Jaynee's POV
Isang lingo matapos ang pangyayaring iyon. Isang lingo na rin matapos magpro-pose ni Steve sa akin. Isang lingo ng malaman namin na buntis si Bridgette at gustong kausapin ni Mr. Madrigal ang fiancé ko. Ang masasabi ko lang, maraming nagbago. Di na kami masyadong nagkaka-usap ni Steve sa personal but he keeps on calling and texting me. Hindi naman nagbago ang pagiging sweet niya. He is still the same 'yon nga lang parang wala na siyang oras sa akin. Naiintindihan ko naman kasi alam kong hinahanapan niya ng solusyon ang sa kanila ni Bridgette kaya hinahayaan ko nalang muna siya. Ayoko namang maging pabigat sa problema niya. As long as I can, titiisin ko muna ang sitwasyon namin. I will understand him at hindi ako mawawala sa tabi niya gaya ng pangako ko.
Napabuga nalang ako ng hangin at napatingin sa anak ko na seryosong nagsusulat ng paulit-ulit sa pangalan niya sa papel. He's turning five at sa pasukan, i-i-enroll ko na siya kaya ngayon tinuturuan ko na siya para hindi masyadong mahirapan sa adjustments niya on his first day at school. Diretso na rin ang salita ni Aiken although he's only four years old. Hindi na siya bulol magsalita.
"Don't you think my handwriting is so ugly, mommy pretty?" Tanong niya tsaka pinakita ang sulat niya.
"Hindi ah maganda nga ang handwriting mo eh!" Ngumuso naman siya.
"You're lying, again." He commented kaya napanganga ako.
"Hindi ah! It's normal for babies to have that kind of writings. Gaganda rin iyan kapag lumaki ka na." Ani ko.
"But I'm not a baby, mommy." Reklamo niya.
"Basta, baby kita!" Sabi ko dito tsaka ki-niss ang pisngi niya.
Nakangiwi siyang bumalik sa pagsusulat at sumeryoso ang mukha. Hinaplos ko nalang ang buhok niya habang pinapanood siya. How I love this kid, of course anak ko siya. Sino ba naman ang hibang na ina na hindi mahal ang sariling anak, diba?
Hanggang ngayon din iniisip ko pa rin kung paano ko sasabihin sa kanya ang tungkol kay Jezreel. Everytime I try to tell him, bigla nalang uurong ang dila ko kaya at the end hindi ko masabi sa kanya. I'm getting nervous on what might be his reaction when he finds out the truth. But I'm sure he will get hurt at iyon ang ayaw kong mangyari.
Hindi ko naman kasi na sarili pagbabalik ko dito ay gusto rin pala ako ni Jezreel na bumalik sa kanya. Hindi ko alam na hahabul-habulin niya ako kasi nga siya naman ang unang nang-iwan. I never think of revenge kahit na galit ako sa kanya. Hindi ko rin alam na aabot sa ganito kasi ang buong akala ko ay ayaw niya sa anak ko. Hindi ko rin masisisi ang sarili ko sa naging desisyon ko. I want the best fro my son and that time, Jezreel doesn't deserves my baby.
"Baby..." Tawag ko dito.
"Yes, mommy?"
"Kapag nalaman mong nagsinungaling sayo si mommy magaglit ka ba sa akin?" Napakagat-labi ako sa tanong ko.
Medyo matagal naman bago siya nakasagot.
"Depends on how grave is your lie." Nalungkot naman ako sa sinabi niya.
It was a grave lie. Tinago ko sa kanya ang tunay niyang ama at hindi na sana balak pang ipakilala. Yeah I know I'm being selfish pero ginawa ko iyon kasi ayokong masaktan ang anak ko. But things change now. Hindi ko habang-buhay na matatago sa kanya ang buong katotohanan at karapatan nilang magkakilala bilang mag-ama.
"Aren't you going to work, mommy?" Tanong niya.
"Day off kasi ni mommy ngayon kaya wala akong pasok. At saka gusto kong makasama ang baby ko. Pa-kiss nga!" Hinalikan ko siya sa magkabilang pisngi at humagikhik naman siya. "Pasyal tayo gusto mo?" Tanong ko dito.
BINABASA MO ANG
Love The Second Time
RomanceSi Jaynee Silvestre ay tulad lamang ng mga ibang babae. Sweet pero may pagka-sadista. Maingay, madaldal pero iyakin. Magalang sa mga taong kagalang-galang. Mabait pero di papatalo lalo na kapag siya na ang inaabuso. Matalino pero minsan ng nagin...