Jaynee's POV
Nakatulala akong nakatingin sa kawalan at pilit na inaalala ang mga panahong magkasama pa kaming dalawa. Panahong nandito pa siya sa tabi namin ni Aiken. Parang kahapon lang ay masaya kaming nagbakasyon sa Boracay tapos na-realized ko nalang na magdadalawang-lingo na pala ang nakalipas.
Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas para makabangon muli sa pagkakalugmok ko. Sobrang mahal ko lang talaga siya kaya nahihirapan ako ng ganito. I love him so much that it hurts so bad letting him go.
Akala ko kasi maayos na ang lahat sa amin. Akala ko sasaya na kami ng buong-buo. Akala ko siya na ang magbibigay sa akin ng masayang pamilya na hinahangad ko. Akala ko kami pa rin hanggang dulo iyon pala puro akala lang ako. Hanggang akala nalang ako kasi kahit kailan hindi na mangyayari iyon.
I have his heart but he will never be mine again, physically. And I'm worried that his heart will never be mine anymore. Natatakot akong mahalin niya si Bridgette ng mas higit sa pagmamahal niya sa akin. Natatakot ako na dumating ang araw na titigan niya nalang ako ng wala ng pagmamahal. Na ang mga mata niyang nasa akin lamang ay nasa iba na.
Bullshit! I'm being selfish pero hindi niyo naman ako masisisi. Sinira ni Bridgette ang mga pangarap namin ni Steve. She made a way to totally destroy us and I fvcking hate her for that.
I loathe her. I despise her. I detest her.
Hindi ako santo para patawarin siya ng ganoon nalang. Pero hindi rin ako masama para gustuhing may mangyaring masama sa kanya at sa magiging anak nila. I know how difficult it is to raise a child alone. Mabuti na lang at nandiyan Si Steve ng mga panahong kailangan ko ng masasandalan ng maghiwalay kami ni Reel. Siya ang tumayong ama ng anak ko and I'm thankful for that. At kapag naiisip ko na sa anak ko nga na hindi niya tunay na anak minahal niya ng tunay, anak pa kaya niya?
Napangiti ako ng mapait ng may maisip. Syempre naman pipiliin niya ang anak niya kaysa sa amin. Ano ba naman ang laban namin sa totoo niyang anak. Pero kahit papano ay masaya ako dahil nakikita kong magiging responsable siyang ama.
Napangiti tuloy ako sa naisip. I'm sure he will be a very good father. He will be a loving father. He will be the best daddy. At masaya ako sa part na iyon. Masaya ako na may sarili na siyang anak.
I am not blaming him for leaving us and choosing his unborn child. Kahit na sinong matinong tao gagawin ang ginawa niya. Even if I am on his shoes, I'll do the same. I'll sacrifice my own happiness for my child to live.
I got back from a deep thought when I felt someone wipe my tears off. I look at him and saw the sad face of my son.
"You're crying again." Malungkot na sabi niya habang pinupunasan ang luha ko.
"Hindi ah! Napuwing lang ako, baby." Pagtatanggi ko dito.
"Mommy, huwag ka ng mag-lie. You're not good at it." Natahimik naman ako sa sinabi niya.
"Hindi nga baby, promise!" I raised my one hand.
"Okay."
Kahit na mukhang hindi siya convinced sa sinabi ko ay naka-pout nalang siya. Napabuntong-hininga nalang ako. My baby is really growing fast. Dati umiihi pa ito sa salawal but now he can already tell if I'm lying or not. Unti-unti na siyang nagkakamalay sa mga nangyayari sa paligid niya. And I hate myself for not telling him about his real father yet.
I hug him tight. "Anong ginagawa ng baby ko? Are you drawing again?" Tanong ko dito. Mabilis naman siyang umiling.
"Mommy, nasa baba si tito Jezreel at ate Kaitlynn."
BINABASA MO ANG
Love The Second Time
RomanceSi Jaynee Silvestre ay tulad lamang ng mga ibang babae. Sweet pero may pagka-sadista. Maingay, madaldal pero iyakin. Magalang sa mga taong kagalang-galang. Mabait pero di papatalo lalo na kapag siya na ang inaabuso. Matalino pero minsan ng nagin...
