Jaynee's POV
Magandang simulan ang araw kapag maganda din ang gising mo. Kapag nagising ako ng good mood, halos buong araw ay ganyan na ang magiging mood ko. Pero kapag nagising ako ng walang sa mood, huwag ako!
Inis akong nagpagulong-gong sa kama ko habang hawak ang cellphone ko. Malapit na talaga akong mainis, no naiinis na talaga ako kasi 10 am na hindi man lang tumawag o nag-text si Steve sa akin. Ni hindi nga niya sinasagot at nire-reply-an ang mga texts at calls ko. Nag-aalala na rin ako sa kanya kasi wala man lang siyang pasabi kung saan o ano ang ginagawa niya kagabi at bigla nalang nawala. Hindi na nga muna ako pumasok sa trabaho kasi hindi rin ako makaka-focus.
Damn! I am so worried. Baka kasi bigla siyang dinukot kagabi kaya nawala. Lord huwag naman sana. Nag-aalala na kasi ako sa kanya.
Hawak-hawak ko ang phone ko kanina pa, naghihintay ng text o tawag mula sa kanya. In just a moment, my heart beats fast when I heard my phone rings. Pero ganun nalang ang panlulumo ko ng hindi pala siya.
It's from an unknown number.
Bigla naman akong kinabahan kasi baka nga may nangyaring masama sa kanya. Hindi ko na sana sasagutin pero baka tungkol kay Steve.
"H-hello." I stuttered as I felt the nervousness slowly invading my system.
"Jaynee..." Nakahinga naman ako ng maluwag ng mabosesan ko ang nasa kabilang linya. "Jaynee, I sent you something. I just think you have to see this."
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya niya. Habang hindi pinapatay ang tawag natanggap ko ang si-nend niya sa akin ng isang video. It's the cctv footage ng venue. Tinotoo nga niya ang sinabi niya kagabi.
"A-ano 'to?"
"Watch it."
Pinatay ko muna ang muna ang tawag at pinanood ang video. Gusto kong basagin ang phone ko sa napapanood ko. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang nakayukong si Steve at dahan-dahan na naglalakad na parang lasing ng biglang sumulpot si Bridgette at yumakap dito. Akala ko naman itinulak ni Steve pero tangina lang at yumakap pa talaga siya pabalik. The video ended where Bridget is helping him to walk.
I immediately call Reel after. I need a confirmation kung totoo ba ito but obviously hindi naman mukhang edited.
"Is this even reliable?" I sound sarcastic.
"It's not edited, Jaynee."
"Who invited that woman?" Tanong ko dito.
"I think Krystal did. I saw them together last night." He explains.
Mahina akong napasabunot si buhok ko. Tangina lang talaga oh! Magkaibigan pala ang dalawang iyon? Birds of the same feather flocks together nga naman!
"Nasaan siya ngayon?"
"Sa bahay namin. I'll text you the address if you want."
Agad ko naman na-receieve ang text niya. It was their address. Bakit ba ang bilis ng taong ito? Hindi pa nga ako nagsasabi ng 'oo' eh!
"Thank you sa info, Reel."
"You're welcome, sweetheart. Sigurado ka bang hindi ka niloloko ng pinsan ko? Look how they hug ea---"
Agad ko ng pinatay ang tawag niya dahil sa sagot niya. Parang may mali. Parang pinapamukha niya sa akin na may namamagitan kay Steve at sa impaktang iyon. This video is not enough to conclude that Steve is cheating on me. Wala akong paniniwalaan hangga't wala akong nakikita.
BINABASA MO ANG
Love The Second Time
RomanceSi Jaynee Silvestre ay tulad lamang ng mga ibang babae. Sweet pero may pagka-sadista. Maingay, madaldal pero iyakin. Magalang sa mga taong kagalang-galang. Mabait pero di papatalo lalo na kapag siya na ang inaabuso. Matalino pero minsan ng nagin...