posas sa kanya, ngayon ay pinalitan na ng dalawang mahabang kadena sa paa. Mahabang kadena sa magkabilang paa ngunit hindi aabot hanggang pinto o kahit sa bintana man lang. Mabuti nalang at kahit papano ay umaabot ang haba ng kadena sa bathroom ng kwarto kaya nagagawa niya ang mga personal necessities niya.
He also tried to escape several times pero nabubulilyaso lahat ng plano niya. Krystal is to clever to open a hole for him to escape. Baliw lang ang babaeng iyon pero ginagamit pa rin ang utak. He had begged her countless of times but the latter complains he'll leave her if she will let him go, which he will really do.
At sa oras na makatakas siya dito, he will take advantage of this abduction case to have the divorcement. Alam niyang hinahanap na siya ngayon kaya makakawala rin siya mula sa pagkakakulong sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love The Second Time
RomanceSi Jaynee Silvestre ay tulad lamang ng mga ibang babae. Sweet pero may pagka-sadista. Maingay, madaldal pero iyakin. Magalang sa mga taong kagalang-galang. Mabait pero di papatalo lalo na kapag siya na ang inaabuso. Matalino pero minsan ng nagin...
