CHAPTER 21: Help

1.2K 28 0
                                    

Steve's POV




Tumulala, walang kain, walang ligo, walang maayos na tulog.

Iyan lang ang naging ganap sa buhay ko sa loob ng isang lingo simula ng iuwi ako ni Jaynee sa bahay noong nagkasakit ako dahil sa pagpapaulan sa labas ng restau niya. Lagi kong hawak ang cellphone ko at maya't-maya ang pagtawag kay Jaynee pero di niya sinasagot. Naiinis na ako sa kanya na ginagawa niyang pag-iwas pero di ko magawang magalit kasi kasalanan ko naman talaga.

Tinungga ko nalang ang isang bote ng beer. Ito lang ang sandalan ko ngayon. I miss her so much and this feeling is killing me. Sana naman mapatawad niya na ako kasi nahihirapan na ako ng sobra. Hindi lang naman siya ang nasasaktan ako rin. Gusto ko siyang sumabatan pero di ko magawa kasi nga tiklop ako pagdating sa kanya.

"Jaynee"

Impit akong napaiyak ng lumabas sa bibig ko ang panglan niya.

Because just murmuring her name makes me cry. I just found out that I'm already crying. Nami-miss ko na sila ni Aiken. I want to kiss her. I want to hug her. Pakiramdam ko mawawala na ako sa tamang pag-iisip at baka matuluyan na ako kapag mas tumagal pa.

Nasaktan ko siya ng sobra alam ko iyon. Minsan na siyang sinaktan ng dating asawa at akala ko ako na yung tatangal sa sakit na nararamdaman niya pero fvck! I made it worst for her.

Hindi ko man alam ang nangyari ng gabing iyon pero ganun pa rin. Nagkasala ako sa kanya. Pilit kong inaalala pero wala talaga akong maalala. Ang huli ko lang na naalala ay kasama ko siya sa kotse pero dahil ko sobrang antok nakatulog ako. Paggising ko ibang babae na ang kasama ko.

Galit na galit nung una ang mga magulang ni Jaynee ng malaman nila. Hindi ako makapunta sa bahay nila kasi pingbabawalan nila ako. At hindi ko alam kung paano aayusin ang gulo ko!

I got back to my senses when I heard a knock on the door.

"Anak, lumabas ka na diyan! Isang lingo ka ng nagkukulong. Please naman!" I can hear sadness in mom's voice.

"Mom, leave me alone. Please!" Pakiusap ko dito tsaka ininom ulit ang alak.

She keeps on knocking and trying to open the door. I don't want to face them yet. Alam ko naman na pipilitin lang nila akong magtrabaho kahit ayoko pa.

"Tumawag ang mommy ni Jaynee, kung pwede ba daw bisitahin mo si Aiken, miss na miss ka na ng bata. Gusto ka rin nilang makausap." Wala sa sariling napabangon ako at tinungo ang pinto at binuksan. "Oh my God! Anak ano bang pinaggagawa mo sa sarili mo?" Di ko pinansin ang sinabi niya.

"Do you mean it, mom? Gusto nila akong makausap?" Tumango naman si mom.

Tila ba nabuhayan ang loob ko kasi makikita ko si Jaynee.

"Now, go and clean yourself. Huwag kang humarap sa kanila na ganyan ang itsura mo." Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Maiintindihan din nila. Everything will be fine, son." Yumakap na rin ako sa kanya.

Agad kong inayos ang sarili ko. I look at myself at the mirror and I'm really sucks! Ang gulo ng itsura ko. Tumubo na rin ang mga bigote at balbas ko at ang lalim ng eyebags ko. Ilang araw na rin akong walang ligo kaya panigurado na madami na akong libag.

Nasa harap na ako ng bahay nila. Syempre nagpagwapo ako para kay Jaynee.

"Hijo, nandito ka na pala. Hinihintay ka na nila sa sala." Tumango lang ako kay manang at dumiretso sa sala.

"Daddy handsome!" Sigaw agad ni Aiken at tumakbo tsaka nagpakarga sa akin. God! I miss him. "I miss you, daddy." Ginulo ko naman ang buhok niya.

Love The Second Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon